SVT - FORTY EIGHT

18 2 0
                                    


“I’m bored.”

Mula sa librong binabasa ko ay napatingin ako kay Jinyoung. Panay ang lipat niya ng channel sa TV hanggang sa patayin na lang niya iyon.

Tumingin siya sa akin katagalan at tipid na ngumiti.

“Sinabi na ba ng attending doctor ko kung kailan ako puwedeng lumabas?”

Umiling ako.

“I’m really bored, Mei. Nami-miss ko na ang recording studio at working room ko. Pati na rin ang practice room namin. May sched ba ngayon ang B1A4 na hindi ko napuntahan? Sino kaya ang nag-fill in sa puwesto ko?” sunud-sunod na tanong niya.

Marahan kong inilapag ang libro sa kama habang nakatitig lang sa kanya. Kaming dalawa na lang ang naiwan dahil umalis rin naman agad si Baro pagdating ko.

Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Mas lalong nadudurog ang puso ko.

Kung hindi ko lang narinig ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Baro kanina, maniniwala na talaga akong wala siyang maalala.

Pero hindi ko siya magawang kumprontahin. Hindi ko siya magawang paaminin dahil alam kong kasalanan ng pamilya ko kung bakit kami nagkaganito.

“What are you thinking, Mei?”

Napatda ako nang hawakan niya ang baba ko at bahagyang itingala ang ulo ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

He’s still the same Jinyoung I used to love before. The same enticing eyes, mesmerizing smile, breathtaking presence. He’s still my Jung Jinyoung. But what happened to our relationship? What happened to us?

“Anong...” Napalunok ako bigla. “Ano nga palang pinag-usapan n’yo ni Baro kanina?”

“Huh?” Binatawan n’ya na ako at muling binuksan ang TV pero mas hininaan niya ng kaunti ang volume. “The usual thing, asking how I’m doing. Sabi ko nga bakit hindi pa sinama sina Sandeul at Gongchan. Busy daw ang dalawa.”

Why do you have to pretend Jung Jinyoung? Until when are you going to lie to me about your situation? Until when am I going to pretend that I don’t know anything?

Ilang beses akong kumurap para pigilan ang nagbabadyang pag-iyak ko. Bakit kailangan naming magsinungaling sa isa’t isa ngayon? Nangako kami na magiging tapat sa relasyon namin noon.

“Nami-miss ko na rin ang mag-compose ng mga kanta. Don’t you think Sandeul is messing up with my studio now?”

“Ah... Well.. Sandeul loves staying in your studio,” I answered.

Pero tinanggal na ang pangalan ni Jinyoung sa dati niyang recording studio. Lumipat na doon si Kuya Shinwoo at pinagamit sa dalawang rookie groups ng agency ang mga bakanteng studio. Sa ngayon, hindi na lang B1A4 ang gumagamit ng mga studio sa third floor.

“Pagagalitan ko si Sandeul kapag may nasira siyang gamit sa studio ko.” Mahinang tumawa si Jinyoung. Habang ako naman ay natuon sa TV ang buong atensyon.

May rerun ng isang music program at kasalukuyang pinapalabas ang performance ng Seventeen.  Nakatitig ako sa bawat galaw ni Minghao  at nakatutok sa kanila nang bigla kong maramdaman ang paghalik ni Jinyoung sa labi ko.

I stood up immediately and stared at him shockingly.

“What are you doing?” I asked, feeling betrayed by his abrupt action.

“Nawala kasi ang focus mo sa ‘kin dahil sa pinapanuod mong bagong idol group. And...” He shrugged, “... I’ve been dying to do that ever since I woke up, Mei.”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon