Hindi pa lumulubog ang araw nang magpaalam ako sa kanilang uuwi na. S. Coups and Jeonghan insisted on taking me home but I refused because I planned to visit my older brother.
Isa pa, nakakailang rin si Jeonghan kasama dahil ipinagdidiinan niyang pamilyar talaga ako sa kanya. Na sa pagkakatanda ko ay ni minsan hindi pa kami nagkita, maliban ngayon. Tumanaw ako sa labas ng bus nang mapansin na pamilyar na ang lugar na dinaraanan namin. Pagdating sa bus stop, agad akong bumaba at naglakad papunta sa Shin Entertainment Building.
"Good afternoon, maam."
Nginitian ko ang guard na nagbukas ng glass door para sa akin at dumiretso na ako sa third floor ng building kung saan naroon ang kanya-kanyang studio ng B1A4 pati na ang conference at practice room nila. Pagbukas ng elevator ay nasalubong ko si Kuya Shinwoo na hawak ang keychain niya.
"Dongsaeng?"
"May pupuntahan ka kuya?"
"I planned to pick you up at school." He tilted his head and his forehead turned into a knot. "I thought your class will end in about two hours?"
Agad akong tumingin sa suot kong wristwatch. Six in the evening pa talaga dapat ang huling klase ko at nasabi ko iyon kanina nang tawagan niya ako. Mabuti na lang at nagpunta agad ako rito, dahil siguradong pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang hindi ako pumasok.
"May emergency ang prof namin kaya maaga kaming pinauwi pagkatapos kaming bigyan ng research assignment," pagsisinungaling ko. Nginitian ko siya at lumapit na sa kanya para yumakap. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Pagkatapos niyon ay sabay na kaming naglakad papunta sa studio niya.
"Andito rin ba si Sandeul?"
"Yeah, and Gongchan too."
Matagal ko rin silang hindi nakita kaya talagang missed ko na ang grupo nila. "How about Baro?" naalala kong itanong.
"Umalis siya kasama si Yoonji," sagot ni kuya na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ni Baro na mas bata sa akin ng isang taon.
Pagtapat namin sa pinto ng studio ni kuya ay huminto siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tiningnan niya ang mukha ko na parang may hinahanap doon.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Hindi siya nagsalita at idinampi naman ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Wala ka namang sakit."
"Wala nga."
"Pero bakit hindi si Jinyoung ang una mong hinanap? Okay lang ba kayong dalawa?"
Bigla akong natigilan pero pinagsumikapan kong huwag mag-iwas ng tingin. I can't let him see me having problems with Jinyoung. Sa loob ng dalawang taon, kapag nagkakatampuhan kaming dalawa ay iniiwasan naming malaman iyon ng iba, lalo na ng kagrupo niya, lalo na ni kuya.
"Nagkausap na kami kanina. Tumawag siya at sinabing may pupuntahan lang siya."
Mukhang kuntento naman na si Kuya Shinwoo sa sagot ko dahil binitawan na niya ang balikat ko at sunud-sunod na tumango.
"Hindi pa ba kayo nagkikita ulit?"
"We're both busy so we still need to find time for us to meet," I answered. And I lied for the nth time today.
"That's new..."
Binuksan niya ang pinto ng studio at pinauna akong pumasok bago siya sumunod. Naupo ako sa sofa roon at hinintay siyang tumabi sa akin.
"What do you mean?" I asked him.
"Nakakapagtaka lang. Dati kapag, pupunta ka rito sa studio, siya agad ang una mong hinahanap o tinatanong. At kapag naman umuwi na kami pagkatapos ng shows, out of town or abroad, nagkikita agad kayo. Mas una mo pa nga siyang hinahanap kesa sa'kin na kuya mo e."
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...