One week. Wow! I can’t believe it took Jinyoung a week to finally be able to call me. Hindi ko alam kung nasaang bundok siya o kung anong pinagkakaabalahan niya kaya wala siyang malay sa mga pangyayari sa paligid niya.
“Hindi mo pa rin ba sasagutin ang tawag na ‘yan? Kanina pa yan nagri-ring. Baka mapagod na kakatawag sa’yo kung sino man iyan.”
“Hayaan mo siyang mapagod, napagod rin naman ako kakaisip sa kanya.”
Inabot ni Jiwoo ang nakataob na cellphone ko. Tiningnan kung sino ang caller at nang malaman ay marahan niya ulit iyong itinaob sa pinaglapagan ko.
“I see. Si Jinyoung na naman pala. Obviously, magkagalit pa rin kayo ngayon.”
“Hindi ko na siya maintindihan. Paano niya ako nagagawang tiisin na hindi nakakausap nang matagal?”
“Dahil busy siya, Mei.”
Hindi sila busy. Wala silang activity na magkakasama. Hindi pa siya pumipirma ng panibagong kontrata sa agency ni mommy, kaya anong pinagkakaabalahan niya? Nagkasakit na lang ako’t lahat, gumaling at nakabalik sa regular classes ko pero hindi pa rin talaga siya nagpapakita.
“Anyway, alam mo bang maganda ang naging feedback ng fans sa MV ninyo?”
“May negative comments din.”
“Mas marami pa rin ang positive. So lahat sila pinagpipilian kung kanino ka mas bagay, kay Woozi, S. Coups o Vernon.”
Pumangalumbaba ako sa lamesa at tumingin sa kawalan habang patuloy sa pagsasalita si Jiwoo. Tumigil na rin ang pagtunog ng phone ko kaya malamang, nagsawa na nga si Jinyoung sa pagtawag sa akin na hindi ko naman sinasagot.
“Kanino ang mas maraming votes?” I’m really not interested with the topic but still asked her for the sake of having a conversation.
“Kayo ni S. Coups,” she answered not bothering to look at me while scrolling on her phone.
“How about you, who do you think fits me well among them?”
“Interesado ka na ba sa kanila?” Nag-angat siya ng tingin sa akin.
“No.”
“You’ll love them, just give them a try. Pero sa opinyon ko, si The8 talaga.”
“Hindi si Wonwoo?” nakangiti kong tanong sa kanya. I even made a cute face, batted my eyes playfully and smiled coyly.
“Holy chic! Not my Wonwoo, okay?”
Natawa ako sa reaction niya. Talagang ayaw niyang ipamigay si Wonwoo kahit kanino, though I doubt if he still remembers her. Hindi ko sinasabi sa kanya na ilang beses na kaming nagkita ni The8. Baka kasi kulitin lang niya ako na makipagkaibigan sa kanila.
“Anyway, are you free tomorrow?”
“No.”
“Magkikita kayo ni Jinyoung?”
I wish. “May pupuntahan ako. Bakit?”
“Wala naman, naisip ko lang na isama ka para maaliw ka naman at hindi iyong nagkukulong ka lang sa kaharian ninyo kapag wala tayong pasok.”
“Wala kaming kaharian, Jiwoo,” tanggi ko sa kanya. Noong unang beses na nakarating siya sa bahay ay inamin niyang namangha siya at simula noon ay tinawag na niyang kaharian ang bahay namin dahil sa laki niyon.
“If you say so.” Tumayo na siya at isinukbit ang back pack niya. “Let’s go. I don’t wanna be late on our next class.”
Sinunod ko ang ginawa niya at sabay na kaming naglakad sa corridor papunta sa classroom ng susunod naming klase.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...