SVT - EIGHT

51 15 44
                                    

“Dongsaeng...”

I stirred under the blanket when I heard the calming voice of Shinwoo.

“Mei, wala ka bang pasok ngayon?”

Bigla akong napadilat at mabilis na bumangon nang ipaalala sa akin ni kuya ang pasok ko. Dahil sa mabilis na pagkilos ay naramdaman ko ang pagpitik ng sentido ko.

“Pababa na ako nang makita ko ang maid na papunta rito para gisingin ka. Sinabi kong ako na lang ang gigising sa’yo.” Dumukwang si kuya at ginawaran ako ng halik sa noo. “Good morning beautiful,” nakangiti niyang bati sa akin.

“Good morning,” ganting bati ko sa kanya. Naramdaman ko ang bahagyang pananakit ng lalamunan ko.

“Hihintayin na lang kita sa baba para sa agahan at ihahatid na kita sa university.”

Nginitian ko lang si kuya hanggang sa umalis siya at naiwan akong nakikipagtitigan sa nakasarang pinto. Bago tuluyang tumayo mula sa kama ay naisip kong silipin muna ang cellphone ko. Pero tahimik lang iyon. Walang missed calls o kahit text messages man lang. Inihagis ko na lang iyon sa ibabaw ng kama at nagtungo na sa sarili kong banyo para maghanda.

Pagbaba ko matapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili ay nakupo na si kuya sa dining table.  Alas otso na ng umaga kaya siguradong nauna na ang mga magulang namin sa agahan para pumasok sa trabaho. Tuwing weekends lang naman kami obligadong magsabay-sabay ng kain o kaya ay tuwing hapunan lalo na kapag nandito si kuya sa bahay.

“Anong oras ang unang klase mo Mei?” tanong niya bago isubo ang pagkain niya.

“Ten o’ clock.”

“Ako na ang maghahatid sa’yo.”

“Wala ba kayong show ngayon? TV appearance, rehearsals or commitments?”

Bawat tanong ko ay puro iling lang ang sagot ni kuya. Malungkot akong tumitig sa plato ko. Hindi maganda ang pakiramdamn ko paggising at ngayong, parang mas lumala ba iyon.

Are they really disbanding now? Kapatid ko siya, pero hindi ko siya magawang tanungin ng diretso. Boyfriend ko si Jinyoung pero hindi ko naman siya makausap sa ngayon.  Dapat ay nagpo-promote pa sila ng latest album nila. But the promotion was cut short due to some reasons. Una, nagkaroon ng physical injury si Jinyoung kaya pinayuhan siya ng doctor na magpahinga muna. The group can perform with four members but it still a different story with them complete as a group.

Gaya ng plano ay inihatid nga niya ako patungo sa university at binilinan na siya rin ang susundo sa akin pauwi. Tumango lang ako at nagpaalam na. Naabutan ko si Jiwoo na naglalakad patungo sa Business Management building.

Our whole morning was loaded with major subjects' activities and lectures. Tanghalian na nang magkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap.

“Anong nangyari sa’yo kahapon? Bakit parang ang lungkot mo ngayon?” tanong niya nang makaupo na kami sa cafeteria. Pinili namin ang pinakadulong lamesa kung saan hindi masyadong matao.

“Masama lang ang pakiramdam ko,” sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Kanina sa klase ay parang inaantok na ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Sandaling tumitig sa akin si Jiwoo na parang inaalam kung nagsisinungaling ako. Pero katagalan ay nagkibit balikat na lang siya at tahimik na naming itinuon ang atensyon sa pagkain.

“Oo nga pala!”

Mabilis na binitawan ni Jiwoo ang hawak na kutsara at dinukot mula sa kanyang bag ang iPad. Hindi mawala ang ngiti niya habang may kung anong tinitipa roon.

“Ngayon na nga pala ang release ng music video ninyo,” imporma niya sa akin.

Tahimik lang akong nakamasid sa ginagawa niya hanggang sa ilagay niya sa harap namin ang iPad. Nagsimulang mag-play ang video kasunod ng intro ng mismong kanta. Unang lumabas ang mukha ni Vernon, kasunod ni Woozi at ni S. Coups.

“Wow...” manghang komento ni Jiwoo. “Ang ganda mo sa screen, Mei.”

Tumahimik lang ako at ipinagpatuloy ang panunuod.

“Hindi ko alam na ganito ang kalalabasan ng buong music video kasi habang nasa shooting ay parang hindi ko maintindihan kung bakit magkakaiba ang mga eksena na ginagawa ninyo.”

Ganoon naman talaga sa music video, movie o kahit sa TV series. Magkakaiba ang sequence ng scenes depende sa setting ng lugar. Nagkakasunud-sunod na lang iyon kapag dumaan na sa editing team ng production. Inaayos nila ang scenes, inilalagay ang tamang timing para sa flash backs, nilalapatan ng angkop na background music at inaalis ang mga eksenang hindi naman dapat kasama gaya ng bloopers.

“Pero kung iisipin mo, nakailang takes kayo sa ibang eksena tapos pagdating sa finish product, ang pulido na,” patuloy pa niya.

“Hindi mo naman kasi puwedeng ilabas ang raw video dahil mawawalan ng sense ang editing,” paliwanag ko.

“I know, Genius.”

I rolled my eyes. Alam kong nagbibiro lang naman talaga siya pero kapag nagsimula na akong magkumento o magbigay ng impormasyon ay tinatawag niya akong Genius o Princess para lang asarin ako.

“Nakakaiyak sila Mei. Bakit ang manly ni Vernon?” Ni-replay niya ang video at muli akong hinarap. “You’re so lucky to be part of their MV. Ang cute ni Woozi at ang inosenteng tingnan ni S. Coups. My gosh! I can’t breathe,” she added while fanning herself.

Tiningnan ko lang siya at hinayaan sa drama niya. I know it’s every fan’s dream to be featured in her idol’s music video. It was my dream too, to be part of B1A4’s music video. Pero mukhang hindi na iyon mangyayari dahil wala na silang naka-line up na release ng music video ngayong taon.

“Tapos ka na?” Tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan namin. Mukhang hindi pa siya nagigising sa binuo niyang panaginip kasama ang miyembro ng Seventeen kaya ako na ang nagligpit ng tray ng pagkain niya. Itinuturo mula pre-school ang pagliligpit ng kinainan mo at nadadala na iyon hanggang sa pagtanda.

Ibinigay ko sa cafeteria personnel ang dalawang tray naming at nagpasalamat bago muling binalikan si Jiwoo.

“Halika na, malapit na ang next class natin,” aya ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag.

Nang tingalain niya ‘ko ay wala na ang nananaginip niyang mga mata. Puno na iyon ng pag-aalala at pag-aalinlangan.

“Bakit?” kunot noong tanong ko.

Alanganin niyang ibinigay sa akin ang iPad at nagtatakang tinanggap ko naman iyon. Ang sumunod kong nakita ang nakapagpabalik sa akin sa upuan dahil sa nanginginig na tuhod.

“Mei...”

“This is not true...” I said in a quivering voice. It can’t be true, right?

Muli kong tiningan ang screen dahil baka namalik-mata lang ako. Baka mali ang nabasa ko. Pero naroon pa rin ang picture. Sila pa rin ang nakikita ko, at ang naghuhumiyaw na headline mula sa isang entertainment news portal.

B1A4 leader Jung Jinyoung being cozy with former ramp model and now a member of a rookie girl group Ericka Lemoine.

Nandoon ang picture nilang dalawa na nakaupo sa isang cafe habang nakangiti sa isa’t isa. Suot ni Jinyoung ang parehong damit na suot niya noong sinundo niya ako kahapon at iniwan sa isang restaurant.

“Okay ka lang Mei?”

Nag-aalalang boses ni Jiwoo ang nakapagpabalik ng kamalayan ko. Magsasalita pa sana ako pero nahinto iyon nang isang mensahe ang natanggap ko.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon