Chapter 34: Best Thing

58 3 0
                                    

Chapter 34: Best Thing

[Mimi's POV]

Minsan iniisip ko ano na nga ba talaga ang napakaganda kong ginawa para bigyan ako ng Diyos ng napakagandang regalo. Binigay niya sa akin si Thaniel.

Namulat ako sa katotohanan noong mga bata pa ako na ang mayaman ay magkakagusto lang 'din sa kagaya nitong mayaman at ang mahirap ay magkakagusto sa mayaman pero kahit kailan ay hindi magugustuhan ng mayaman...dahil 'yun naman talaga ang realidad.

Kaya ganon na lamang 'rin ang takot kong sumugal sa pag ibig para kay Thaniel noon dahil 'don.

Pero malinaw na sa isip at puso ko ngayon na sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, meron itong purpose, pwede nito tayong pasayahin pwede 'rin naman nito tayong saktan at palungkutin. Kaya go with the flow lang ika nga ni Amy.

"Ok Class answer this in a one whole sheet of paper and I'll be back after one hour to collect all your papers. Meron lang akong aasikasuhin." saad ni Sir Palatan, sya ang professor namin sa Soc sci.

Pagkatapos ng announcement nya ay umalis na sya at iniwan kami.

Naglabas ako ng one whole at sinulatan ito ng pangalan ko.

Absent kasi si Gail kaya wala akong mapagtanungan ng ideya. Hindi ko alam pero napapadalas na ang pagiging absent nya. Ang huli naming pag uusap ay nangyari pa noong isang araw at umiiyak na naman sya tungkol sa boyfriend nyang si Lucky.

Kawawa naman si Gail, pero alam ko naman na malalagpasan 'din nila 'yon. Sabi ko nga isa sila sa pinaka matibay na magkarelasyong nakilala ko.

Nilingon ko sila Deziree sa likod ko na ngayo'y nakatingin na naman ng masama sa akin. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanila at sinulatan na lang ng pangalan ko ang one whole ko.

Magmula ng gabing sinagot ko si Thaniel ay hanggang titig na lang sila ng masama sa akin. Nagulat nga 'din ako eh. Hindi sila lumalapit at inaalipusta ako gaya ng nakasanayan kong ginagawa nila sa akin.

Tinignan ko ang mga questions na sasagutan namin. Napabuntong hininga na lang ako ng makitang wala man lang akong alam ni isa dito.

Kalaunan ay napagdesisyunan ko na lamang na pumunta sa main library ng university. Ito kasi ang hirap sa ibang prof eh. Magpapasagot sila ng hindi pa naman nila nadidiscuss o nababannggit man lang. Ang hilig nilang mang surprise.

Umakyat ako sa third floor ng Education building para pumunta sa library.

Tinanong ko sa mga nag aassist kung saan nakalocate ang mga Sociology books. Tinignan muna ako nung babae mula ulo hanggang paa bago sinabi sa akin kung nasaan. Nagpasalamat na lang ako kahit na alam kong labag sa loob nya na sabihin sa akin 'yon.

Lahat ng mga estudyanteng naka upo ay napapa angat ang tingin nila sa akin at napapalingon sila sa akin. Hindi ko na lamang sila pinagkaabalahan pa at dumiretso na lang ako sa mga nakahilerang libro ng socio.

Habang nagi-scan ng mga libro ay biglang may humablot niyon sa akin. Naghuramentado ang puso ko dahil sa pag aakalang si Madine 'yon pero nagkamali ako ng makita ang nakangiting si Anthony.

"Ui ikaw pala 'yan Anthony." saad ko.

Ngumiti sya at saka tumango.

"Uh-huh." saad nya.

"Ano ginagawa mo 'rito?" nagtatakang tanong ko.

"Nakita kasi kita kanina kaya sinundan kita rito." saad nya.

Tumango at saka tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga libro.

"Eh anong kailangan mo?" saad ko habang naghahanap ng mga answers sa mga tanong.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon