Chapter 29: His Everything

69 3 0
                                    

Chapter 29: His Everything

[Mimi's POV]

Saka mo na lang talaga malalaman ang importansya ng isang tao kapag wala na sya noh?

Ilang ulit akong kinumbinsi ng mga tao sa paligid ko noong nandyadyan pa si Thaniel pero hindi ko sila sinunod kahit na ganun 'din naman ang gusto kong mangyari.

Siguro nga mas ginamit ko lang ang isip kesa puso sa pagdedesisyon.

Hindi ko na inisip ang ikasasaya ko.

Pero kung bibigyan lang ako ng pagkakataong maibalik ang mga araw na nandyan sya...gagawin ko ang nararapat...gagawin ko ang isinisigaw ng puso ko.

Sobra akong nasaktan at umiyak ng malaman na umalis sya. Siguro nga sumuko na sya. Siguro nga hindi na nya kayang kumbinsihin ako.

Dapat nga hindi ako nasasaktan eh, dahil ako naman ang dahilan kung bakit sya lumayo. Noon, ako ang tumatalikod at tumatakbo palayo sa kanya, ngayon naman sya na ang nawala...narealize ko kung ga'no kalaki ang katangahang nagawa ko. Nararamdaman ko na ang nararamdaman nya noong mga panahong tinatakbuhan ko sya.

Halos magdadalawang linggo na magbuhat ng umalis sya. Walang araw na lumipas na hindi ko sya naaalala.

Napakalaki kong tanga. Kung noong lagi akong inaaapi ay lagi syang sumusulpot at pinagtatanggol ako...ngayon ay wala ng nagtatanggol sa akin.

Ngumiti na lang ako ng mapakla. Lahat ng to...lahat lahat kasalanan ko. Pero masisisi nyo ba naman ako kung gusto kong malagay sa tahimik na buhay? Prinsipe sya samantalang ako muchacha. Pero kung sabagay...dapat tinanggap ko na lang mula pa noong una...na magulo na talaga ang buhay pagtapak pa lang ng paa ko dito sa Maynila.

Masyado lang sigurong tahimik ang buhay ko noon doon sa probinsya kung kaya't hindi ako masyadong nakaadapt sa sitwasyon ko ngayon dito sa Maynila.

Lagi ko pa 'rin namang kasama sina Gail, Lucky, Mart at Amy. Lagi akong tulala at hindi ko na masyadong nakakausap sina Amy at Gail. Laging sila na 'rin ang magkasama...at lagi ko 'rin silang napapansin na nakatingin sa akin at tumatawa..Sininsimangutan ko na lang sila at mas lalo pa silang tatawa 'pag ganun. May sikreto sila...at hindi ko alam kung ano 'yun.

"Ms. Fernandez. Noon ikaw ang laging highest sa mga quizzes...ngayon? Anyare? 96 naging 69? What's happening? May problema kaba?" puna ni Ma'am Anghelista habang hawak hawak ang papel ko at binabali baliktad pa pero talagang wala akong maisip at maisagot noon dahil ang tanging laman lang ng puso at isip ko ay si Thaniel.

Umiling ako kay Ma'am at yumuko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap ni Gail sa akin. Haay!

Pinangako ko kay Inay na hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito pero...pinilit ko namang sagutan 'yun eh. Kaya lang parang ang hirap. Hindi ko makalimutan si Thaniel.

Minsan 'pag wala ng klase at mag isa na lang ako dito sa room at nag aayos ng gamit, titingin ako sa labas at bigla ko syang makikita na naghihintay sa akin...nakangiti. Pero 'pag pipikit ako at pagmulat ng mata ko...wala...walang Thaniel. Wala na sya. Ni hindi ko alam kung bakit sya nagtungo sa ibang bansa. Siguro 'dun na sya mag aaral.

*****

Dalawang araw ulit ang lumipas ng walang Thaniel ang nagpapakita.

"Oh Mimi, Huwebes na huwebes, bakit biyernes santo 'yang muka mo?" puna ni Amy sa akin pagkabang pagkababa nya.

Ngumiti ako...pero pilit lang. Ni ngumiti hindi ko alam kung kaya ko pa bang gawin.

Nakita ko na naman ang ngisi nya. Ang ngisi ni Amy na hindi ko alam kung may ibig sabihin ba. Lumapit sya sa akin at sinundot ako sa tagiliran.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon