Chapter 44: The Birthday Of My King
[Mimi's POV]
Pag uwi ko ng hapon na 'yon ay ang paggawa ng stitch agad ang hinarap ko.
Natataranta ako habang tinatahi ang salitang 'I love you Thaniel', bukas na kasi ang birthday niya pero hindi ko pa 'rin tapos ito, buti na lang talaga at inaya ako ni Gail sa Mall kanina, buti at nabili ko 'yung frame na paglalagyan nito.
Ang lahat ng oras ko sa hapon na 'yon ay iginugol ko lang sa pagtatahi, natapos ko ang phrase na itinahi ko ng alas onse na ng madaling araw. Napahinga ako ng malalim at saka napahiga sa kama ko at pumikit pikit. Sa wakas, tapos ko na. Umupo ako mula sa pagkakahiga at saka tinitigan ang finished product. Napangiti na lang ako at saka kinuha ang frame na nasa bag ko. Ilalagay ko na sana sa frame 'yung cross stitch na ginawa ko ng biglang may nakita akong mali. Ang ibig kong sabihin parang kulang...wala kasi 'yung pangalan ko. Dapat nakalagay at nakaindicate ang pangalan ko na syang mismong gumawa para kapag nakikita ni Thaniel ito, hindi man kami ang magkatuluyan sa huli o magsawa at hiwalayan man niya ako, kung makalimutan man niya ang pangalan ko, pwede niyang tignan ang likod nito dahil doon ko ilalagay ang pangalan ko.
Inumpisahan ko ng itahi ang pangalan ko sa likod ng stitch na ginawa ko. Maliit lamang ang pagtatahi ko pero siniguradong mababasa at mahahalata ito.
Ngumiti ako ng matapos ko ng taihin. Inilagay ko agad ito sa frame at saka isinarado. Inilagay ko na muna sa bedside table ko ang nakaframe na cross stitch at saka tinignan ang oras, eksaktong 12:00 na. Ibig sabihin, birthday na ni Thaniel. Dali dali akong nagcompose ng mensahe para kay Thaniel.
To: Thaniel
Happy Birthday Hoho. Mahal na mahal kita. Mwah :*
Message Sent!
Hoho. Medyo lumalandi na ba ako sa text kong 'yon? Haha pagbigyan na, birthday naman niya eh.
Inayos ko na muna ang buhok ko at saka masayang masayang niyakap ang unan ko at pumikit na.
Nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita.
"Happy Birthday Thaniel." sabay sabay na bati ng mga bisita sa isang malaki at mahabang table kung saan kabilang ako.
Nakangiti ang lahat kay Thaniel maging ako, pumalakpak ang lahat ng mapatay ni Thaniel ang kandila na nasa cake niya.
"Birthday Wish. Birthday Wish." sabay na sabay na saad ng mga bisita.
Ngumiti si Thaniel at saka tumingin sa gawi ko. Mas lalong lumaki ang ngisi niya at nilapitan pa ako, at hinila papunta sa harap nilang lahat.
Hawak hawak ni Thaniel ang kamay ko at nakangiti sya, halata ang saya niya sa mga nangyayari.
Tumingin sya sa mga bisita at saka ngumiti.
"I will never wish for more because the girl standing beside me already grant all my wishes. And it is the everlasting happiness that I am feeling right now." saad ni Thaniel sa lahat ng bisita tsaka siya tumingin sa akin at ngumiti.
Ngumiti 'din ako pero ng ilipat ko ang tingin ko sa mga bisita ay nawala lahat ng ngiti nila sa muka. Napalitan ng negative, merong mga nakasimangot, nakataas ang kilay, at galit. Kasama na doon ang mga magulang ni Thaniel.
Unti unti silang lumapit sa akin at unti unti 'ring lumuwag ang pagkakahawak ng kamay ko kay Thaniel.
Pinagsasampal ako ng pera ng mama ni Thaniel na hindi ko alam kung saan nanggaling. Galit na galit sya.
"YOU'RE A GOLD DIGGER. YOU DON'T DESERVE THANIEL. AT HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAKAKAAPAK KA PANG MULI SA BUHAY NG PAMILYA KO LALONG LALO NA SA BUHAY NI THANIEL." sigaw ng mama ni Thaniel sa akin.