Chapter 55: Stab on my Chest

62 2 0
                                    

Chapter 55: Stab on my Chest

[Mimi's POV]

Bakit ganun? Nakita ko lang ulit sya parang mas dumoble pa ang sakit.

Ngayon mas gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung bakit sya nagpunta dito. Para ba itanong sa akin kung bakit ako nawala? Para ba sabihin sa akin kung gano sya nasaktan? Para sabihin sa akin kung gano sya kagalit? O para sa bihin sa aking...he already moved on at magpasalamat sa akin kasi ako ang dahilan kung bakit masaya na sya ngayon kay Madine?

Bakit sya umalis kung ganun nga? Hindi na ba nya kayang kausapin ako dahil sa galit niya at baka masaktan niya lang ako physically?

Gusto ko syang puntahan. Gusto kong gawin namin lahat ng dati naming ginagawa. Yakap, halik, Siya. Miss na miss ko na.

Hindi ba pwedeng bumalik sa dati?

Sa dating kami? Hindi ba pwedeng si Thaniel at Mimi na lang ulit?
Paano na ako kung wala sya.

Nakasandal lang ako sa headboard ng kami ko habang nakayakap sa mga tuhod ko.

Wala na 'rin akong ganang umiyak. Nagsawa na siguro ang mata ko. Sa wakas at kahit papano ay naubos na. Pero bakit ang sakit ay nandidito pa 'rin?

Huminga ako ng malalim at saka bumangon. Ilang araw na 'rin ang nakalipas magmula ng pumunta sya dito sa bahay. At kahit kailan hindi na yata sya bumalik.

Nakamove on na sya. Hindi ba pwedeng ako naman ang mag move on? Masaya na sya. Hindi ba pwedeng ako naman. Ako naman ang maging masaya?

*Beep Beep

Napatingin ako sa phone ko. Kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nagtext.

Galing kay Amy.

'Mimi...dinner mamaya. Punta ka ha? Dito sa apartment. Birthday ni Mama. Gusto ka niyang makita ulit kaya huwag kang mawawala.'

Huminga ako ng malalim bago nagreply.

'Ok. Asahan mo.' reply ko.

Ngumiti ako at saka tinitigan ang pool na kumikislap kislap dahil sa liwanag ng araw habang nakatayo ako dito sa balkonahe.

Pupunta ako for Tita Pasing. Birthday niya. Pupunta ako para pasalamatan sya. Sya lang ang nakakaalam ng pag alis ko 'non at hindi niya 'yon pinagsabi gaya ng pakiusap ko sa kanya kaya pupunta ako.

Habang nakatitig sa pool. Bigla akong napangiti. Gusto kong magrelax. I want to unwind. Kaya ang ginawa ko. Dagli dagli kong hinubad ang mga suot kong t-shirt at shorts ng nasa tapat na ako ng pool at saka tumampisaw agad sa swimming pool. Masayang masaya akong nakababad at nakakapit sa dulo at gilid ng pool. Hanggang ngayon pa 'rin naman kasi ay hindi ako marunong lumangoy kaya hanggang kapit lang ako sa gilid.

Ginalaw galaw ko ang paa ko sa tubig na para bang ako'y isang isda. Buti na lang merong pool dito sa bahay.

Lumubog ako ng isang beses para basahin ang ulo ko at saka umahon 'din agad habang nakahawak pa 'rin sa gilid.

Sinubukan ng paa kong abutin ang pinakababa ng pool pero hindi ko maabot abot dahil malalim. At saka maliit lang ako. 5'2 lang yata ako.

Pero kahit na mahirap. Sinubukan ko pa 'ring abutin habang nakakapit pa 'rin sa gilid pero dahil sa pagkadesperada kong maabot ang pinaka ilalim, bigla kong nabitawan ang semento sa gilid ko. Sinubukan kong abutin 'yon pero unti unti na akong napupunta sa pinaka gitna ng pool.

"TULONG!" sigaw ko habang sinusubukang lumangoy kahit na hindi ko naman alam.

Lumubog pa ako ng isang beses pero pag angat ng ulo ko ay nagulat na lang ako sa pagtampisaw ng isang taong hindi ko inaasahang nandito sa bahay at sya pa ang magliligtas sa akin.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon