SVT - ONE

236 37 252
                                    


"Finally, exams are done!"

I glared at Jiwoo when she playfully hit my shoulder but she just smiled at me in response. Inirapan ko siyang lalo at dumiretso na palabas ng Business Management building. Pakiramdam ko ay sobrang drained ang lahat ng lakas ko dahil sa apat na oras na exam.

"Let's eat Mei-Mei," she happily said as she put an arm around me.

"I'm so out of energy right now that I just wanted to sleep," I whined. Umupo ako sa isang stone bench at doon pumikit.

"O c'mon Mei, hindi pa lumilipas ang lunch ganyan ka na. Aren't you happy that it's finally over?"

Nilingon ko siya at tiningnan ulit ng masama. I really wanted to wipe off that innocent smile from her face. Kasalanan niya kung bakit ako kinulang ng tulog. May exam kami ngayon pero nanggaling pa kami fan signing event ng favorite idol group niya. Ginabi tuloy kami ng uwi. Mabuti na lang at walang calculations ang natitirang exams namin, puro self-explanatory at essay na lang sa minor subjects.

"Let's go! My treat."

Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng Mater Dei Academy. Her family came from a middle society but we got along really well. Kapag siya kasi ang kasama ko, parang nagiging malaya ako sa mapanghusgang mata ng mga taong kinikilala ang pamilyang kinabibilangan ko.

They said that I should act gracefully. I should decide justifiably. I have to think the consequences of my every action. Anak ako ng may-ari ng isang university at CEO ng isang talent agency. All eyes are on me, waiting for me to make mistakes. Nakakapagod ang mag-adjust sa standard ng mga tao.

I tried hard to befriend all the girls my age from the elite family where mine belong, but I never became happy. Second year college na ako nang makilala ko si Jiwoo. She's a fan girl and so was I, so we clicked easily. Hindi niya ako tinitingnan bilang isang anak ng CEO kaya natuwa ako sa kanya.

"Anyway, mag-commute na lang tayo. Hindi ka naman siguro susundan ng guards mo 'di ba?"

I rolled my eyes. Inaasar na naman kasi niya ako. Noong unang beses na sumama ako sa kanya, bigla na lang niya akong hinila at sabay kaming tumakbo dahil may nakasunod daw sa aming goons. Tumakbo rin naman ako dahil sa takot. Huli na nang ma-realized ko na ang goons na sinasabi niya ay ang dalawang body guards na in-assign sa akin para bantayan ako. Doon ko lang ipinaliwanag na may security measures na itinalaga para sa akin si mommy.

Ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Pagkatapos ng graduation namin ni Remarie ay hindi na ako nakabalik pa sa Pilipinas. Wala rin naman doon si Remarie dahil nasa Thailand na siya matapos naming makakuha ng award at recognition bilang film makers sa independent movie na ginawa namin bilang final project at thesis.

We both received a movie project offers but I turned down and chose to continue my study in Business Management. Habang si Remarie ay inaabot na ang matagal niyang pangarap na maging isang successful na movie director.

I just turned nineteen with my real age. Noong na-kidnap ako at pinalitan ang identity ko, kasama na roong binago ang totoong edad ko. My previous family that also turned out to be my kidnappers and the cause of my mishap, made me believe that I was born two years earlier.

Thinking about it all now, I came up to the resolution that maybe that's the reason why I had a hard time coping up with my lessons during my elementary days. Akala ko talaga dati, slow learner ako. At the age of seven, I can barely read and write my own name. Iyon pala, masyadong advance para sa totoong edad ko ang itinuturo nila sa akin.

"This is one of the many things that those socialites from your society missed."

Nilingon ko si Jiwoo na nakatingin sa labas ng bus. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya sa mga kasing edad namin na mas mataas ang social status. She's too beautiful to be insecure with other girls, if she hasn't realized it yet.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon