Chapter 33: Akin Lang at Walang Iba

67 3 0
                                    

Chapter 33: Akin Lang At Walang Iba

[Mimi's POV]

Kakadating ko lang sa bahay ng biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Inay ito. Dali dali kong sinagot ang tawag at masayang binati ang aking Inay na miss na miss ko na.

"Hello, Nay?" bati ko.

Narinig kong umubo si Inay bago nagsalita.

"Hello anak? ehem kamusta ehem na?" saad nya.

Biglang nawala ang ngiti ko dahil sa pambungad nya sa akin. Kahit na ang boses nya ay punong puno ng galak, alam kong hindi sya maayos. Umuubo si Inay habang naghihintay sa isasagot ko kaya ibig sabihin ay may sakit sya.

"Nay, may sakit po ba kayo?" nag aalalang tanong ko.

Umubo ulit si Inay sa kabilang linya bago nagsalita.

"Wala naman ehem anak. Ayos lang ako ehem dito." saad nya.

"Nagpapawis ka na naman po siguro ng sobra tapos hindi nyo na nagawang magpalit ng damit kaya natuyo na." saad ko.

"Wala 'to ehem. Kamusta kana?" tanong nya.

Alam kong ayaw nyang pag usapan namin ang tungkol sa ubo nya kaya winawala nya ang topic.

Huminga ako ng malalim at saka parang siraulong ngumiti.

"Ayos po ako, Nay. Maayos po ang pag aaral kahit papaano. Tapos may gusto po akong sabihin sa iyo, Nay." saad ko.

"Ano 'yon anak?" tanong nya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Inay sa sasabihin ko pero napag isipan kong sabihin ko na lang sa kanya. Karapatan nyang malaman kung ano ng nangyayari at kaganapan sa buhay ko.

"Nay...may boyfriend na po ako." saad ko.

Batid kong natigilan si Inay dahil sa sinabi ko pero alam kong maiintindihan nya.

"O eh di kung ganon...Congratulations anak. Sino ba 'yung boyfriend mo?" halata sa boses ni Inay ang panginginig kaya agad akong nalungkot.

"Si Thaniel po. Nay sorry. Wag po kayong mag alala. Study first." saad ko.

Narinig ko ang pagsinghot ni Inay sa kabilang linya.

"A-ayos 'yon anak. Base naman sa pagkakadescribe mo kay Thaniel noon ay mabait sya. ehem." saad nya.

Ngumiti ako at saka tumango kahit 'di naman nya nakikita.

Kinaumagahan ay halos mapalundag ako sa kinahihigaan ko ng may naramdaman akong yumakap at humalik sa leeg ko.

Literal na nanlaki ang mga mata ko ng nakita si Thaniel na nakangisi at ngayo'y naka indian seat na sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" gulat na tanong ko habang tinuturo turo ko sya.

Ibinaba nya ang kamay kong nakaturo sa kanya.

"Gusto lang kitang batiin." saad nya.

Kumunot ang noo ko at saka tinaasan sya ng kilay. Shete.

"Batiin? Sorry pero hindi ko Birthday." saad ko.

Humalakhak sya at saka mas lumapit pa sa akin. Niyakap nya ako sa tiyan ko at saka ibinaon nya ang ulo nya doon. Pinilit ko syang itaboy dahil nakikiliti ako sa ginagawa nya pero hindi sya nagpatinag. Sa halip ay tumawa lang sya at saka mas hinigpitan pa ang yakap.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon