Epilogue:

103 2 0
                                    

Epilogue:

[Thaniel's POV]

"Mimi, sabihin mo sa akin kung lumabas na ha?" sigaw ko.

"O-OO. Aaahh." sigaw niya pabalik.

"Mimi ok ka lang ba?" sigaw ko ulit.

"O-OO. Masakit nga lang." sagot niya.

Huminga ako ng malalim at saka sumandal sa gilid at inaabangan si Mimi na lumabas sa banyo.

Nakakainis. Panira ng moment. Ngayon pa sya yata nagkaroon ng diarrhea. Ano ba naman kasi ang kinain niya at bakit nagkaganon ang tiyan niya?

Ilang sandali pa ng bumukas na ang pinto ng cr at lumabas si Mimi doon ng nakangiti.

"Oh ano success ba?" tanong ko at saka nginitian sya.

"Haha. Oo?" patanong na sagot niya.

Inakbayan ko sya at saka hinapit palapit sa akin at hinalikan sya sa gilid ng ulo niya.

"Lumayo ka na muna. Amoy pupu ako eh. Nakakahiya naman." saad niya.

Sumimangot ako at saka hindi sinunod ang gusto niya.

"Hindi naman eh. Ang bango bango mo nga oh." saad ko habang hinahalikan sya sa pisngi ng paulit ulit.

Tumatawa tawa syang lumayo...pero sumimangot 'din agad at saka tumakbo pabalik sa cr.

"Lalabas na namaaaan." sigaw pa niya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at saka hinintay ulit syang lumabas mula sa banyo.

"Uminom ka na ba kasi ng gamot?" tanong ko.

"HINDI NA KAILANGAN. MAUUBOS 'DIN ITONG TAWAG NG KALIKASAN." sigaw niya.

Umiling iling na lang ako at saka inilabas ang phone ko at may tinawagan. Nagpabili ako ng maraming gamot para sa pagtatae.

Ng lumabas na si Mimi sa banyo ay nakanguso ko syang tinignan.

"Masakit pa ba? Dalhin na lang kaya kita sa ospital?" tanong ko habang nakapamulsa.

Ngumiti sya at saka niyakap ako.

"Hindi na." sagot niya.

Sinilip ko ang mukha niya na nasa dibdib ko.

"Weh? Baka mamaya niyan tumakbo kana naman papunta diyan sa banyo?" saad ko.

Inangat niya ang mukha niya at saka nginitian ako.

"Wag kang mag alala...sa susunod na sasakit ang tiyan ko. tinitiyak ko sayong hindi na tawag ng kalikasan ang ilalabas ko. kundi ang magiging prinsesa't prinsipe na natin."

+++THE END+++

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon