SVT - THIRTY NINE

36 6 5
                                    

Alam kong may partisipasyon ako kung bakit kami napunta sa maingay na lugar na ito. Naiintindihan kong masama ang loob ni Minghao dahil sa nakita niya kagabi. Pero masama bang magalit ako ngayon sa nakikita kong ginagawa niya?

Halos nakayakap na sa kanya ang babaeng nasa kanang gawi niya. Nakaupo sa dalawang stool ang mga babae at nakatayo sa pagitan niyon si Minghao.

Ang isang babae naman sa kaliwa niya na naka-mini skirt ay sinadya pang mag-de cuatro at itinuon ang hita paturo sa binti ni Minghao.

I don't want to get my hope so up but I can see from where I'm standing that he's least enjoying their company. I can sense the boredom in his beautiful eyes while listening to the girl's blabber. Or maybe, it's just my ego giving me an illusion to what I want to believe.

“Mei, ang sabi ko hintayin mo na lang ako sa table…” Mingyu trailed off.

Nawala sa paningin ko si Minghao at ang dalawang babae nang humarang si Mingyu sa harapan ko.

“Let’s go, Mei. Hintayin mo na lang ako sa table. Ako na muna ang kakausap sa kanya.”

Tiningala ko si Mingyu at tiningnan nang masama. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Bitaw,” mahinahong utos ko dahil nakahawak siya sa isang pulsuhan ko. Umiling siya. “Bitaw sabi,” ulit ko sa mas mariing tinig.

Muli siyang umiling. Marahas kong hinablot ang kamay ko at nag-iba ng direksyon. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay muli na niya akong napigilan.

“Wala akong image na kailangang pag-ingatan, Mingyu. Pero kayo, meron.”

“Alam ko. Pero puwede n’yo namang pag-usapan na lang ‘to ng maayos.”

Naiinis na ibinaling kong muli ang tingin ko sa direksyon ni Minghao. Nagtama ang mga tingin namin at nakita kong sandali siyang natigilan.

“Mei…” pagsusumamo ng kasama ko.

Pumikit ako at pinakalma ang sarili sa kabila ng nararamdaman ko. Tumango ako kay Mingyu at pilit na ngumiti.

Palapit na si Minghao sa kinatatayuan namin nang muli ko siyang balingan.

“Kanina ka pa namin hinahanap.” Matigas at mababa ang boses ni Mingyu, halata ang galit.

Wala pa ring imik si Minghao at halata ang pag-iwas ng tingin sa amin.

“Nandito rin ba ang ibang members ng Seventeen?” tanong ng isang babaeng nakasunod kay Minghao.

Hindi ko na sana sila papansinin pero ang walang hiya, hindi pa nakuntento at talagang kumapit pa sa isang braso ni Minghao at magiliw na bumati sa aming dalawa ni Mingyu.

Siya ang nakasuot ng mini skirt kanina at halatang ibinabalandra ang mga hita kay Minghao.  Dahil mas malapit na siya ngayon, madali ko nang napagmasdan ang mukha niya. Sa tantiya ko ay mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Long sleeve ang suot niyang itim na damit pero see-through iyon at mababakat ang brassiere niya.

“Another Seventeen member,” dadgdag ng isa pang babae. “Kim Mingyu…” Ito na ang kusang nag-abot ng kamay kay Mingyu para makipag-hand shake. “And you even brought your sister with you,” she commented enthusiastically.

Nagpanting ang tainga ko dahil sa matinis niyang boses. Sa kabila ng maingay na tugtog, malinaw kong naririnig ang bungisngis ng dalawa na lalong mas nakadagdag sa iritasyon ko.

Naghiyawan ang mga tao sa bar, maging ang dalawang babae ay ganoon na rin nang biglang magpalit ng music ang DJ at ipatugtog ang isang kanta ng Seventeen na remixed na.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon