SVT - FIFTY

35 2 0
                                    


One month later...

I never knew that seeing Minghao again after a month would give me mixed emotions of happiness and pain. Masaya akong nakita ulit siya ngayon, na malusog at nakangiti. Pero masakit dahil sa nakikita kong dahilan ng pagngiti niya.

Nakapag-checked in na ‘ko para sa flight ko nang matanaw ko ang grupo nila pagpasok ko sa entrance ng waiting room.  Magkakasama sila sa iisang spot, pati ang managers at ilang staffs pero parang may sariling mundo naman si Minghao at ang babaeng kausap niya.

Para akong itinulos sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya. Our breakup seemed to do him good since he looked happier now. He cut his mullet but let his bangs grew a little longer. Bahagya niyong natatakpan ang mga mata niya pero kitang-kita ko pa rin ang mga ningning niyon.

Mukhang nag-e-enjoy siya sa pinag-uusapan nila dahil maya’t maya sila kung magtawanan. Sino kaya ang babaeng kausap niya? Nang mapansin kong lilingon siya sa gawi ko ay natataranta akong naghanap ng puwede kong pagtaguan.

Umatras ako para umiwas pero may nabangga ako mula sa likuran.

“Watch out where you’re going,” whispered by an austere yet angelic voice.

Mabilis akong lumingon sa likod at ang nakangiting mukha ni Jeonghan ang nabungaran ko.

“Hi Chinee,” he greeted cheerfully.

“Jeonghan...”

“Are you expecting someone else other than me?” he asked.

“I actually didn’t expect seeing you here.”

“Nah, you saw the other members so it’s impossible for you to not expect me.” Marahan siyang umiling-iling. “Unless...” he smiled slyly, “you only focus your attention to one.”

Sinimangutan ko siya. “I don’t know what you’re talking about,” I denied and walked the other way with my luggage.

Umupo ako sa pinakadulo ng mga waiting chairs at sinikap na hindi magpakita sa kanila. Maraming taong naghihintay ng mga flight nila gaya ko at hinihiling kong sana hindi kami magkapareho ng biyahe.

“Chinee...”

Tiningala ko ang taong tumawag sa pangalan ko na nakatayo sa gilid ng inuupuan ko.

“Kalih?”

Mabilis akong tumayo nang ngumiti siya sa ‘kin.

“Binanggit sa ‘kin ni Jeonghan na nandito ka rin kaya hinanap kita.”

“Kasama ka nila?” tanong ko.

Tumango siya at muling ngumiti. Mukhang okay na rin siya ngayon kumpara noong huli kaming magkita sa hospital habang naka-confine si Jinyoung. Sa loob ng isang buwan ay wala akong narinig mula sa kanya.

“Saan nga pala ang punta mo?”

Binanggit ko sa kanya ang destination ko at nagkagulatan pa kami dahil pareho lang kami ng pupuntahan.

“Delayed daw ng isang oras ang flight natin. Gusto mo bang kumain muna?”

Delayed? I came at the airport two hours earlier than my scheduled flight tapos delayed pa sila.

“I’m okay, Kalih. Hindi naman ako nagugutom,” tanggi ko sa alok niya. Eating with her means I have to meet her companions. Hindi pa ako handang harapin ngayon si Minghao.

“Chin... gusto ko nang magtampo sa ‘yo. Pakiramdam ko iniiwasan mo ‘ko. Magkaibigan pa rin naman tayo ‘di ba?”

“Magkaibigan pa rin naman tayo,” kumpirma ko. I looked past her and saw Seventeen members staring at us. “Mukhang may lakad kayo ng buong group, ayoko lang na maging intruder.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon