Chapter 53: I'm Not His Baby Anymore
[Mimi's POV]
Umuwi agad ako sa bahay at dumiretso sa kama ko.
Niyakap ko ng mahigpit ang unan at saka doon humagulgol.
"Ang sakit sakiit." hagulgol ko.
Totoo nga ang iniisip ko. Nakahanap na sya ng iba.
Pero bakit si Madine pa? Bakit hindi na lang ang ibang babae. 'Yung hindi ko kilala.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at saka tinignan ang number ni Thaniel na kahit kailan ay hindi ko binura dito sa phone ko.
Ito pa 'rin kaya ang number niya?
Kinagat ko ang labi ko at saka pinindot ang 'call'. Gusto kong marinig ang boses niya.
Tinapat ko ang phone ko sa tenga ko at saka ganun na lamang ang tibok ng puso ko ng nag riring ang phone niya. Ibig sabihin ito pa 'rin ang gamit niyang number.
"Hello..." ganun na lamang ang tuwa ko ng marinig muli ang boses niya.
Alam kaya niyang ako ang tumatawag?
Hindi ako sumagot...gusto ko lang mapakinggan ang boses at ang paghinga niya.
"Hello...Mimi."
Pakiramdam ko bigla akong nabuhusan ng yelo at nakisali sa ice bucket challenge dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
A-alam niya na ako ang tumawag? Napatakip ako sa bunganga ko...hindi niya binura ang number ko.
"Tantan sino 'yan?" rinig kong tanong ni Madine.
Huminga ako ng malalim at saka hinintay ang isasagot ni Thaniel.
"It's nothing. Teka lang." rinig kong sagot niya kay Madine.
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos kong marinig iyon.
Napangiti na lang ako ng wala sa sarili at saka umiyak. Ito na lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon eh...ang umiyak.
Kung nakakatanggal lang ng sakit ang luha...marahil hindi na ako nasasaktan ngayon. Pero hindi eh.
Ang sakit lang malaman na may iba na sya.
~
Nagising na lang ako gabi na.
Ramdam ko pa 'rin ang sakit sa mata ko dahil sa pag iyak. Mugtong mugto na siguro ito.
Huminga ako ng malalim at saka binuksan ang ilaw sa kwarto ko.
Napakalawak ng bahay...iilan lang kaming mga nakatira. Kaya mas lalong nakakalungkot kapag ganito.
Kinuha ko ang phone ko na nadaganan ko kaninang natulog ako at saka titignan sana ang oras ng may isa pala akong message galing kay...Thaniel.
Ito na naman ang paghuramentado ng puso ko. It's not the usual beat...abnormal na yata ang puso ko. Makita, marinig, o maisip ko man ang pangalan na Thaniel...iisa lang ang reaksyon. Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.
Binuksan ko ang message at saka nakagat ko na lang ang bibig ko ng mabasa ang text niya.
'Why did you call? May kailangan ka ba?'
Yan ang text niya. That text was an hour ago.
Huminga ako ng malalalim bago ko iniwan ang phone ko sa kama ko at saka nagdesisyong lumabas ng kwarto ko.
Gusto kong kumain ng kumain. Ito 'daw ang pinaka great solution for someone na may heartache eh. Gusto kong i-try.
Dumiretso ako sa kusina at sa napakalaking ref.