Chapter 7: Pepon
[Mimi's POV]
Tatlong linggo na akong nagtratrabaho dito, ibig sabihin ay ilang araw na lang, matatanggap ko na ang kauna unahang bunga ng bawat pawis at pagod ko. Pagkasweldong pagkasweldo ko, gaya nga ng sabi ko ay bibili agad ako ng cellphone ng sa gayon ay makausap ko na si Inay na nasa probinsya. Gustong gusto ko na syang makamusta. Sobrang Miss na miss ko na 'rin sya. Paniguradong pagod na pagod 'yun palagi sapagkat katulad ko ay todo kayod 'rin sya doon sa probinsya. Sa lunes hanggang biyernes ay nagluluto sya sa isang karinderya at nagkakahalaga ng isang daang piso lamang ang sweldo nya kada araw 'don na kadalasang nagkukulang pang gastos sa pang araw araw na gastusin namin noong magkasama pa kami. Marahil ngayon ay nagkakasya na ang bawat bilihin ni Inay dahil mag isa na lamang sya. Sana ay kumakain sya ng maayos doon. Tatlong beses sa isang araw. Kapag sabado naman ay naglalaba sya sa kapitbahay naming mayaman na hindi marunong ng gawaing bahay. dalawang daan naman ang sweldo n'ya 'don pero alam kong kulang pa 'din dahil 'pag sinasamahan ko si Inay noon na maglaba ay lahat ng pinagbihisan nya ng isang linggo ang ipinapalaba nya kay Inay, tatlong beses pa yata sya kung magpalit sa isang araw kaya tambak palagi ang labada ni Inay.
"Mimi, unahin muna ang customer bago 'yang kakadaydream mo. Ang hilig hilig ng babae na 'to na magdaydream, kala mo naman kung sinong kagandahan." bulyaw ni Sir. Philip sa akin at inirapan pa n'ya ako.
Ito ang estado ko parati dito sa aking pinagtratrabauhan. Parang sirang plaka na lang 'din ang bawat bulyaw sa'kin ni Sir, dahil paulit ulit na lang. Walang araw ang lumipas na 'di nya ako nabulyawan at natatakot ako na baka isang araw ay maisip nyang wala akong kwenta at baka sesantihin pa 'nya ako. Iniisip ko pa lang 'yun ay naiiyak na ako. Pa'no na ang pangako ko kay Inay 'pag nagkataon? Pa'no na ang pangarap kong makapag aral kung 'di ako makakapag ipon?
Linapitan ko ang customer na sinasabi ni Sir. Ng humarap sya sa'kin ay 'di na'ko nagulat pa. Magmula nung una syang bumili dito ay araw araw na syang nandito at bumibili, at minsan pa nga ay nakakadalawa hanggang tatlong beses syang balik dito. Sya ang tinuturing kong pinaka suki ng Shop na 'to. Napakabait at minsan pa nga ay binibigay pa nya ang mga sobra o sukli pero syempre 'di ko sya sinusunod, pinipilit ko syang kunin nya ang barya nya dahil sa kanya iyon. Ewan ko ba, para kasi syang bangko. Kahit na anong oras o panahon yata lagi syang may ilalabas na pera. Napakayaman siguro nito. Bilyonaryo 'rin siguro.
Ngumiti ako sa kanya at inilabas ang bagong model o design ng shoes namin at ipinakita 'yun sa kanya. Nung minsan na tinanong ko sya kung ba't lagi syang bumibili ng mga sapatos, ang sinagot lamang nya ay nangongolekta 'daw kasi sya ng koleksyon.
"Wow, mind reader ka na pala ngayon? Alam na alam ang bibilhin ko ah." saad nya ng nakangiti na parang mangha mangha.
"Pa'no ko po ba 'di mamememorize eh 'yun naman po talaga ang lagi mong hinahanap di'ba?" saad ko.
Hindi naalis ang pagka mangha at ngiti sa mukha nya.
"Alam mo, lagi kong naaabutan at naririnig 'yang Sir mo na binubulyawan ka. Ba't 'di ka na lang maghanap ng ibang trabaho?" takhang tanong nya.
Naiisip ko 'din yan minsan pero baka 'pag umalis ako dito ay wala na akong malipatan o mahanap na ibang trabaho kaya 'di ko itinutuloy at tsaka yakang yaka naman na dito eh. Madali na nga ang trabaho ko kumpara sa iba, 'yun nga lang ay may kasamang bulyaw at insulto ang trabaho ko, 'yun ang nagpapahirap don.
"Wag na. Sanay na 'rin naman na ako." sagot ko.
Biglang lumungkot ang mukha nya at hindi ko alam kung bakit, siguro'y naaawa lang sya sa kalagayan at estado ng buhay ko. Oo, awa. Ako na halos hindi mapagkasya ang kakarampot na pera samantalang sya ay kahit na anong oras nya kailanganin ang pera ay meron at meron syang iwawaldas, 'yun siguro ang naiisip nya.