Chapter 17: Don' t Judge The Book By Its Cover

76 3 0
                                    

Chapter 17: Don't Judge The Book By It's Cover

[Mimi's POV]

Pagkarating ko sa bahay ay nagmukmok na agad ako sa kwarto ko.

Alam kong pagkarating ni Amy ay tatanungin niya ako kung bakit 'di ko siya hinintay pero hindi ko kayang sabihin sa kanya ang dahilan 'pag nagkataon. Hindi ko kayang sabihin na naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko 'rin kayang sabihin ang dahilan na may gusto ako kay Thaniel at ako na si tanga at aasa asa ay nakita ko sila ni Madine na naghahalikan kaya 'di ko siya hinintay.

Kahit na ramdam ko ang napakainit na temperatura ay nagkumot ako. Kinumutan ko ang buong katawan ko at namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak. Bakit ba ako nagkakaganito eh gusto ko lang naman sya. Crush ko lang naman sya eh. Ba't ba ganito ako kung maapektuhan?

*******

Pagmulat ko sa mata ko ay namalayan ko na lang na gabi na pala dahil sa dilim. Nakatulog pala ako ng hindi ko alam.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at napagtanto kong 7:00 na pala ng gabi.

Ibig sabihin ay kanina pa naka uwi si Amy.

Itutuloy ko na lang sana ang pagtulog ko ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Mimi. Mimi buksan mo 'yung pinto." hindi ko nakikita kung sino ang kumakatok pero alam kong si Amy 'yon.

Kinutuban agad ako at biglang napa upo sa kama ko.

Alam kong tatanungin niya ako kung bakit 'di ko siya hinintay. Kailangan kong mag isip ng dahilan.

Huminga ako ng malalalim at tsaka pumunta sa pinto para pagbuksan si Amy.

Nakita ko siyang nakapamaywang at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin pagkabukas ko ng pintuan.

"Ah eh ano kasi...kasi ano...alam mo na...hehehe natatae kasi ako...kaya...kaya umuwi agad ako at 'di na kita nahintay. Sorry." natatarantang saad ko.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling na ginawa ko.

Mas lalong tumaas ang kilay niya at mas lalo pang tinaliman ang titig niya.

"Hindi naman 'yan ang issue dito eh. Hinanap ka ni Thaniel sa buong University dahil nag aalala siya kung bakit 'di ka sumabay. Tinatawagan ka 'daw niya pero 'di mo 'daw sinasagot. Tinetext ka 'daw niya 'di ka naman 'daw nagrereply. Alalang alala 'yung tao sa'yo Mimi. Sana man lang tinext mo sya." saad ni Amy.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya humingi na lang ulit ako ng pasensya.

Hindi ko 'rin alam kung anong mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako kasi ginawa niya 'yon para sa akin o maiinis kasi alam kong awa na naman ang ipinapakita niya.

Pero kahit na ganon ay nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko.

Huminga ako ng malalim. Ito na lang ang kaya kong gawin ngayon.

Magmula bukas gagawin ko ang lahat para lang iwasan siya. Susundin ko na ang sinabi sa akin ni Madine. Wala akong karapatang maging malapit at magkagusto sa taong nakakandado na. May relasyon sila. Nagmamahalan sila.

Magfofocus na lang ako sa pag aaral para sa Inay ko.

"Kumain kana?" tanong ni Amy.

Tumango ako kahit na alam ko sa sarili kong hindi pa ako kumakain. Pakiramdam ko kasi ay wala akong ganang kumain. Baka maisuka ko lang 'din ang mga makakain ko 'pag nagkataon.

Tumango 'din sya at nagpaalam na pupunta na sa kwarto niya.

Pumasok na 'rin ako sa kwarto ko at matutulog na 'rin.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon