Chapter 32: Those Reasons
[Mimi's POV]
Mabilis na lumipas ang araw... ngayon ay ikalimang araw na ng relasyon namin. So far wala namang naging problema. Ang alam ko lang ay sobrang saya ko 'pag sya ang kasama ko.
Nakakalimutan ko ang lahat ng problemang nakapaligid sa akin...'yun nga lang ay bumibilis ang takbo ng oras 'pag magkasama kami. Bakit kaya ganun? Kapag kasama mo ang mahal mo sa buhay ay imbis na tumigil at bumagal ang oras ay mas lalo pa itong bibilis.
Natatandaan ko pa noong ikalawang araw namin ni Thaniel.
Pagkatapos ng gabi kung saan 'doon ko sya sinagot ay umuwi na sya. Natulog na kami pagkatapos 'non. Nagulat na lang ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko alas sais pa lang ng umaga. Pagkabukas na pagkabukas ko ay yakap agad at halik ni Thaniel ang bumungad sa akin. At ang problema pa 'non...hindi pa ako nagmumumog at nagtatanggal ng morning star.
Baka naturn off 'yun sa akin kaya ang ginawa ko ay pinagsarhan ko sya ng pinto at agad akong nagsisitakbo papunta sa CR ng kwarto ko. Titig na titig ako sa salamin noon upang tiyakin kung meron pa bang natitirang muta ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko, pagtingin ko sa salamin ay ang nakangiting si Thaniel ang bumungad sa akin. Waaah. Itutulak ko na dapat sya noon ng bigla nyang mas higpitan ang yakap nya sa akin.
"Thaniel ano ba. Hindi pa ako naliligo eh." saad ko.
Ngumisi sya at saka ibinaon ang muka nya sa leeg ko at saka ito marahan na hinalikan. Shete. Umagang umaga pinapakikilig ako ng lalaking ito.
Dumungaw sya sa salamin at nakita ko na naman ang walang katapusang pag ngiti nya.
"Wag ka na maligo. Ikaw pa 'rin ang pinakafresh at pinaka mabangong babae para sa akin." saad nya at pumikit sa balikat ko.
Ngumuso ako at saka humalukipkip.
"Ayoko nga. Lumabas ka muna at maliligo pa ako." saad ko at saka humiwalay sa pagkakayakap mula sa kanya.
Lalapit pa sana ulit sya pero itinulak ko ulit sya palabas ng kwarto ko.
Bumalik ako sa banyo at nagsimulang maligo. Inabot ako ng halos sampung minto sa pagbababad sa tubig. Hindi ko kasi mapigilang ngumiti eh. Shete. Umagang umaga pa lang kumpleto na ang araw ko.
Pagkatapos kong maligo ay wala nga pala ang mga damit ko dito. Ngumuso ako at napilitang lumabas para kumuha ng mga damit ko. Pero halos mapalundag na ako ng makita si Thaniel na prenteng prenteng nakahiga sa kama ko habang niyayakap ang mga unan ko at nakatingin sa akin. Buti na lang 'di ako lumundag dahil kung nagkataon ay natanggal sana ang tuwalya na nakapulupot sa katawan ko. Nakatapis lang kasi ako. Agad na nag init ang pisngi ko ng narealize na nandito sya at ganito lang ang harang ng katawan ko at mas lalong naghuramentado ang puso ko ng tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at saka lumapit sya sa akin.
"Th-Thaniel doon ka muna sa labas. M-magpapalit pa ako." saad ko.
Nakita ko ang ngisi nya at saka nagtaas sya ng kilay sa akin.
"A-yo-ko. Dito ka magpalit kung gusto mo." saad nya at saka ngumisi.
"S-saan?" tanong ko.
Mas lalong lumawak ang ngisi nya at mas lalong nagpagwapo pa sa kanya ang kulay itim at bilog nyang hikaw.
"Dito...sa harap ko." seryosong saad nya.
At dahil sa sinabi nya ay nagsimula na akong magpanic at nerbyosin. Shete.
Ilang sandali pa ng biglang tumawa si Thaniel habang nakahawak sa tiyan nya.