Chapter 31. Just Kidding
[Mimi's POV]
"Gusto man kitang masolo ngayon, Mimi. Gabi na eh..kailangan na kitang maiuwi...baka kasi hindi ko na mapigilan." saad nya kaya lang hindi ko malinaw na narinig ang panghuli niyang sinabi dahil humina ang boses nya.
"Ano?" tanong ko.
Pinaandar na nya ang sasakyan nya pero sumulyap muna sya sa akin at saka ngumiti na lang.
Tignan mo itong lalaking 'to? No secrets allowed 'daw pero ayaw naman niyang ulitin ang sinabi nya kanina.
Nakatingin lang ako sa nadadaanan naming mga tanawin. Aware naman ako na hindi masyadong malaki ang ekonomiya ng pilipinas pero sa nakikita ko naman ngayon ay talagang kahit papaano ay napapanganga pa 'rin ako, lalo na sa mga naggagandahang ilaw sa mga kalsada tapos nagrereflect pa ito sa tubig ng Manila Bay. Ang ganda. Lalo na 't papalapit na 'rin naman ang pasko. Ber months na at nagsisimula na ang lahat na magcountdown.
Sumandal ako sa upuan ko at bigla pa akong napabalikwas dahil sa gulat ng hawakan ni Thaniel ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang kamay nya na ngayo'y nakaintertwine na sa aking kamay.
"Nagdradrive ka." untag ko.
Lumingon sya sa akin at saka ngumiti.
"Masama na bang hawakan ngayon ang pinakaayaw kong bitiwan?" saad nya at mas lalo pang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
Ngumiti ako at saka ipinakita sa kanyang sobra akong naaapektuhan sa mga pinagsasasabi at lumalabas sa bunganga nya. Malaya naman na ako eh. Wala ng dahilan pa para itago ko ang totoong nararamdaman ko.
"Naiinis ako." biglang saad nya.
Napalingon ulit ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"Bakit naman?" tanong ko.
Nakita ko ang pag pout ng kanyang labi habang ang isang kamay nya naman na nakahawak sa kamay ko ay mas lalo na namang humigpit.
"Naiinis ako kasi bakit gabi mo ako sinagot. 'Di tuloy natin masyadong masusulit ang bawat oras sa first day natin." saad nya.
Akala ko naman kung ano na. 'Yun lang pala.
"Ayos lang naman sa akin. Ang mahalaga naman ay magkasama tayo." sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri nya.
Natawa ako ng natatawa sya sa ginagawa ko sa kamay nya. Minamasahe ko kasi eh at mukang may kiliti pa yata sya sa kamay.
Ng malapit na kami sa Apartment na tinutuluyan ko ay biglang hininto ni Thaniel ang sasakyan nya sa gilid at mabilis nya akong hinila para yakapin sya.
Nagulat ako at sa dibdib nya lang ako nakahawak habang niyayakap nya ako kaya hindi ko sya mayakap pabalik.
"Dyan na lang kaya ako matulog?" tanong nya habang nakayakap sa akin at hinahaplos nya ang aking buhok.
"Huh? Saan?" tanong ko.
"Dyan sa Apartment na tinitirhan mo." saad nya.
Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at saka minadaling tinakpan ang dibdib ko gamit ang mga braso ko.
Nakita ko ang paghalakhak nya habang tinuturo nya ako at nakahawak pa sya sa tiyan nya.
"M-Mimi? Are you serious? I won't do anything to you. Unless if you let me to?" saad nya at saka pinagpatuloy ulit ang pagtawa.