SVT - FIFTY SEVEN

27 4 0
                                    


“You should loosen up a bit, Mei. You’re always tensed.”

“I’m fine,” I answered nonchalantly. Tumingin ako sa malayo at hinigop ang tasa ng kape na nasa harap ko.

Kagagaling lang namin sa labas para mamasyal sa mga sikat na tourist spots na malapit sa amin. We visited a shrine, temples and an amusement park nearby. Kahit paano ay natuwa naman ako lalo na nang sumakay kami sa isang ferris wheel.

“That bracelet looks good on you. Nabili mo sa souvenir shop?”

Bigla akong sinalakay ng kaba. Hinawakan ko ang isang kamay ko para takpan ang bracelet at kinakabahang tumingin kay Jinyoung.

“M-matagal ko na ‘tong nabili.” I gulped and bit my tongue. “Ngayon ko lang naisipang isuot.”

Tumango si Jinyoung, doon pa rin siya nakatuon sa bracelet ko kahit natatakpan na iyong ng isang kamay ko mula sa paningin niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakangiti na siya.

“Gusto ko nang magpahinga. Tatawagan ko rin pala si kuya kasi hindi ko siya nakausap kagabi,” paalam ko sa kanya.

“I’ll walk you to your room,” sabi naman niya at tumayo na rin.

Sabay kaming naglakad hanggang sa lobby. Gaya ng nakagawian ay nakaalalay siya lagi sa akin kapag naglalakad kami. Hindi ko naman na iyon masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil ganoon naman talaga siya sa akin kahit noon pa.

Hinihintay namin ang pagbukas ng elevator nang mapansin kong nakatutok na naman si Jinyoung sa cellphone niya. Katagalan ay itinago na niya iyon at tinawag ang pangalan ko.

“May kailangan pa pala akong gawin sa labas. Okay lang ba na ikaw na lang muna ang umakyat sa kuwarto mo?” he asked with an apologetic smile.

Mabilis naman akong tumango. He kissed my cheek and made his way outside. Sinundan ko siya ng tanaw hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Sa loob ng apat na araw na nagbakasyon kami, madalas siyang nagpapaalam sa akin na aalis. Hindi na rin naman ako nag-usisa pa kung saan siya nagpupunta.

Tumunog na ang elevator kaya muli akong humarap doon. Nang tuluyang magbukas ang elevator door, nahinto naman ako sa paghakbang nang makita ko kung sino ang mga nasa loob. Seungchoel was on the back side with Joshua and Junhui. Nasa sulok malapit  sa elevator control naman si Minghao na nakayuko.

Nang sundan ko ang direksyon ng tinatanaw niya, napansin kong sa bracelet na suot ko siya nakatingin.

“Are you still coming in?”

Nagising ako sa pagkatulala nang magsalita si Seungchoel. Kahit nag-aalangan, humakbang papasok at pumihit paharap sa elevator door.

“What floor?” tanong ni Minghao.

“Sa fifth floor sila. Nakasabay ko kagabi si Jinyoung sunbaenim at doon siya bumaba. Magkatabi lang naman ang rooms ninyo, right Chinee?”

Tiningnan ko ang reflection ni Joshua at bahagya siyang nakadukwang sa akin. Nakangiti rin siya na parang nang-aasar. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. Kung hindi si Jeonghan ang nang-aasar sa akin, si Joshua naman.

Minghao pressed the number five button so I looked up at him.

“Sa eight floor ako,” imporma ko sa kanya. Ako na ang kusang pumindot ng number eight button.

“So sino ang pinuntahan ni Jinyoung sunbaenim sa fifth floor?” Joshua still insisted.

Nagsisimula na akong mainis pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung sino ang pinuntahan ni Jinyoung sa ibang floor. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta kapag nagpapaalam siyang aalis. I lost interest in tracking his whereabouts.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon