SVT - NINE

58 17 64
                                    

Nagising ako sa mainit na palad na nakahawak sa isang kamay ko. Pagdilat ng mga mata ko ay ang istrikto pero nag-aalalang mukha ni daddy ang bumungad sa akin.

“Bakit pumasok ka pa kung hindi naman pala maganda ang pakiramdam mo?”

Bumangon muna ako sa tulong ng pag-alalay niya at sandali kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Nasa school clinic kami at walang ibang tao roon maliban sa aming dalawa.

“Dad, kaya ko pa naman po.”

“May sakit ka at nag-excuse na ako sa mga afternoon classes mo.”

Tumango na lang ako at bumuntong-hininga. As much as possible, I wanted to keep a low profile inside the university. Walang masyadong nakakakilala sa akin bilang anak ng may-ari ng university at mas payapa para sa akin ang ganoon. No judgemental criticism that I’m the owner’s daughter so I’m receiving special treatment.

“Your brother’s on the way to pick you up.”

“I’ll be fine here dad. Wala po ba kayong meeting ngayon?”

“Paperworks lang ang mayroon ako ngayon.” Hinaplos niya ang buhok ko at malamlam ang mga matang tinitigan ako. “Parang hindi na namin kayo naaalagaan masyado.”

“Dad, naiintindihan ko na abala kayo ni mommy. You have a university to run and mommy has her talent agency to manage. Isa pa, nakakasama ko naman kayo tuwing weekends kaya ayos na sa akin ‘yon.”

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kuya Shinwoo. Binati nito si daddy at agad na tumabi ng upo sa akin sa kama.

“What happened, Mei?” tanong niya matapos akong akbayan.

“May lagnat lang ako.”

“Ikaw na ang bahala sa kapatid mo.” Tumayo na si daddy at bumaling sa akin, “Princess.”

“Magpapahinga ako at magpapagaling,” I assured him and gave him a smile. “Please don’t tell mom, I don’t want her to worry.”

“I already told her about it. Pinapapunta niya kasi ako sa office pero sinabi kong susunduin kita.”

Binalingan ko si kuya Shinwoo. Tuluyan nang nagpaalam si daddy sa amin kaya kaming dalawa na lang ang nasa clinic.

“Tapos na ang seven-year contract namin kaya pinag-uusapan pa ang future plans para sa grupo,” patuloy na paliwanag niya.

Muli kong naalala ang aksidente kong nakita na schedule nilang tatlo.

“How about Baro and...” I hesitated for a while when the memory of Jinyoung flooded my mind together with the news online about him and Ericka. “How about Jinyoung and Baro?”

“Nakapag-usap na kaming lima noon pa man, isang buwan nang tapos ang contract pero nag-extend kami para mas mapag-isipan namin...”

Shinwoo trailed off while I waited in anticipation. Dahil nakatingin ako sa kanya, kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya mula sa pag-aalinlangan hanggang sa tuluyan na siyang matulala.

“Kuya...”

“Kaya mo na bang maglakad? Iuuwi na kita.”

Sinimangutan ko siya. “Kuya, lagnat lang ang meron ako. Kaya ko pa namang maglakad.”

Nahilo lang naman talaga ako kanina habang nasa cafeteria kami ni Jiwoo. Masyado lang nag-alala ang isang faculty teacher na nagkataong naroon kaya agad nila akong inalalayan papunta sa clinic.

Pagdating namin sa bahay, matagal na sapilitan pa ang nangyari bago ko napapayag si kuya na iwan na lang ako at pumunta sa office para sa group meeting nila. Gusto raw niya akong personal na alagaan pero sinabi kong magpapahinga lang naman ako.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon