SVT - FORTY SIX

24 4 1
                                    

“Ms. Mei, gising na ang pasyente at ikaw ang hinahanap niya.”

Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi ng nurse na sumilip sa kuwarto ni Jinyoung. Ilang sandali lang ay naroon na rin ang doctor para tingnan siya. Ilang tests ang ginawa nila para malaman ang consciousness level niya. Nang umalis ang doctor ay sinalubong kami ng nakangiting si Jinyoung.

I was so relieved that I cried upon seeing him.

“Hyung...”

Si Baro ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Lumipad ang tingin ni Jinyoung kay Baro bago muling bumaling sa akin.

“Don’t cry, Mei,” sabi niya sa nanghihinang tinig. Halos paos pa iyon at alam kong bawat salita ay malaking enerhiya niya ang agad na nagagamit niya. Sinubukan pa ni Jinyoung na punasan gamit ang isang kamay ang luha ko pero hinuli ko iyon at idinikit sa pisngi ko.

“Don’t scare us again Jung Jinyoung. Akala namin ay mawawala ka na sa ‘min.”

“You know I won’t do that. I can’t lose myself because I’m going to lose you too.”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya pero pinilit kong ngumiti sa kabila niyon.

“Is it true?”

Napalingon kami sa pinto nang magsalita mula roon si Kuya Shinwoo.

“I talked to the doctor and he told me the good news. Gising na raw si Jinyoung.”

“Pakiramdam ko ang sakit na ng likod ko.”

“Expected. Ilang araw ka nang nakahiga hyung.”

Parang nagtataka namang tumingin si Jinyoung kay Baro. Tuluyan nang lumapit sa amin si Kuya Shinwoo.

“I can’t recall everything. Bakit ako napunta rito? Nagkaaksidente ba?”

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagtatanong sa sarili at nagtataka.

“Anong pinakahuli mong naaalala bago ka napunta rito?”

I waited in anticipation while Jinyoung tried to remember the last event. Nakapikit siya habang nakakunot ang noo. Nang muli siyang dumilat ay dismayado siyang umiling.

Nagtataka man, hindi na namin siya pinilit pang makaalala. We contacted his parents afterward and waited for them to arrive.

His new agency released an official statement about Jinyoung’s health status. Marami na namang nagpuntang reporters pero hindi naman nakakapasok. Maging si Ericka ay sinubukang magpunta roon pero sina Baro at Kuya Shinwoo na ang mismong pumigil sa kanya.

Jinyoung, according to the doctors and Neurologist had a selected amnesia. May ilang parts ng life events niya ang hindi niya maalala. Hindi niya maalala na umalis na siya sa agency namin at hindi na buo ang B1A4. Ang huling natatandaan niya ay may pinaghahandaan silang fan meeting na isang taon nang lumipas. Iyon ang pinakahuling activity ng B1A4.

Pinagmasdan ko ang natutulog na pigura ni Jung Jinyoung. Kumpara noong mga naunang araw, mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon.

Sinubukan kong hilahin ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya kaya hindi ko na itinuloy pa.

“Don’t let go of me, Mei. I missed holding you like this.”

Natigilan ako. Hindi ko alam na gising pala siya. Unti-unti siyang dumilat at tipid na ngumiti nang magkatitigan kaming dalawa.

“I dreamed last night that you’re walking away from me,” he said solemnly. “Buti na lang nagising agad ako bago ka pa tuluyang nawala sa paningin ko.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon