Chapter 58: Steps To Forget Him
[Mimi's POV]
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakahawak ng isang ballpen at notebook.
Natatawa nga ako sa sarili ko eh. Muka akong timang. Paano ba naman kasi...naisipan kong magsulat ng mga bagay para makalimutan sya.
Ito ang ilan sa mga sinulat ko.
5 Steps to Forget Thaniel Clideson Villanueva:
1. You should delete his images to your cellphone.
2.You should not talk to him.
3. You should trash those things that reminds him.
4. Think of the bad memories he has given to you.
And the last...
5. You should forget him by letting him go.
I sighed. Matapos kong basahin at tapusin ang kagagahan ko, binasa ko ulit ang number 1.
You should delete his images to your cellphone.
Inilabas ko ang phone ko at saka pinunta agad sa gallery. Sinelect ko lahat ng pictures niya at picture naming dalawa at saka pinindot ang delete.
May lumabas pa ulit.
Are you sure you want to delete it?
'Yan ang nakalagay.
Huminga ako ng malalim at saka pinindot ang 'yes' pero hindi ko binibitiwan ang pagkakapindot. Kapag binitawan ko ito...para na 'rin akong bumitaw kay Thaniel.
"Hindi Mimi. Nasa number 1 ka palang ng mga steps mo. Paano ka naman makakamove on kung hindi mo susundin ang mga ginawa mong steps?" bulyaw ko sa sarili ko.
Huminga muna ulit ako ng malalim at saka tinakpan ang mga mata ko gamit ang isa kong kamay. Pero muka lang akong tanga kasi sinisilip silip ko 'rin naman ang button.
"Mimi...ALISIN MO NA YANG KAMAY MOOO." bulyaw ko ulit sa sarili ko pero di ko tagala mabitiwan ang pagkakapindot ko.
Huhuhu. Step 1 pa lang ang hirap na.
Yung mga pictures namin...kaya ko nga bang idelete?
Tumingin ako sa gilid ko at kasabay ng pagtulo ng luha ko ang tuluyan kong pagalis ng kamay ko sa button.
Huminga ako ng malalim at saka pinunasan ang pumatak kong luha.
Ngumiti ako at saka naki apir sa sarili ko.
"Good Job Mimi." saad ko sa sarili ko at saka nilagyan ng check ang gilid ng number one step ko.
Ngayon...binasa ko naman ang number 2 step.
You should not talk to him.
Tumango tango ako. Tama. Hindi na dapat ako makipag usap sa kanya.
Kaya nga ng kinaumagahan. Kahit na gustong gusto kong lumabas para maunwind ay mas minabuti kong huwag na lang.
Baka makatagpo ko pa sya sa daan o sa whatevs pero kung minamalas malas ka nga naman oo.
Nasa kasalukuyan akong balcony ng kwarto ko ng makita ko ang kotse niya na huminto sa gate. Nakita ko pa ang pagbaba niya sa kotse niya at ang pagdoorbell niya.
OMO. What to do? What to do? Shet. Natataranta akong tumakbo papunta sa banyo ko at saka nagtago doon habang nakasandal sa likod ng pintuan.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kabog nito.