Chapter 38: The Password
[Third Person's POV]
Masayang masaya ang binata dahil alam niyang nasa mga bisig niya ang dalagang pinakamamahal niya sa mga oras na 'yon.
At ganun 'din naman ang nararamdaman ng dalaga, ramdam na ramdam niya na hindi siya nag iisa dahil sa higpit ng yakap sa kanya ni Thaniel.
Unang nagising si Thaniel kaysa sa dalaga, kinusot kusot niya ang kanyang mga mata bago tumingin sa dalagang nasa mga bisig niya, at agad siyang napangiti ng makitang mahimbing ang tulog ng dalaga. Masaya siya dahil si Mimi ang unang nakita niya sa paggising niya.
"Kahit sa pagtulog mo, naaakit pa 'rin ako sa'yo." bulong nito sa tenga ng dalaga kahit na alam naman niyang hindi siya maririnig nito dahil sa pagtulog.
Ngumiti ulit si Thaniel at hinalikan ang pisngi ng dalaga at gigil na gigil na tinadtad ng halik nito ang ulo niya. Maingat lamang ang kanyang mga galaw, dahil ayaw niyang magising ang girlfriend niya dahil sa kanya.
'Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ko sa'yo' saad nito sa kanyang sarili habang tinititigan ang natutulog na dalaga.
Ilang sandali pa ng biglang gumalaw si Mimi at dahan dahan niyang ibinukas ang mga mata niya, muka agad ni Thaniel ang bumungad sa babae kaya ngumiti ito pero tumalikod at tumakbo papunta sa banyo ng kwarto niya.
"Mimi 'san ka pupunta? Hindi pa ako naggu good morning." pahabol na saad ng binata bago nagsara ang pinto ng CR.
Humalakhak ang binata at saka hinintay na lang na lumabas sa banyo si Mimi.
Ilang minuto bago napagpasyahang lumabas ng banyo si Mimi. Ang totoo niyan ay nahihiya siya kay Thaniel kaya todo todong pagmumog ng tubig na may asin at pagtoothbrush ang ginawa ni Mimi. Sinabunan 'din niya ang kanyang mukha para matanggal ang mga muta o laway kung meron man.
'Nakakainis. Ba't ba kahit na umaga ay napakagwapo pa 'rin ng lalaking 'yon?' saad nito sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin.
Lumabas siya sa banyo at saka nakita niya si Thaniel na nakangising nakatingin sa kanya.
Biglang ibinuka ni Thaniel ang kanyang mga kamay begging for a hug.
'Buti nalang nagtoothbrush at naghilamos na ako' saad ni Mimi sa kanyang sarili bago pumunta kay Thaniel at binalot ito ng yakap.
"Nag abala kapang maghilamos?" tanong ng binata sa dalaga.
Tumango ang dalaga kahit na magkayakap sila.
Ngumiti si Thaniel at saka kumalas sa pagkakayakap, hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Mimi at saka dahan dahang hinalikan ito sa labi.
"Lahat sa'yo mainahal ko, Mimi, maski muta o kulangot man 'yan tatanggapin ko basta ba sa'yo galing." saad niya na nagpatawa sa dalaga.
"Ang aga aga papakiligin mo na naman ako." saad ng dalaga at saka kinurot si Thaniel sa pisngi nito.
Tumawa silang dalawa at saka nagharutan.
Kinuha ni Thaniel ang kumot at saka ibinalot iyon sa kanilang dalawa ni Mimi at doon sila sa ilalim ng kumot nagtawanan, nagkurutan at kung ano ano pa.
Matapos ang maraming minuto ay tumigil na sila at hingal na hingal na humiga.
"Pack your things Mimi, may pupuntahan tayo." biglang saad ni Thaniel sa dalaga.
Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi ng binata.
"Saan?" tanong niya.
"Sa condo ko." sagot ni Thaniel.