°°3rd ppov~~
Marahang binunggo ni S. Coups si The8 sanhi para lingunin siya ng binata. Agad niyang iminuwestra ang dalagang tahimik na nakaupo sa tabi nito malapit sa bintana ng sasakyan. Nasa pinakahuling upuan sila ng service van. Ang ibang miyembro na nasa unahan ay natutulog lang habang ang iba ay tahimik habang abala sa kanya kanyang cellphone.
Umiling si The8 at tumango naman si S. Coups. Umayos na ulit ito ng upo at pumikit para umidlip. Aminado si The8 na masama ang loob niya nang makita sa first row si Mei na hawak ang merchandise ni Jun. Kung hindi lang niya iniisip ang performance nila kanina, baka bumaba na siya ng stage, nilapitan ito para agawin ang pamaypay at palitan ng banner na mukha niya ang nakalagay.
Sa simpleng pananalita, nagseselos siya pero mukhang hindi iyon naiintindihan ng dalaga.
“Mei...” tawag niya nang marinig ang impit na paghikbi nito.
Kanina sa parking lot ay hinintay niya muna itong makasakay sa dulo ng van bago siya sumunod, at huli si S. Coups. Kahit naman ilang ulit nang sumama ang loob niya rito ay hindi pa rin niya ito magagawang pabayaan na lang. Hindi na ito umimik pa, agad itong pumikit at hindi na siya kinausap kaya inakala niyang natutulog na ito.
“Mei,” mahinang tawag niya ulit nang mapansin ang paglandas ng luha sa pisngi nito. Hindi pa rin ito dumidilat, ni hindi rin tumutugon. Gumalaw lang ito para itakip sa nakapikit na mga mata ang isang kamay niya.
Bumuntong hininga ang binata at iniangat ang isang braso niya at pinasandal ang dalaga sa kanyang balikat. Hindi naman ito pumalag pero hindi pa rin ito dumidilat. Tahimik lang itong umiiyak.
Papalubog na ang araw nang dumating sila sa dorm. Kina The8 at S. Coups na ipinaubaya ng manager ang pag-aasikaso kay Mei na agad sinang-ayunan ng dalawa.
The8 has his own room on their dorm. Doon niya muna pinagpahinga ang dalaga habang nasa kusina siya para magtimpla ng gatas nito.
“What happened to her?”
Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ni Jeonghan.
“Nag-aalala si Kalilah pero hindi niya ito mapuntahan dahil may commitment pa siya. Sinabi ko na lang na nag-uusap kayong dalawa.”
“Thank you.”
“Umiiyak pa rin ba siya hanggang ngayon?” singit ng kakarating lang na leader ng grupo nila. Kasunod nito si Wonwoo na tahimik na dumiretso sa ref para kumuha ng bottled water.
“May lakad ka Wonwoo-ssi?”
“Sa labas lang hyung,” sagot nito kay S. Coups. Wala na itong sinabi pa at nagpaalam na sa kanilang lahat.
“Where are the kids?” S. Coups remembered asking. Nakaramdam kasi siya ng gutom kaya napagpasyahan niyang magpa-deliver na lang.
“Nasa rooftop ang iba, nasa kuwarto naman ang iba pa.”
Nang matapos ang pagtitimpla ay nagpaalam na rin siya sa dalawang miyembro at nagtungo sa sariling kuwarto. Naabutan niyang naka-indian sa ibabaw ng kama niya ang dalaga. Hindi na ito umiiyak pero wala pa ring emosyon ang mukha.
“Inumin mo muna ‘to para kumalma ka.”
Hindi ito umimik. Kumilos lang ito para tumalungko at yakapin ang dalawang binti nito. Pagkatapos ay walang imik nitong isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga tuhod.
The8 heaved a sigh with a heavy heart. Hinaplos niya mahabang buhok nito.
“It pains me to see you like this Mei. Awayin mo ako, kontrahin mo ang lahat ng opinyon ko. Speak your mind no matter how harsh it may be. But not like this, Mei. I can’t bear your silence.”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...