SVT - TWENTY THREE

37 9 6
                                    

AN/ Dedicated to miZzYrhonne. Hindi ko inaasahang aabot ka hanggang dito. Pero salamat..

**Third Person POV**

“What’s up?”

Pabagsak na nahiga sa kama si The8. Hindi naman natinag sina Hoshi at Mingyu na kanina pang naroon at nanood ng TV habang parehong may yakap na unan. Kanina lang ay nasa kabilang kuwarto siya at nakikipagkuwentuhan sa iba pa nilang miyembro na doon maglalagi habang nasa bakasyon ang grupo nila.

Sumilip si Jeonghan para pasunurin siya sa kuwartong iyon.

“Where are the girls?” tanong leader ng grupo na si S. Coups sa walang partikular sinoman.

“Nasa kuwarto nila. Kalih decided to transfer on Chinee’s room. Akala niya kasi hindi papayag si Chinee na may kasama kaya ini-reserved niya ang isang kuwarto.”

“Anak siya ng may-ari ng isang talent agency,” singit sa kanila ni Wonwoo.

Umayos ng upo si The8. Nakakunot ang noong pinasadahan ng tingin ang mga kasamang naroon, lalo na sina S. Coups, Wonwoo at Jeonghan.

“Pinapunta niyo ba ako rito para lang pag-usapan ‘yan?”

“Yes.”

“Bakit?” tanong niya kay Jeonghan sa naiiritang tinig.

“You’re showing interest on her Minghao. We can clearly see it with the way you treat her," Jeonghan explained in a raspy voice.

“And we’re worried about you,” segunda ni Wonwoo sa sinabi ni Jeonghan.

Ang matalim na tingin nito ay mas lalong tumitindi kapag seryoso na itong nagsasalita. Mas malalim rin ang boses nito kaya siguradong makakakuha talaga ng atensyon kapag may gustong ipunto. Nakadagdag sa kaseryosohan ng mukha nito ang hindi pagngiti sa kanila habang nagsasalita.

The8 snorted. “Sa tingin ko wala naman kayong dapat ipag-alala tungkol doon.”

“Hindi mo kami naiintindihan.”

“Then explain why,” The8 demanded with the equal tone like S. Coups a while ago.

Sina Mingyu at Hoshi na walang pakialam noong una ay bumaling na rin sa kanila at naging alerto kung sakaling hindi na magkaintindihan ang mga kagrupo.

“She’s a broken soul, Minghao. Nakita mo ba kung paano ka niya tingnan habang pinagsisilbihan mo siya kaninang hapunan? Kasama natin siya physically, pero hindi ang diwa niya. She’s somewhere else.”

“At nakikita kong ayaw niya sa ginagawa mo.”

“She already smiled at me before,” katwiran ni The8. Naalala niya ang huling beses na nakasama niya ang dalaga. Ngumiti ito sa kanya at naramdaman niya ang pagtalon ng kanyang puso.

“Before? Kailan iyon? Noong MV making ng Mansae? Halos hindi ka nga niya tinitingnan at ni minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang.”

“Ngumiti siya kay Seungkwan dati,” singit ni Mingyu.

“At pinuri niya rin ako dahil naka-isang take lang kami sa facial wash noong commercial taping natin,” pagpupunto pa ni Hoshi.

Umani iyon ng isang ngiti at pagsang-ayon mula kay The8.

“Ang sinasabi namin, baka mahirapan ka lang sa kanya. Alam mo na ba kung anong pinagdadaanan niya?”

“Don’t you think it’s indecent to talk about someone behind one’s back? Mabait si Chinee, kung kikilalanin niyo talaga siya,” patuloy na pagtatanggol ni The8 sa  dalaga.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon