SVT - FIFTY ONE

16 1 0
                                    


Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng announcement ng piloto tungkol sa status ng flight namin. Thirty minutes na lang daw at la-landing na kami sa destination namin. Hindi ko namalayang mabilis pala akong nakatulog.

I slowly took my eye mask off and looked at the surroundings.  Nakapatay na ang mga ilaw at tahimik ang mga pasahero. Maging ang dalawang katabi ko na nakatulugan kong nag-uusap ay tulog na rin. Nakababa rin ang window cover sa tabi ng babae kaya hindi ko masilip ang labas ng eroplano.

Marahan akong kumilos at nagtaka. Tiningnan ko ang gawi ni Minghao at nagulat nang makitang nakapatong ang isang kamay niya sa kamay kong nakalapat sa armrest. Hindi ko agad iyon naramdaman paggising ko. Sinikap kong huwag masyadong gumalaw dahil sa takot na magising siya.

May nakalagay na ring maliit na unan sa kandungan ko at nakatanggal na ang seatbelt ko. Si Minghao kaya ang nag-asikaso sa ‘kin? Gusto kong umasa pero ayokong mag-assume.

Nang bahagyang gumalaw si Minghao, mabilis kong ibinalik sa puwesto ang eye mask ko at nagkunwaring tulog. Nakaramdam ako pagkilos mula sa kanya. Hindi ako sigurado pero parang nakatingin siya sa akin. Ramdam ko. Ilang sandali pa, tinanggal na niya ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Bigla akong nanghinayang. Parang aksidente lang na nahawakan niya ako dahil nakatulog lang din siya. One month ago, malaya kong nahahawakan ang kamay niya, malaya akong pagmasdan siya, ako ang dahilan ng pagtawa at pagngiti niya.

That was a month ago, before our breakup.

True to the pilot’s word, he reminded us again to wear our seatbelts because we are about to land in ten minutes. Nagkunwari na lang ako na bagong gising, inayos ko ang sarili ko at isinuot ulit ang seatbelt. Pumikit na lang ako dahil masakit sa ulo ang nakakabinging ingay ng eroplano habang nagla-landing kami.

Nang tuluyan na kaming huminto at in-announce na puwede nang bumaba, mabilis akong tumayo kasunod ni Minghao. I politely asked the other passenger to help me get my luggage. Nagpasalamat na lang ako pagkatapos at mabilis nang sumabay sa mga kapwa ko pasahero.

Agad akong naglakad patungo sa arrival area. Ang sabi ni Jinyoung ay nasa labas na siya para sunduin ako. Nilampasan ko lang ang mga pasaherong naghihintay ng baggage nila nang may tumawag sa pangalan ko.

Huminto ako at nilingon iyon.

Si Jeonghan, na marahang naglalakad palapit sa akin na para bang naglalakad lang sa runway, suot ang nakakainis niyang ngiti.

“Wala ka bang balak na ibalik sa ‘kin ang unan na ipinahiram ko?”

Sinundan ko ang tinitingnan niya at mabilis na inangat ang kanang kamay ko na may hawak na unan. Ang unan na nakamulatan kong nakapatong sa kandungan ko.

“Y-you own this?” tanong ko.

“Yes! Sino ba sa tingin mo ang mabait na magpapahiram sa ‘yo niyan?”

Bago ako tuluyang bumaba kanina ay ibinalik ko ang unan kay Minghao pero hindi niya tinanggap at sinabing hindi kanya iyon. I thought he was just being snob. News flash! He really did become a snob.

Ibinalik ko sa kanya ang unan pagkatapos ay hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na magsalita. Mabilis ko siyang tinalikuran.

Maraming taong nag-aabang sa labas pagdating ko roon. May ilang nakahilerang mga taxis rin na nag-aabang ng ihahatid na pasahero. I searched for the familiar face of Jinyoung but he was out of sight. Ang sabi niya ay nag-aabang na siya pero hindi ko siya makita.

“Waiting for someone?” The devilish voice of Jeonghan once again whispered in my ear.

Nang lingunin ko siya ay bahagya na siyang nakalayo sa akin pero hindi pa rin nawawala ang ngiti.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon