Chapter 27: Crazy Over You
[Mimi's POV]
Dalawang araw na ang lumipas ng naging mabait ang pakikitungo ni Madine sa akin.
Lagi nya akong binabati 'pagka nagkakasalubungan kami at hindi na nya ako sinasabihan ng maaanghang na salita.
Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria ng school para sa lunch. Oo, sumasabay na ulit ako sa kanila. Namimiss ko na 'rin naman na kasi silang kasabay kumain eh.
Pero hindi gaya ng dati na kami kami lang nila Thaniel...ngayon ay nadagdagan na kami. Kasama na namin si Madine palagi. Sa lunch at minsan maging sa pag uwi.
Para kay Mart at sa partner nya ay parang wala lang naman sa kanila ang presensya ni Madine samantalang kay Lucky na laging nakatingin kay Gail ay parang wala lang 'din sa kanya. Si Amy at Gail ang malala. Lagi nilang tinitignan ng masama si Madine at lagi 'rin nilang pinaparinggan.
"Ah Mimi anong gusto mong kainin?" tanong ni Thaniel pagkaupong pagkaupo ko sa dating pwesto namin dito sa cafeteria.
Sasagot pa lang sana ako kay Thaniel ng inunahan na ako ni Madine.
"Ah TanTan ako eh kahit ano basta ikaw ang pumili." saad ni Madine.
Napairap si Amy at Gail sa kawalan.
"Duh hindi ikaw ang tinatanong." direktang saad ni Amy kay Madine.
Nakita ko ang pagpipigil ni Madine sumagot pero 'di na nya nagawa pa at umirap na lamang sya.
"Ikaw Mimi, anong gusto mo?" tanong ulit ni Thaniel.
Nilingon ko sya at nakita kong nakangiti na naman sya sa akin.
"Ah kahit ano na lang 'din." saad ko.
Tumango si Thaniel.
"All right. Eh beverage? Ano gusto mo?" tanong nya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nag iwas ako ng tingin at sasagot na ulit sana ng si Madine ulit ang sumabat.
"Ako Thaniel I want Mogu mogu." malambing na saad ni Madine.
Nilingon ko si Thaniel na sa akin pa 'rin ang buong atensyon at parang hinihintay ang sasabihin ko.
Ngumiti ako at sumagot.
"Tubig ok na sa akin." saad ko.
Parang hindi kumbinsido si Thaniel noong una pero ng ngumiti ako ay ngumiti 'rin sya at umalis na.
"Ang kapaaal~ ng mukha~ Hindi na~ Nahiya~" pakantang saad ni Amy.
Alam kong pinaparinggan na naman nya si Madine pero si Madine parang wala lang sa kanya. Masaya nga ako at nakakapagpigil na sya ng galit hindi tulad noon na hindi nya makontrol ang galit nya at agad agad na lamang na susugod.
Bumalik si Thaniel na may dala dalang dalawang tray ng pagkain.
Umupo sya sa tabi ko at isa isang ibinigay ang mga pagkain. Halos kalahati ng laman ng dalawang tray ang napunta sa akin samantalang naghati sila ni Madine sa natira.
"Thank you, Tantan. Ang bait mo talaga. Kaya mahal kita eh." saad ni Madine at nagsimulang kumain.
Tumingin ako kay Thaniel at nakita kong parang wala lang naman para sa kanya ang sinabi ni Madine. Pa'no kaya 'pag ako ang nagsabi 'non? Ano kayang magiging reaksyon nya?
"Salamat, Thaniel." saad ko saka ngumiti.
Nakita kong natigilan sya sa pagsubo at umangat ang tingin nya sa akin. Noong una ay 'di sya nakapag react pero kalaunan ay unti unting lumaki ang ngisi nya at nakita ko na naman ang mga ngipin nyang ang puti.