Chapter 15: New Environment

68 3 0
                                    

Chapter 15: New Environment

[Mimi's POV]

Nagkwentuhan kami ni Gail ng ilang minuto pa tungkol sa kanya kanya naming sarili para mas lalo pa naming makilala ang isa't isa ng dumating ang unang Professor para sa araw na ito.

"Good Morning Class." taas noo at maotoridad na saad ng Professor.

Sa tono ng boses niya ay biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa braso. Alam kong strikto sya, alam kong terrror sya, mula sa pananamit at pagpaypay niya ng pamaypay niya sa katawan niya ay makikita mong napaka strikta ng ugali niya, at natatakot ako.

"Good Morning Mrs. Portura." may accent na saad ng mga estudyante.

Iginala ni Mrs. Portura ang kanyang paningin isa isa sa mga estudyante.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba.

Pumunta ang tingin niya sa akin at tumigil ang pagpaypay niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang paglingon ng mga kaklase ko sa akin. Ninenerbyos ako.

"Are you new here?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Lumingon lingon ako sa mga katabi ko at natatarantang itinuro ang sarili ko.

Inayos niya ang salamin na suot niya at tinitigan akong mabuti.

"Oh, I'm not aware that I have some Idiot student here. Now, I'm aware." saad niya habang nakatitig ng husto sa akin.

Napalunok ako dahil nararamdaman ko na ang pamamaga ng lalamunan ko. Nararamdaman ko na 'rin ang pag lamig ng buong sistema ko.

"Please introduce yourself Miss. Can you?" saad niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang upuan na nasa harap ko at huminga ng malalim bago nagsalita.

"I-I'm M-Mim---"

"In front." utas niya mas lalong dumoble ng kaba ko.

Naririnig ko na 'rin ang munting hagikhikan ng mga kaklase ko.

Humakbang ako papunta sa harap at batid kong lahat ng atensyon ay nasa akin.

"Start." utas ni Mrs. Portura.

"I-I'm Mimi F-fernandez. 19 years old." saad ko.

Panandaliang nanahimik ang buong room. Ang naririnig ko na lamang ngayon ay ang mabilis na pagpalpitate ng puso ko.

"Is that all?" tanong niya.

Tumango ako. Huminga sya ng malalim.

"Ok ok. Sit down Ms. Fernandez." saad niya habang nagkakamot ng ulo.

Narinig ko pa ang estudyanteng nadaanan ko na may sinabi pero 'di ko na lang pinansin.

"Ano ba 'yan parang 'di nag highschool." saad nila.

Nakatingin lang ako sa mga paa ko. Kahit naka aircon ang buong room ay ramdam na ramdam ko pa 'rin ang pagtulo ng mga pawis ko sa gilid ng noo ko.

Umupo ako at yumuko. Expected naman na ito eh. Expected na na mapapahiya at pagtatawanan ako eh.

Nangingilid na naman ang luha ko. Lumingon ako kay Gail ng pisitin niya ang kamay ko. Ngumiti sya sa akin. Pinakita niya sa akin ang notebook niya na may nakasulat.

"If you feel to give up, think again why you started."

Napangiti ako sa nakasulat.

"Salamat." pabulong kong saad.

Tumango sya at tumingin na sa harap.

Bakit nga ba ako nagsimula? Bakit nga ba ako nandidito? Bakit nga ba gusto kong makapagtapos? Lahat ng 'yon may iisang kasagutan. Lahat ng 'yon may iisang dahilan. Si Inay. Umaasa sya sa akin. Naniniwala sya sa akin. Ako ang pag asa niya. Sya ang inspirasyon ko. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong mag aral ng mabuti. Kailangan kong magtiis sa lahat ng panghuhusga nila hangga't maaari.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon