I woke up on the voice of Junhui and Minghao singing “My I” as my alarm tone. Minghao set it last night after our talk. Pagkatapos ng fan signing event nila ay sumama kami ni Jiwoo sa kanilang kumain sa isang Japanese restaurant.
“You’re savage. Muntik nang umiyak kanina ang fan ni Myung Ho nang sabihin mong ikaw ang girlfriend,” S. Coups stated in between laughter.
“Like I said, it was meant as a joke. Kung wala siyang humor sa katawan niya, hindi ko na kasalanan ‘yon.”
“Lahat naman nang nagpupunta ‘don, kini-claim na girlfriends namin.”
“I heard,” sagot ko kay Vernon sa sinabi niya.
“Hindi na ako magtataka kung isang beses may pumunta roon dala ang marriage certificate para papirmahan sa isa sa inyo.”
Sandali kaming natahimik nang magsalita si Jiwoo. She’s unusually quiet and I just remembered her presence after she said that. Katabi niya si Wonwoo na tahimik rin at si Mingyu naman sa kabila na kausap si Jun.
Napangiti ako nang muling maalala ang mga nangyari kagabi. Kahit paano ay nakakasundo ko na rin naman ang ibang members ng Seventeen kahit hindi ko sila masyadong nakakausap. Pagkatapos ng dinner namin ay sumakay sa sasakyan ko si Minghao dahil ayaw sumabay ni Jiwoo. Inihatid na lang namin siya sa waiting shed bago kami umalis.
Tatlong araw na lang at pupunta na ako sa Japan kaya naisip kong dumaan sa Shin Entertainment building para puntahan ang studio nina Kuya Shinwoo. Ang sabi kasi niya sa akin ay doon siya didiretso pagkatapos ng taping para mag-live broadcast silang tatlo nina Sandeul at Channie.
I checked my phone to greet Minghao a good morning. Isa kasi iyon sa ibinilin niyang dapat gawin ko dahil madalas ko siyang nakakalimutan na i-text. Pagkatapos mag-sent ay binasa ko na ang mga messages na dumating kagabi. Ilang missed callas galing sa unknown number ang nasa call log ko. Pagdating sa inbox ay nabasa ko rin ang parehong number na naroon.
I snorted. Galing lang pala iyon kay Jinyoung. Talagang nagpunta siya sa park na sinasabi niya. Maghihintay raw siya pero sigurado namang hindi niya iyon ginawa. His last text was exactly one at dawn and that made me raised a brow. Inabot pala siya ng madaling araw doon, kawawa naman ang PA niya na siguradong sumama sa kanya sa paghihintay.
I ignored all his messages and texted Sandeul instead to inform him about my visit. Nag-confirm naman siya at sinabing nasa studio na silang dalawa ni Channie.
I decided to bring them food as an apology since I haven’t seen them in a while. Malapit na akong umalis ulit pero hindi ko pa sila nakakasama. Nagtatampo na raw sila dahil mas abala ako sa ibang grupo ngayon kesa sa kanila.
Pagbaba ko ay tapos na akong maligo at nakabihis na rin. Dumaan muna ako sa kusina para magpagawa ng sandwich pero naabutan kong nanunuod ng TV ang isang maid habang nagpupunas ng malinis na table cloth sa mga plato at silverware.
Hindi talaga ako masyadong nanunuod ng news kaya dumiretso na lang ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig. I’m still drinking my glass of water when I heard a familiar name mentioned by the anchor.
Agad akong lumapit sa screen at naabutan ang view sa emergency door ng isang hospital. Nasa naturang video ang mismong pagbaba ng stretcher mula sa ambulance. May neck brace ang nakahigang pasyente at duguan ang damit nito. May bandage rin ang ulo na puno na rin ng dugo.
Natulala ako at nabitawan ko ang hawak na baso nang makumpirma kung sino iyon.
“Miss Mei,” hiyaw ng katulong habang inaalalayan akong tumayo.
Kumuha ako ng suporta sa high chair na malapit sa akin habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Muli kong itinuon ang mata ko sa TV pero tapos na news flash at kasalukuyan nang ibinabalita ng forecaster ang klima.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...