Chapter 24: Too Good To Be True

70 3 0
                                    

Chapter 24: Too Good To Be True

[Mimi's POV]

"Kyaaaaah. Tanginang Thaniel 'yan. Grabeee. Sinabi nya talaga 'yung mga 'yon?" saad ni Amy pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari kanina.

Tumango ako at nagulat ng bigla s'yang tumalon talon sa kama ko at nagpagulong gulong pa sa kama ko. Natawa na lang ako sa naging reaksyon n'ya.

"Sh*t kinikilig ako sa inyo. Ikaw na, Ikaw na ang mahaba ang buhok." saad nya pa ulit at wagas kung makangiti habang nakatingin sa kawalan.

"Ano bang big deal 'don sa kinwento ko?" naguguluhang tanong ko. Kung makapag react kasi wagas.

Tumigil sya sa pag ngiti at hinarap ako ng may boring na tingin. Nagulat pa ako ng sinapak n'ya ako pero mahina lang naman.

"Isang Thaniel Clideson Villanueva lang naman kasi ang nakasama mo kanina noh, na kahit kailan hinding hindi pa naging sweet in a romantic way sa isang babae, ngayon lang at...sa'yo lang." saad n'ya.

Humiga ako at bumuga ng hininga. 'Yun na nga ang problema eh. S'ya si Thaniel...ang kinahuhumalingan ng marami. Kahit sino pwede naman nyang i-date o ligawan. 'Dun lang talaga hindi klaro sa'kin kung bakit ako pa. Sa lahat ng naggagandahan at nagsesexyhang tagahanga nya ay bakit ako pa. Ako pa na walang wala sa kanila. Ako pa na nakakapag aral lang dahil sa kanya. Ako na puro kamalasan ang dala. Ako na ayaw ng lahat maliban sa kanya.

"Ano pa kayang pwedeng gawin ni Thaniel, para sa nililigawan n'ya? Ngayon lang kasi 'yan nanligaw eh, so wala pang nakakaalam kung anong mga techniques at damoves ang gagawin n'ya sa'yo." saad ni Amy habang nakalagay ang hintuturo nya sa baba nya na parang nag iisip.

Umupo ako sa kama at hinarap sya.
"Di'ba sabi ko naman sa'yo 'di ko sya pinayagang manligaw?!" saad ko.

Nawala ulit ang ngiti nya at sinapak nya ulit ako pero 'yung mahina lang.

"Ano kaba naman Mimi? Ano pa bang kulay kay Thaniel at ba't 'di mo pinayagan?" naguguluhang tanong n'ya.

"Yun na nga ang problema eh. Masyado syang perpekto. Walang kulang sa kanya, lahat meron sa kanya...at natatakot akong mawala lahat ng meron sa kanya ng dahil lang sa akin 'pag nagkataon." saad ko.

Mabilis ang hininga ko habang sonasabi ko 'yun.

Natigilan sya sa sinabi ko pero nagulat ako ng sinapak nya ulit ako.
"Hay naku! Ang drama mo, Mimi. 'Wag nega please lang. Ano bang pinagpuputok ng butchi mo at 'di mo pinayagan 'yung tao?" tanong n'ya ulit.

Mukang kahit ipaliwanang ko pa ay hindi nya maiintindihan dahil wala naman sya sa sitwasyon ko.

Hindi ako umimik kaya bumuntong hininga sya.
"Hindi naman aamin si Thaniel na gusto ka n'ya kung hindi 'yon ang sinasabi ng puso n'ya. 'Wag kang matakot sumugal, Mimi. Hindi ka naman siguro iiwan ni Thaniel pag nagkataon, hindi sya ganong klaseng tao. Basta pagkatiwalaan mo lang 'sya." saad nya at lumabas na 'rin agad sa kwarto ko.

Humiga ulit ako at inintindi ang mga sinabi ni Amy. 'Yan na naman ang sugal na 'yan. Alam kong sa oras na maumpog si Thaniel, bubungad sa kanya ang katotohanang awa lang ang nararamdaman nya sa akin kaya hindi pa 'rin ako papayag na magpaligaw.

Kung itutuloy man ni Thaniel ang panliligaw nya sa akin kahit na hindi ako pumayag, o'di sige, hayaan ko na lang sya. Alam kong mapapagod 'din 'yon at marerealize na hindi ako worth it na ipaglaban. Alam kong susuko 'din 'yun.

Matutulog na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko.

May text galing kay Thaniel.

Gaya nga ng palaging nangyayari, heto na naman ang puso kong hayop kung tumibok.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon