SVT44
Baro placed a cup of steaming coffee in front of me. The surgery ended after a couple of hours and they transferred Jinyoung at the ICU but we're not allowed to see him yet, so Baro brought me on a nearby cafeteria instead.
"Chin..."
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling mas malala pa roon ang nangyari sa kanya," panimula ko.
"Tell me what happened before that. Why do you keep blaming yourself?"
New batch of tears sprang from my eyes again. Parang hindi na maubos-ubos ang luha ko kahit ang dami ko nang iniiyak kanina. Kung sinipot ko lang sana talaga siya. Kung nakinig lang ako at nakipagkita sa kanya, siguradong hindi malalagay sa panganib ngayon ang buhay niya.
May dumating na dalawang police officers kanina at inabisuhan kami sa nangyari. Nahuli na raw nila ang suspect at balak lang nitong pagnakawan si Jinyoung. Pero lumaban si Jinyoung sa assailant kaya sinuntok siya nito, gumanti raw si Jinyoung kaya siya nasaksak.
"Jinyoung..." I started but ended up choking my words with a sob. "He's the most gentle among you all. Ni hindi nga niya magawang pumatay ng lamok, eh. Bakit sa kanya pa nangyari 'to?"
"Ligtas na siya, Chin."
Umiling ako. Halos panawan ako ng ulirat kanina nang lumabas ang isang nurse mula sa operating room. Marami raw nawalang dugo kay Jinyoung dahil isang oras na ang lumipas bago siya natagpuang nakahandusay sa mapunong parte ng parke. Maraming dugo ang nawala sa kanya at nanganib ang buhay niya dahil doon.
Isipin ko pa lang na nag-agaw buhay siya habang ako naman ay payapang natutulog sa bahay, inuusig na ako ng konsensya ko.
"Hindi pa siya ligtas hangga't hindi siya nagigising, Baro. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi siya nakakalabas sa hospital na 'to nang buhay."
Tumunog ang cellphone ni Baro, nakatingin lang ako sa kanya habang kausap niya ang nasa kabilang linya.
"It was Jinyyoung's mother. Kakarating lang daw nila."
Natulala ako sa kinauupuan ko. Paano ko haharapin ngayon si tita? Paano ko sasabihin na ako ang may kasalanan sa nangyari sa panganay niya?
"Let's go, Chin. Hinihintay na nila tayo sa loob."
Nag-alangan akong tanggapin ang kamay ni Baro. Marahil nang mapansin ang pag-aalinlangan ko, umupo siya sa tapat ko at hinaplos ang isang pisngi ko.
"It's not your fault, Chin. Compose yourself now. You have to be strong for his family."
"H-hindi ko sila kayang harapin..."
"Hindi nila alam na hiwalay na kayo. Jinyoung never once mentioned that you broke up with him. Kahit nasa magkaibang agencies na kami ay nakakausap ko pa rin siya. Ang alam ni tita ay maayos pa rin kayong dalawa."
Nakarating kami sa tapat ng room ni Jinyoung. Pinayagang pumasok sa loob ang mama niya habang naghihintay sa labas ang papa at kapatid niyang lalaki. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa nang magkaharap kaming apat.
Ni hindi ko nga rin alam kung saan ako humugot ng lakas para kausapin pa sila. Marahang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Jinyoung kaya natuon doon ang tingin naming lahat.
"Mei..." Umiiyak na lumapit sa akin ang mama niya. Agad ko naman siyang niyakap at nagsimula na naman akong umiyak. Napapagod na ako pero parang walang planong tumigil ang mga mata ko sa pagluha.
"Gagaling pa siya, tita. Matapang si Jinyoung, makakayanan niya 'yan," pag-aalo ko sa mama niya kahit na maging ako ay hindi sigurado sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...