Chapter 10: Bugso
[Mimi's POV]
'Di ako natinag sa mga pinagsasasabi nya. Kahit na natatakot ako sa maari nya ulit magawa sa akin.
"Alam mo, why don't you get your own life? Hindi yung nakikisawsaw ka pa sa buhay ng may buhay." nanggagalaiti nyang saad na para bang anong oras ay masasaktan nya ako dahil sa pagsabog nya. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Unang beses ko pa lang syang makakaharap ngayon kaya bakit kaya galit na galit sya sa akin.
"Ngayon nga lang po kita nakausap, ano po ba talagang kasalanan ko sa inyo?" mahinahon kong tanong.
Mas lumapit pa sya sa akin at hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.
"Wag mo nga akong pinopo, sa pananamit pa nga lang mas matanda na 'yang dating mo sa'kin eh." bulyaw na saad nya sa mukha ko kaya inilipat ko ang tingin ko sa gilid ko.
"Ano bang gusto mo?" saad ko pero napanatili ko pa 'rin ang kababawan ng boses ko.
Hindi ko talaga sya maintindihan. Naiisip ko, baka wala lang talaga syang ibang mapagtripan kaya nya ako ginaganito o baka naman dahil kay Thaniel? Pero wala naman kaming relasyon para magselos o magalit sya ng ganyan sa akin at sa pagkakatanda ko namang sinabi ni Amy ay walang gusto o interes si Thaniel dito kay Madine.
"Anong gusto ko? GET LOST." nakaemphasize ang bawat salita nya na para bang gustong gusto nyang ipasok sa kokote ko ang bawat masasakit nyang salita.
Sabi ni Amy ay baliw na baliw 'daw 'to kay Thaniel. Kaya siguro 'di sya masuklian ng pagmamahal ni Thaniel dahil sa ganitong ugali nya.
"Umalis na lang po muna kayo. Oras pa po ng pagtratrabaho ko eh." saad ko at tumalikod na.
Hahakbang pa lang ako ay naramdaman ko na ang kamay nyang humawak sa braso ko at iniharap nya ako sa kanya at mabilis na sinampal.
Nanunuot sa laman ko ang sakit at lutong ng sampal nya. Humawak ako sa pisngi ko at napahagulgol. Gaya ng dati ay wala na namang tumulong sa akin kahit na ang dami ng nakakakita.
Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Simula pa lang gusto ko na ng tahimik na buhay hangga't maaari, pero bakit meron at merong taong dadating at manggugulo sa buhay mo ng wala namang malinaw na dahilan kung ba't ka nya pineperwisyo.
"Hindi naman mangyayari sa'yo 'yan kung 'di ka na lumandi eh. Malandi ka kasi. Tatandaan ko 'yang pagmumukha at pangalan mo, hindi pa tayo tapos." saad nya at tsaka mabilis na umalis kasama ang mga kaibigan nya.
Halos magdadalawang buwan pa lang ako dito sa Maynila pero punong puno na ng kasukdulan ang mga nangyayari sa'kin.
Umuwi ako ng alas kwatro ng hapon at agad na nagpunta sa kwarto ko at nagkulong. Nakatingin ako sa labas na bintana ko habang pinapanood ang mga estudyanteng magkakasamang nagtatawanan, mga estudyanteng natitikman ang kaginhawaan ng buhay. Bakit kung sino pa ang may gusto ng magandang buhay ay sya pa ang 'di napagkakalooban? Samantalang kung sinong mga tao pa ang ginagamit ang pera sa mga masasamang bagay ay sila pa ang gumiginhawa. Life is so unfair ika nga nila, pero bilang isang mananampalataya ay naniniwala akong lahat ng bagay na nangyayari sa mundo, mabuti man o masama, ay may mga rason at ito ang huhubog sa pagkatao natin sa lahat ng pagsubok na dumating sa ating buhay.
Pero meron at meron pa 'rin talagang mga pagkakataong kinuwekuwestiyon natin ang mga bagay bagay. Katulad na lang ang kung sino pa ang may gustong makapagtapos ng pag aaral ay sila pa ang walang pagkakataon.
Bumuntong hininga na lang ako at tinitigan ang cellphone ko. Nagpaload ulit ako kanina para sana matawagan si Inay.
Tinawagan ko ang numero ni Inay at tatlong ring lang ang sinapit ay may sumagot na agad nito.