Chapter 4: Thaniel Clideson Villanueva

114 3 0
                                    

Chapter 4: Thaniel Clideson Villanueva

[Mimi's POV]

"Ma, naman eh. Bakit mo ba kasi inutusan pa si Mimi na idala sa'kin 'yung pera eh alam mo namang bago lang 'sya dito sa Maynila. Tignan mo nga nangyari sa kanya oh. Mama naman ih 'di kasi nag iisip."

"Ikaw na bata ka nagsisisi na nga ako eh, 'wag mo na nga akong konsensyahin pa ulit. At anong sabi mo? 'Di ako nag iisip ha? Itong sa'yo"

"Aray Ma, 'wag. Aray, aray, Ouch! Mama naman eh, sng sakit ng pingot at kirot mo."

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko sa paligid ko. Iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko.

Iginala ko ang paningin ko sa aking paligid at wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa ito ay ang kwarto na nirerentahan ko at kung 'di ako nagkakamali ay boses ni Amy at Tita Pasing ang naririnig kong nagbabangayan sa labas.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at nabigla ako sa naramdaman kong sakit ng katawan ko. Hinawakan ko ang braso kong may pantal ng pasa at mga kalmot.

'Dun ko na lamang napagtanto ang mga detalyeng nagyari sa akin. Ang natatandaan ko lamang ay pumunta ako sa Unibersidad na pinapasukan ni Amy upang iabot sa kanya ang ipinamimigay ni Tita Pasing sa kanyang tuition fee at dahil nga masyadong mabilis ang mga naganap at pangyayari ay naramdaman ko na lang na pinagtutulungan na nila ako. At...naaalala ko 'rin ang boses ni Amy na nakikipag away sa mga babae bago ako nawalan ng malay.

P-pero? Iginala ko ulit ang paningin ko sa paligid at muka namang 'di ako naghahallucination lamang sa aking nakikita dahil nasa kwarto naman ako at wala ako sa gymnasium nila at nakahandusay.

Inabot ko ang salamin sa gilid ng kama ko at kinakabahang tinignan ang muka ko. Ng maitapat ko na ang salamin sa muka ko ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para makita ang itsura ng muka ko. At laking pasasalamat ko ng wala namang naging problema o mga pantal na naiwan dito. Kung sabagay kahit na magkaroon man ng pantal ay parang wala lang 'din namang mawawala dahil inborn na ang mukang 'to. May pantal man o wala ay panget pa 'din.

Hanggang ngayon ay 'di pa 'rin ako naliliwanagan sa mga pangyayari kahapon. Ang daming tanong na halos 'di ko na mabilang.

Ano ba kasalanan ko sa kanila? Bakit nila ginawa 'yon sa'ken?

Kilala ba nila ako?

Ga'non ba talaga ang mga tao rito? Bigla bigla na lang mananabunot?

Sa dami ng tanong na bumabagabag sa akin na halos 'di ko na masabi ang lahat ay may isang tao lamang ang alam kong makakasagot 'non. Baka sakaling makatulong sya.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto at tsaka dahan dahan itong binuksan. Nagulat ako ng nandon pala sa labas si Tita Pasing at Amy na parehong nakatingin sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa na para bang ineexamine nila ako.

Lumapit si Amy sa akin suot ang nag aalalang mukha.

"Mimi ayos ka na ba? Masakit pa ba 'yang mga pasa mo?" nag aalalang tanong n'ya tsaka hinawakan lahat ng pasa ko sa braso.

Ngumiti ako sa kanya at umiling kahit na ang totoo ay masakit at nagngingitngit pa rin ito sa kirot.

"Ah eh. Mimi. P-pasensya ka na ha? Kundi dahil sa'kin na inutusan ka ay hindi dapat nangyarisa'yo 'yan. Sorry." saad ni Tita Pasing habang nakayuko at 'di maiharap ang kanyang mukha.

"Ayos lang po 'yon. Nabigla lang po ako sa mga pangyayari. Kaya nga gusto ko sanang tanungin si Amy tungkol sa mga nangyari." saad ko pero nakatingin lamang ako sa mga mata ni Amy na parang naawa sa kalagayan ko.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon