Mukhang wala nga talaga ako sa sarili ko para sumama sa mga taong hindi ko naman lubusang kilala. Puwede naman akong bumalik sa university para pasukan ang ibang klase na maaabutan ko.
Pero ayokong makita ako ni Jiwoo para lang itanong kung ano ang nangyari. Ayokong sabihin na may emergency si Jinyoung kaya hindi natuloy ang lakad sana namin. Ayokong magsinungaling na ayos lang ako, kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.
"Sa likod na tayo dumaan para mas mabilis tayong makarating sa rooftop."
Tipid kong nginitian si S. Coups nang magsalita siya. Mula sa restaurant kung saan niya ako nakitang mag-isa ay naglakad lang kami patungo sa dorm nila. I know I looked pathetic, on the verge of crying when he saw me, but I'm glad that he's been discrete not to ask me what happened.
Maybe that's the reason why I trusted him even if we barely knew each other. Because he's just an acquaintance. He doesn't know anything personal about me. He won't ask me questions I can't answer.
Namalayan ko na lang na paakyat kami sa isang hagdang gawa sa bakal na sa tingin ko ay ang daanan mula sa firie exit.
"Napansin ko lang na hindi kayo gumagamit ng face mask o kahit ano para itago ang mukha ninyo. Hindi kayo takot na makita at habulin ng fans ninyo?" tanong ko kay S. Coups habang paakyat kami, nakasunod sa akin ang kasama niyang si Vernon.
Sandaling huminto sa pag-akyat si S. Coups at tumingin pababa sa akin, kaya pati kaming dalawa ni Vernon na nakasunod sa kanya ay napahinto rin.
"Hindi ka talaga fan ng group namin, 'no."
Huh? What's the connection with that?
Nagsimula ulit siyang humakbang paakyat kaya ganoon na rin ang ginawa namin. Pagdating namin sa pinaka rooftop ng dorm nila ay agad kaming sinalubong ng malakas na tugtog at tawanan ng mga kagrupo nila. Nagulat ako nang eksaktong pagtapak ko sa rooftop ay may nag-back tumbling pa.
"May kasama kami guys," imporma sa kanila ng leader nila.
Natigil ang tawanan at bigla ring nawala ang malakas na tugtog. Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha ng naroon pagkatapos ay ngumiti ako at binati silang lahat. Naroon ang pinakamatangkad sa grupo na si Mingyu, kausap si The8. Si Vernon naman na inilagay lang sa lamesa ang bitbit niya ay agad nilapitan si Hoshi na leader ng performance unit ng Seventeen kasama ang pinakabata sa grupo na si Dino.
"Hyung..."
S. Coups ignored The8 and guided me to the nearby table as he put all the food we brought. Pasimple akong tumingin sa paligid at nag-alangan nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Guys, isinama ko lang siya rito dahil nakita ko siyang mag-isa. Please don't look at her intently and don't make her feel uneasy. She's a friend."
"And she's the Q & A Girl we are talking about," said the one with a deep voice.
Lahat kami ay natuon ang tingin kay Wonwoo na nakasandal sa railing, nakahalukipkip at matamang nakatingin... sa akin? Ano na naman kaya ang kasalanang ginawa ko sa kanya at parang mabigat na naman ang loob niya sa akin?
"Anyway guys, kumain na lang kayo rito," singit ni S. Coups kaya nakahinga ako nang maluwag.
Nagkagulo na silang lahat sa mga pagkaing nasa mesa kaya sinamantala ko iyon para silipin ang kalsada sa baba. Isang tahimik na kalye ang makikita roon. Kapag naman ang tanawin sa taas ang titingnan mo ay malalaking building, mga bubong ng bahay at estbliahments at ang siyudad ang haharap sa'yo.
Humawak ako sa railing at bahagyang yumuko para silipin ang kalsada. Matagal nang malabo ang mga mata ko kaya hindi ako madaling nakakaaninag kapag wala akong salamin o contact lenses.
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...