SVT - TWELVE

52 13 34
                                    

Hindi ko alam kung paano makikitungo kay Jinyoung ngayong nagkita na ulit kami. Isang linggo na ang lumipas matapos niya akong iwan sa restaurant na pinagdalhan niya sa akin noon. Ni isang tawag ay wala siyang ginawa kaya masama ang loob ko sa kanya lalo na nang mabasa ko ang kumakalat na issue tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niya.

Ako dapat ang galit ngayon eh. Pero bakit siya pa ang hindi umiimik? Siya dapat ang humihingi ng pasensya pero bakit parang ako pa ang may kasalanan?

Dumiretso kami sa gazebo matapos kong ibigay ang mga gamit ko sa isang katulong na sumalubong sa akin. Wala pang ibang tao sa bahay.

Tahimik kaming naupo sa magkahiwalay na settee. Hindi pa rin siya umiimik kaya parang mas lalong tumitindi ang namumuong tensyon sa pagitan namin.

“Jin—“

“I heard that you starred in a music video from other group.”

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Mariing magkalapat ang mga labi niya. Halata rin sa kanyang mga mata ang galit.

Isang linggo na rin ang lumapas mula nang ilabas ng Seventeen ang music video na ginawa namin. Maganda ang naging review roon ng fans nila. May kaunting negative comments lang pero hindi naman harmful para sa akin.

“Yes.”

“Does your mother know about it?”

Tumango ako. Ipinaalam ko kina Kuya Shinwoo at mommy ang tungkol doon at hindi naman sila nagalit. Wala naman akong nilalabag na batas kaya ayos lang sa kanila iyon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit big deal iyon kay Jinyoung ngayon.

“Ako na lang pala ang hindi nakakaalam.”

Biglang bumangon ang inis sa loob ko dahil sa sinabi niya. I tried to speak but I can’t seem to find the right words where I can express myself without raising my voice.

“Because you’re busy,” I answered instead, trying to calm myself down.

“Mei, may dahilan kung bakit hindi ka namin kinukuhang talent sa mga music videos namin. Alam mo kung gaano kagulo at kasalimuot ang show business. I just want to protect your privacy, Mei.”

Mataman ko siyang tinitigan. Alam ko namang iyon ang dahilan niya. I avoided social media, paparazzi and even going out with them just to protect my identity and privacy. Pero bakit hindi na iyon matanggap ng sarili kong isip ngayon?

“Mei—”

Narinig ko ang buntong hininga niya matapos kong iiwas ang kamay ko nang balak sana niya iyong hawakan. Pero nasasaktan ako. Ayoko ng ganito.

“Are you really trying to protect me, or you’re just trying to hide something?” I asked gloomily.

Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos kakaisip sa kanya. Kung totoo ba ang balita tungkol sa kanilang dalawa. Kung bakit hindi siya tumatawag? Kung bakit hindi niya ako pinupuntahan?

“What do you mean?”

Bakit sila magkasama ni Ericka? Kaya ba niya ako iniwan noon sa restaurant, para puntahan siya? Mas importante ba siya kumpara sa akin na girlfriend niya?

“Did I do something wrong?”

Dapat alam mo ‘yon. Umiling ako.

“Kung gano’n, bakit ka umiiyak? May sinabi ba sa’yo si Baro? May ginawa ba siya?”

Ikaw lang naman ang may kakayahang maapektuhan ako ng ganito eh. Pinilit kong humarap sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

“I just missed you so much.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon