SVT - FORTY FIVE

22 4 0
                                    

As if I wasn’t told off by Shinwoo, I stayed at the hospital even longer, took a bigger part on taking care of Jinyoung and attending to whatever the doctor demands for him.

Pang-apat na araw na ngayon at nawala na rin ang mga aggressive reporters na umaaligid sa hospital para makibalita sa kalagayan niya. Letters and gifts continued to pour from his fans. Umabot na halos sa tatlong boxes ang mga gifts na ipinatabi na lang muna namin dahil hindi puwedeng ipasok sa ICU.

Gumising na siya sa ikalawang araw pero sandali lang. Masaya ako dahil naroon ako nang mangyari iyon. Sandali siyang tumitig sa akin na parang kinikilala ako, pagkatapos ay ngumiti at sumagot sa ilang katanungan ng attending doctor niya. Pagkatapos ay nakatulog na ulit siya.

On our sixth day, Shinwoo came back with our parents. Gusto na talaga nila akong pauwiin pero nagmatigas akong mananatili sa hospital. I’m still guilty so I want to see him and take care of him until his full recovery. Nabawasan na rin ang aparato na nakakabit sa kanya. Wala na ang oxygen dahil kaya na niyang huminga sa sarili niya.

Ang sabi ay puwede na siyang ilipat bukas sa isang private room dahil stable naman na ang vitals niya.

“Mei, kailangan mo ring magpahinga. Marami namang puwedeng magbantay sa kanya rito.”

“No, Mom. Ako ang magbabantay sa kanya. Please, hayaan n’yo na ako.”

“I feel sorry for him too. He doesn’t deserve the accident. Pero nag-aalala na kami sa kalagayan mo.”

Sinilip ko si Jinyoung mula sa salaming bintana. Kahit paano ay unti-unti nang nanunumbalik ang normal na kulay ng balat niya. Pero hindi pa rin namin siya nakakausap nang matagal. Panay pa rin ang tulog niya hanggang ngayon.

“Kaya ko ‘to, Mommy,” pagmamatigas ko. Pilit kong nilabanan ang matamang pagtitig ni mommy sa mga mata ko para ipakita na determinado akong panindigan ang mga desisyong ginagawa ko.

Katagalan ay niyakap na lang niya ako at hinalikan sa ulo.

“Don’t skip meal and take care of your health too. Ako na ang bahalang magsabi sa daddy at kuya mo.” Ilang beses siyang umiling at bumuntong-hininga. “I’m grateful I am blessed with two beautiful children. Pero pareho namang nagmana sa daddy nila na may paninindigan sa desisyong ginawa.”

Napangiti ako. “Is that even a good thing, mom?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at niyakap na lang ulit ako. Sabay na kaming nagtungo sa hallway para puntahan sina kuya at daddy na kanina pa naghihintay roon.

“May board meeting ka pa mamaya ‘di ba?” tanong ni mommy kay daddy. Umoo naman si dad pero sa akin pa rin nakatingin.

“Are you staying here?” he asked me.

I nod politely at him. Kahit paano ay takot din naman ako sa kanya pero hindi sapat iyon para mabago ang desisyon ko. Hindi naman siya nagsalita at inaya na rin si mommy na umuwi. Kakatapos lang naming kumain kanina ng lunch sa isang restaurant na malapit sa hospital.

Nagpaiwan si Kuya Shinwoo para samahan ako habang nauna nang umalis ang parents namin. Pabalik na kami sa loob nang bigla na lang niya akong tanungin.

“Have you talked to Minghao?”

Sandali akong natigilan pero hindi ako nagpahalata. I’m too preoccupied with Jinyoung’s situation that I even forgot to talk to The8.

Pero maiintindihan naman siguro niya ang kalagayan ko. Maiintindihan naman ni The8 na kailangan kong gawin ‘to.

“You can’t just leave someone behind, Mei. Kausapin mo siya at may karapatan din siyang malaman ang buong sitwasyon.”

“If you’re still convincing me to go home using The8’s name...”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon