SVT - TWENTY SIX

36 7 0
                                    

Chinee’s POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chinee’s POV

Jiwoo is a bit out of herself since this morning. Kanina ko pa siya pinagmamasdan pero nananatili siyang tahimik. Tatlong araw na ang lumipas matapos ang bakasyon namin at inaasahan kong hindi na naman niya ako titigilan sa pangungulit at pagkikuwento tungkol doon.

Pero wala. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya at nakatitig lang sa libro namin kahit wala naman kaming paparating na exam.

“Jiwoo...” Binangga ko siya sa balikat. She just mumbled something but kept her focus on her book.

Nakaupo kami sa isang sulok ng park habang nag-aabang ng sundo ko. Sinamahan ako ni Jiwoo  gaya ng nakagawian at ibababa na lang namin siya sa pinakamalapit na bus stop na madadaanan namin.

Ano kaya’ng problema niya?

“Shin Mei Yuk.”

Marahas akong napalingon sa kabilang panig nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Naglalakad palapit ang isang matangkad na lalaki. Ragged blue pants ang suot nito at makulay na rubber shoes. May suot na mahabang itim na coat, turtle neck ang shirt, naka sombrero na halos hindi na makita ang itaas na bahagi ng kanyang mukha, naka face mask at dark shades.

He seemed familiar to me, with the way he strides confidently while the hem of his coat dancing along with the wind as he walks.

“Akala ko namamalikmata lang ako,” he said after removing his shades and face mask.

“The8.”

“Whoa! Why do you feel so distant now? I’m hurt.” He faked a sob. “I thought we’re closed enough to address ourselves in first name basis.”

Napayuko ako nang maalala ko na naman ang ginawa ko noong bakasyon.

“The8 naman talaga ang pangalan mo,” katwiran ko sa mahinang boses. Nakatayo kasi siya sa direksyon kung saan tumatama ang sikat ng araw. Nakakasilaw ang presensiya niya at nahihiya talaga akong harapin siya ngayon.

Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa at bumaling sa kasama ko.

“Hi, Jiwoo. May outdoor show kami rito ngayon sa park at magsisimula na iyon sa loob ng isang oras. Naisip ko lang na dumaan sa university ninyo total malapit lang naman.”

I looked at Jiwoo in disbelief. Nakatingin lang siya kay The8 at hindi man lang umiimik. Wala ring mababasang emosyon sa mukha niya. May show ang Seventeen dito pero hindi man lang nabanggit ni Jiwoo? Hindi ba niya alam?

“Jiwoo?”

“H-huh?”

Parang wala talaga siya sa sarili niya. Ang normal na Jiwoo para sa akin ay iyong Jiwoo na siguradong titili na sa sobrang excitement makakita lang ng isang Seventeen member. Siguradong mangunguna pa siya sa pila kapag may show sila at magdadala ng kung anong banner o items, maipakita lang ang pagsuporta niya.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon