SVT - FORTY SEVEN

19 2 0
                                    

“Babalik ka na naman sa hospital?”

Natigil ako sa pagbaba sa hagdan nang marinig ang boses ni mommy. Nakatutok ang mga mata niya sa maliit na backpack na dala ko.

“Kakauwi mo lang kagabi, babalik ka na naman ngayon?” dugtong pa niya. Nakatayo na sa likuran niya si Kuya Shinwoo.

“Kailangan ako ni Jinyoung, ma.”

“Pero may nagbabantay naman sa kanya. Nandoon ang parents niya. Pati ang ibang staff sa bago niyang agency.”

“Pero hindi rin siya mapupunta sa ganoong sitwasyon kung hindi dahil sa akin.”

“He’s recovering now, Mei. Hindi na niya kailangang bantayan magdamag. The news is all over saying that he can be discharged within a week.”

“Pero hindi pa siya makaalala, ma!” I argued, raising my voice to point out my opinion. Nagsisi naman ako bigla nang makita ang sakit sa mga mata ni mommy. Sinaway rin ako ni Kuya Shinwoo kaya pinakalma ko muna ang sarili ko. “Just let me be, please.”

Dumiretso na ako sa pinto pero napigilan na naman ang tuluyang paglabas ko. This time, Shinwoo grabbed my elbow to stop me.

“Mei, hindi titigil at iikot muli ang mundo mo kay Jinyoung. You have your own life.”

Alam ko naman. Pero kasi...

“Bakit ba hindi mo maintindihan, Kuya? Bakit ba hindi ninyo maintindihan? Hanggang ngayon, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ang lahat ng iyon kay Jinyoung.”

“Naririnig mo pa ba ang sarili mo, Mei? Sinusuway mo na si mommy para lang sa kanya. Hindi na ikaw ang dating Mei dahil sa mga ginagawa mo ngayon.”

“Sino nga ba talaga si Mei? Sino ang Mei na nakilala ninyo, tinanggap at minahal? Si Mei na natagpuan ninyo noon o si Mei na hinubog ninyo para umayon sa standard na sinusunod ninyo?”

“Shin Mei Yuk!”

Bigla akong kinilabutan nang marinig ang sigaw ni mommy. Ni minsan ay hindi niya ako sinigawan, ni minsan ay hindi niya ako tinawag sa ganoong paraan.

“Alam ko na ang lahat. Kayo ang nagtulak kay Jinyoung na lumayo sa akin. Kayo ang dahilan kaya kami naghiwalay. Kung hindi dahil sa inyo, hindi maiisipan ni Jinyoung na kumalas sa grupo.”

“Para sa ‘yo rin ang ginawa naming iyon, Mei.” Lumingon si Kuya Shinwoo kay mommy na paranng humihingi ng permiso bago marahang humakbang palapit sa akin. “We just want what’s best for you. Hindi na nakakabuti para sa ‘yo ang relasyon ninyo. Masyado ka nang dumedepende sa kanya, Mei. Kaibigan ko si Jinyoung pero kapatid kita. Mahal kita kaya ako nag-aalala. Mahal ka namin kaya gusto naming mapabuti ka.”

Ilang beses akong umiling.

“Alam mo Kuya Shinwoo ang dinanas ko. Nakita n’yo kung gaano ako nahirapan dahil sa paghihiwalay namin ni Jinyoung. Alam n’yo kung gaano ko siya kamahal. Pero nanahimik lang kayo, wala kayong ginawa. Tapos malalaman ko na kayo pala ang dahilan?”

Pinahid ko ang luha ko.

“Kung minsan nakakasakal na ang pagmamahal ninyo.” Napakagat-labi ako. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na magsalita pa dahil parang bawat salitang bibitawan ko ay makakasakit lang sa kanila. Pero kapag hindi pa ako nagsalita, ako lang ang patuloy na masasaktan. Kapag hindi ko ‘to nailabas ngayon, kailan pa ang susunod kong pagkakataon?

Napasinghot ako nang maramdaman ko ang muling pagtulo ng luha ko. Ang sakit ng dibdib ko, ang bigat ng pakiramdam ko. Matamang titig ang ibinigay ko kay kuya, sinigurado kong mababasa niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon