Chapter 51: Makita Kang Muli
[Mimi's POV]
After One Year...
"Tita, asan po si Mims?"
"Nasa taas. Puntahan niyo na lang."
"Kyaaah. Ok pooo."
Huminga ako ng malalim at saka tinakpan ang buong katawan pati ang muka ko ng kumot.
Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak ko sa kumot ng marinig ko na ang yapak nila Jann, Ica, at Gina patungo dito sa kwarto ko.
Narinig ko ang pagbukas ng kwarto ko at naramdaman ko na lang ang pagbaba ng hinihigaan ko.
"Mims. Mims. Gising. Dali gala tayo." rinig kong saad ni Gina habang niyuyugyog yugyog nila ako.
Ayan na naman ang tawag nila sa akin. Mims? Sabihin niyo nga...kelan pa naging Mims ang pangalan ko?
Pumikit ako ng mariin bago tinanggal ang pagkakakumot ko at saka hinarap sila ng may boring na tingin.
"Kayo na lang. Ayoko." sagot ko at bumalik ulit sa pagkakahiga.
Nalaglag ang mga balikat nila at parang bigong bigo ang mga mukha nila.
"Sige na insan." pagpupumilit ni Ica.
"Ayoko talaga." saad ko.
Nagkatinginan silang tatlo at saka ngumiti ng nakakaloko. 'Wag nilang sabihing pamblablack mail na naman nila 'yon?
Mabilis kong liningon at kinuha ang phone ko sa bedside table ko at niyakap yon ng mahigpit saka ko sila nginitian at binelatan.
"Haha akala niyo ha." saad ko.
Pero imbis na malungkot ay mas lalong lumawak ang ngiti nila at saka inangat ni Jann ang kamay niya hawak hawak ang...memory card ko.
Nanlaki ang mata ko at saka mabilis na binuksan ang phone ko at ganun na lamang ang panlulumo ko ng makitang wala ang memory card ko doon.
Tinignan ko sila na ngayo'y nageevil laugh na habang pinapakita sa akin ang memory card ko.
"P-paano napunta sa inyo 'yan?" nagtatakang tanong ko.
"Aba...kami pa ba tatanungin mo niyan?" sagot naman ni Ica.
Oh my. Napahilamos ako sa mukha ko at saka naiiyak na tinignan sila.
"Oo na. Sasama na ako." saad ko.
Bwisiiit. Paano nila nakuha 'yon?
Pangblackmail kasi nila sa akin ang picture ni Thaniel One year ago bago ako umalis. Idedelete nila iyon kapag 'di ko sila napagbigyan kaya wala akong nagawa kundi bumangon sa mahal kong higaan at pumasok sa banyo para maligo.
Huminga ako ng malalim at saka tumunganga habang bumubuhos ang malamig na tubig sa katawan ko.
Isang taon na.
Isang taon na nga ang lumipas magmula ng umalis ako ng walang paalam. Nakaya ko...hindi, kinaya ko.
Sina Jann, Ica, at Gina. Sila ang mga pinsan kong wala ng ginawa kundi pestehin ako. Pero syempre joke lang 'yon kasi sila ang kumbaga pinakakaibigan ko dito.
Hindi ako lumalabas ng bahay depende na lang kung yayayain nila ako.
Hindi ko naman na kasi kailangan pang lumabas ng bahay dahil pwedeng pwede akong mabuhay ng hindi lumalabas dito sa bahay ng Mommy ko.