Isang buwan ang mabilis na lumipas sa amin ni Remarie sa Thailand. Halos hindi ko na nga rin napansin ang araw dahil naging abala na kami sa filming.
I met great people, went to awesome places that held stories rich in history and learned about their culture that values moral principle.
“Sino nga pala ang susundo sa’yo paglapag mo?”
“Si kuya raw, wala siyang commitment ngayon.”
Bahagyang lumayo sa akin si Remarie. “Mag-iingat ka sa biyahe. Magkita na lang tayo sa Tokyo.”
Nginitian ko siya at tumango. May dalawang linggo kaming pahinga. Ang sabi niya ay uuwi rin siya sa kanila at magkikita na lang kami sa Japan pagkatapos ng dalawang linggo.
Nakaplano na ang mga gagawin ko sa loob ng dalawang linggong iyon bago muling sumabak sa trabaho. Maagang flight ang kinuha ko dahil manunuod ako ng musical show ni Sandeul kasama si kuya. Kailangan ko lang ng kaunting oras ng pahinga.
Matapos ang anim na oras na biyahe, nakita kong nakaabang na agad sa akin si kuya paglabas ko pa lang ng arrival area. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero parang may inaasahan siyang kasama ko na hindi dumating.
“Kumusta ang biyahe?”
Kinuha niya sa akin ang dala kong trolley at siya na ang humila noon palabas.
“Ang biyahe ba talaga ang gusto mong kumustahin o may iba pa?”
Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nabasa ko ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.
“Kuya!” reklamo ko habang hinahaplos ang isang pisngi ko na pinanggigilan niya. “Ang sakit kaya.”
“Kumain ka na ba? Gusto mong dumaan muna sa isang restaurant?”
“Gusto kong umuwi na agad at magpahinga. May pupuntahan pa tayong musical ‘di ba?”
“Hindi ba kayo magkikita ni The8 ngayon?”
Pareho na kaming nakasakay sa loob ng dala niyang sasakyan. Inilagay niya sa backseat ang bagahe ko at umupo na sa driver’s seat.
“May music program sila ngayon na pinuntahan kaya bukas pa kami magkikita.”
Hindi na umimik si kuya. Naging magaan ang usapan namin habang nasa biyahe. Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto para magpahinga. Nag-alarm na lang ako para magising sa tamang oras.
Uuwi raw ng maaga ang parents namin para makita ako dahil hindi sila sasama sa lakad naming magkapatid. Eksaktong bago lumubog ang araw ay naroon na nga sina mommy at daddy. Magkakasabay na kaming kumain.
Kinumusta nila ang naging buhay ko sa loob ng isang buwan na malayo sa kanila at kung masaya raw ba ako sa trabaho. Ikinuwento ko ang lahat ng naranasan at natutunan ko pati na ang mga nakilala ko.
Kinagabihan, pagkatapos naming mag-ayos ay dumiretso na kami ni kuya sa event place. Hindi pa nagsisimula ang musical pero marami nang taong nag-aabang. May ilang loyal fans ng grupo ang talagang nagpunta roon para manuod.
Nakipagkita kami kay Channie dahil pati siya ay manunuod din. Matapos naming ibigay ang ticket sa guard ay hinanap na namin ang assigned seats namin.
After an hour or so, the musical show ended well. Lumabas ang lahat ng actors sa stage at sabay-sabay na nag-bow bago tuluyang ibinaba ang kurtina.
“Lalabas na si Sandeul mamaya.”
“Magse-celebrate ba ang buong casts nila ngayon?” tanong ko kay Channie.
“No. Tayo ang kasama niyang magse-celebrate. Ang alam ko, sa huling show ang celebration ng buong casts nila.”
Tumango ako. Lumayo lang ako sa kanila nang lapitan sila at batiin ng ibang artists na kaibigan nila na nanood din ng show. Pinili kong umalis na lang ng event place at maghintay sa labas.
“Mei unnie.”
Mula sa carpeted floor ay nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Una kong napansin si Baro na nakatayo at nakatingin sa akin mula sa di kalayuan bago ako bumaling sa kapatid niyang si Yoonji na naglalakad na palapit sa kinatatayuan ko.
“Ang sabi ni Shinwoo oppa nasa Thailand ka raw?”
“Kakauwi ko lang kaninang umaga.”
“Hindi nila sinabi na manonood ka rin ngayon.”
Nabaling ang tingin ko kay Baro nang magsalita siya mula sa likod ni Yoonji. Dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa kapatid niya, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya.
“It’s been a while, Mei. How are you doing?”
Naka-brushed up ang ayos ng buhok niya. Semi-formal ang suot na damit, navy blue polo short, pants at mahabang coat.
“F-fine." I shrugged. "I guessed.” I smiled awkwardly at him. Naalala ko ang huli naming pagkikita sa Busan. Hindi naging maganda ang naging pag-uusap namin at iyon na ang huli.
May isang bagay akong nakaligtaan sa pagpunta rito. Sandeul and Baro are best friends. B1A4, though disbanded, still remained friends. At tama nga ang hinala ko...
Hindi ko alam kung paano aakto. Babatiin ko ba siya? Kakausapin? Ngingitian? Kakamustahin?
“Hi Mei.”
Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ni Jinyoung. Hindi ko kayang titigan nang matagal ang mga mata niya kaya agad akong nag-iwas.
"Let's go, Mei. Nagpa-reserved na raw si Sandeul sa isang restaurant."
Naramdaman ko ang pag-akbay ni kuya sa akin, pati na ang pag-alalay niya. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Nauna na sina Channie, Jinyoung at Sandeul. Kasunod nila sina Baro at Yoonji.
"Okay ka lang, Mei?" bulong sa akin ni kuya.
Tiningala ko siya. Malalim ba buntonghininga ang naging tugon niya.
"I can make an excuse if you don't want to go. Sandeul invited us all. Hindi naman nag-confirm si Jinyoung kaya hindi kami sigurado kung pupunta siya."
Marahan akong umiling at tipid na ngumiti. "I'm fine, kuya. Don't worry about me."
"Wife!"
Nakangiting bumalik sa amin si Sandeul. Sa isang iglap lang, mabilis niyang naalis ang pagkakaakbay ni kuya sa balikat ko at napalitan iyon ng sarili niyang braso.
"We're celebrating today, wife. Cheer up."
His smile is contagious, how can I not smile back?
"Sumunod na lang kayo sa parking lot," bilin ni kuya sa amin bago siya tuluyang umalis.
Nanatili kaming nakatayo sa hall nang walang imikan. Hindi ko alam kung anong plano ni Sandeul pero napansin kong sinusundan niya ng tingin ang bawat dumaraan.
Nang tuluyan nang mawala ang mga tao ay hinawakan niya ako sa magkabilang braso at marahang isinandal sa dingding.
Puno ng pagtataka na tiningnan ko siya.
"Alam kong hindi madali na makasama mo si Jinyoung ngayon. Believe me, I'm doing this for you."
"Sinadya mo na pagtagpuin kami rito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagsisimula nang bumangon ang pagkainis ko.
"No. I only invited you, and he volunteered to come. Hindi na kami masyadong nakakapag-usap simula nang lumipat siya ng agency kaya nagulat ako nang sabihin niyang pupunta siya."
Bumitaw na sa akin si Sandeul at tumayo ng tuwid.
"Ano kaya ang sadya ni Jinyoung at narito siya ngayon?"
Ano nga ba ang sadya niya? Ilang buwan na ang lumipas. Hindi na kami nakapag-usap ulit simula nang makipaghiwalay ako sa kanya. Bakit kailangan niyang makipagkita ngayon?
Bakit ngayon pa kung kailan nananahimik na ako?
**
simplyfanatic
We Must Stop Meeting This Way
10022018.2328H
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...