Chapter 36: The First
[Mimi's POV]
Bilang kapalit nga ng pagkapanalo nila Thaniel, napagkasunduan ng kanilang coach and professors pati na 'rin ang mga estudyante ng CEA na willing sumama ay magkakaroon ng victory party para sa pagkapanalo nila.
Hindi na sana ako sasama pero hindi pumayag si Thaniel.
"Hindi ako Engineering o Architecture Student, Thaniel kaya hindi ako pwedeng sumama." saad ko.
Nagtaas sya ng kilay at saka pinamaywangan ako.
"Ayaw mong sumama?" tanong niya.
Tumango ako at saka ngumiti.
"Ok then, hindi na 'rin ako sasama." saad niya.
"Ano? Thaniel hindi puwede. Kailangan ka doon." saad ko.
Ngumisi sya.
"Hindi ako pupunta kung hindi ka sasama, Mimi." saad nya.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa katigasan ng ulo niya.
"O sige sige sasama na ako." saad ko.
Ngumiti sya at saka hinawakan ako sa kamay at hinila na papunta sa kotse nya.
Nagdrive sya at pinagbuksan ako ni Thaniel at saka naglahad ng kamay.
"Psh. Ang sweet mo talaga ano?" saad ko at saka tinanggap ang kamay niya.
Pakiramdam ko tuloy nasa isang disney film kami.
Ngumiti sya at saka inilagay ang kamay ko sa braso nya.
"Bakit ayaw mo ba?" tanong nya.
"Syempre gusto. Gustong gusto ko. Pero minsan bawas bawasan mo Thaniel ang kasweetan mo." saad ko.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Hindi kasi bagay ang isang prinsipeng tulad mo na maging sweet sa isang katulad ko lang." saad ko.
Huminto sya sa paglalakad at hinawakan niya agad ako sa baba ko.
"Stop it, Mimi. Wag mo ngang nilalang lang yang kung sino ka. Kung prinsipe ako then you're probably my Princess. Pero kung ayaw mo naman, I'm your slave and your my Queen." saad niya at saka hinalikan ako sa kamay na para bang isa akong tunay na reyna.
Tinapik ko sya sa mukha at humalakhak.
"Bolero ka." saad ko at hinila na lang sya papasok.
"Kailan pa ako naging bolero?" tanong niya.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya at patuloy ko na lang syang hinila papasok.
Habang kinukulit kulit niya ako at ako naman ay tumatawa tawa lang at patuloy siyang hinihila ay bigla kaming napatigil sa paglalakad at pagtawa.
"Thaniel...Mimi." saad ni Madine.
Hindi kami umimik pareho ni Thaniel kaya mas lalo pang lumapit si Madine sa amin. Magmula ng bumalik si Thaniel hindi na sya nagparamdam o nagpakita o baka naman nandyan lang sya pero hindi lang talaga nagkrucross ang landas namin.
"Nandito ako to say two things, but before anything else, Gusto ko lang i-congratulate si Thaniel for being the best player earlier." saad niya.
Tumango si Thaniel at nagpasalamat. Ngumiti si Madine at saka inilipat ang tingin niya sa akin.
"The first thing is, Hindi ko na kayo gagambalain pa...dahil...I will leave the country next week patungong America para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral. The second thing is..." yumuko sya at saka tumingin ulit sa akin dala ang naluluhang mga mata.