SVT - THIRTY

35 7 0
                                    

The audiences cheered at the cuteness of the six-member girl group. Pero ako, nananatiling nakatulala. Ngumingiti si Ericka kapag nagsasalita bilang leader ng Brix. Kapag naman napapatingin siya sa gawi ko ay tumataas ang kilay niya.

Pagkatapos nilang isa-isang magpakilala, pumiwesto na sila para sa performance. Dalawang kanta ang ipinarinig nila sa audiences at lahat, lalo na ang nasa likod ay malakas na nag-cheer sa grupo. Matapos ang masayang performance ay luminya ulit sila para sa isang maiksing interview.

Hindi pa man sila nakakabalik ulit sa harap ay gusto ko nang umalis para makaiwas.

“The song we performed earlier was produced by our senior Mr. Jung Jinyoung...” Ericka explained proudly.

No wonder the rhythm of the song, the catchy lines and dominating electric guitar are familiar. Kahit ngayon ko lang narinig ang kanta, kilalang kilala ko na ang style dahil iyon ang estilo ni Jinyoung sa mga kanta na ginagawa niya. I gave a haughty smile when Ericka stared at me while talking about their producer.

I'm not sure it it's just me or she's really trying to provoke me by repeatdly mentioning his name. Hindi lang ito ang unang group debut na napanuod ko. Dalawang rookie groups na ang pina-debut ng company namin at hindi necessary na i-mention pa ang pangalan ng producer ng paulit-ulit.

Mula sa likod ni Ericka ay nakita kong nakatingin din sa akin si Yesha. I'm surprised she finally showed up after her controversy under our company. She caused to many issues and destroyed too many life already that it made me wonder how can she sleep soundly at night.

Hindi ako magpapatalo sa kanila. When they both looked at me at the same time, I sneered and glared at them. Hindi na ako ang dating Chinee na nakilala nila na hinahayaang apihin ng iba.

Pagkatapos ng pre-recorded show ay maayos na kaming pinalabas ng studio. Ang iba ay tumambay pa sa labas habang si Jinsil na kanina ko pa kasama ay inaya akong bumili ng kape sa isang coffee shop.

“What do you think of the new girl group?” she asked while we wait for our orders. Iced Americano ang in-order niya at hot mochaccino naman ang sa akin.

Hindi ako kumibo.

“Kaya pala nag-disband ang B1A4 dahil lumipat na ng ibang agency si Jinyoung oppa.”

Tiningnan kong mabuti ang kaharap ko na nakaupo sa kabilang panig ng mesa. Mas bata siya sa akin ng apat na taon pero mukhang matured na siya dahil sa makeup niya.

“Pinapakinggan mo rin ba ang grupo nila?” tanong ko.

Umiling siya. “I’m not their fan but their songs are undeniably good. Isa pa, may isa akong nakilala recently na fan ng group nila pero lumipat na sa Seventeen dahil sa disbandment.”

Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Kahit na active pa rin ang career ng tatlong naiwan sa grupo, hindi ko masasabi kung matatag pa rin ang fandom nila. Sigurado naman na may ilan sa kanila ang umalis na rin dahil hindi na kumpleto ang grupo.

Dumating na ang orders namin, sandali pa kaming nag-usap ni Jinsil hanggang sa magpaalam siyang aalis. Ako naman, nakatanggap ng message mula kay The8 kaya napagpasyahan kong bumalik. He said we can meet somewhere.

Binigyan niya ako ng direction kung saan pupunta. With my hot coffee in hand, I cautiously walked back avoiding the sea of people in front of the building.  Dumaan ako sa gilid ng building kung saan tahimik at walang halos nagpupunta. My attention was still on the phone when two pairs of female feet stopped me on track.

I abruptly looked up and my gaze was met by Ericka’s dirty glare and Yesha’s arrogant smirk beside her.

“Akala ko no’ng nakita natin siya kanina, nagpunta siya para suportahan ang grupo natin,” sabi ni Ericka sa kasama niya pero hindi naman inaalis sa akin ang tingin.

“Puwede naman ang sinabi mo unnie,” sang-ayon ni Yesha. Napaatras ako nang lumapit siya ng isang hakbang sa akin.  “Pero puwede rin namang gusto lang niyang makita kung nagtagumpay na tayo. You know...”

Humarap siya kay Ericka, matapos ay sabay silang tumingin sa akin habang may nakakatakot na mga ngiti sa mukha nila.

“What do you want from me?” I asked, trying my best to steady my voice.

“Oo nga naman. Ang galing din naman kasing magpanggap na mabait at inaapi ng isang ‘to. Pero ang totoo, sinisira niya lang ang ibang tao para makuha ang gusto niya.”

Napaatras ako nang tudyuin ni Ericka ang isang balikat ko. Tiningnan ko siya nang masama, si Yesha naman ay mahinang tumawa mula sa likuran.

“Isipin mo nga naman, unnie,” patuloy ni Yesha habang umiiling. “Nagpanggap siyang tinutulungan ka kay Jinyoung oppa noon pero ang totoo ay gumagawa siya ng paraan para magkalayo kayo lalo hanggang sa tuluyan kayong maghiwalay. Ilang buwan lang ang lumipas, siya na ang girlfriend ni Jinyoung oppa? Seriously!”

“Siya rin ang dahilan kaya ka naalis sa WM at hindi nakasama sa debut ng girl group nila ‘di ba? Kung hindi ka napunta sa Brix, baka hanggang ngayon ay trainee ka pa rin,” Ericka added that gained approval from Yesha.

Napailing na lang ako at sinubukang umiwas sa kanilang dalawa. Nag-iba ako ng daan pero agad din nila akong naharangan. Nasa harap ko na naman sila.

“Ano bang problema ninyo?” naiinis na tanong ko.

“Gusto ko lang malaman kung kailan ka mawawala sa buhay namin?”

Inirapan ko sila pareho pero nagulat ako nang tumama sa pisngi ko ang isang palad ni Ericka.

“That’s for taking Jinyoung away from me.”

Hindi ako nakabawi agad nang agawin sa akin ni Yesha ang coffee cup na hawak ko. Bahagya siyang lumayo kaya si Ericka na lang ang binalingan ko.

“We both know what really happened between you and Jinyoung, Ericka. Hindi ako ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay noon. It’s you and your infidelity.”

Mas lalong tumalim ang tingin sa akin ni Ericka, umangat ang sulok ng mapulang labi niya. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero inunahan ko na siya.

“Hindi ko kasalanan na nagkaroon ka ng sex scandal kasama ang ibang lalaki habang kayo pa ni Jung Jinyoung. Hindi ko kasalanan kung nakipaghiwalay siya sa’yo dahil sa pagtataksil mo!” walang gatol na sabi ko.

Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa amin. Sila naman ang unang lumapit eh. Tama na ang pananahimik ko. Hindi ko kasalanan kung bakit naghiwalay si Jinyoung at Ericka noon dahil sa panloloko niya kay Jinyoung. Wala na silang dalawa nang maging kami. Pero kami pa ni Jinyoung nang magbalik siya at sinabihan si Jinyoung na hiwalayan na lang ako.

Lumapit sa amin si Yesha kaya siya naman ang hinarap ko.

“Hindi ko rin kasalanan kung naalis ka man sa girl group na kasama mong nag-train ng ilang taon dahil sa ginawa mong aksidente para maidiin ang isang inosenteng tao,” paalala ko sa kanya.

Totoong ako ang dahilan kaya siya naalis sa agency. Pero ginawa ko lang naman ang tama dahil walang kasalanan si Kalilah sa aksidenteng nangyari sa kanya. Nagsinungaling si Yesha noon at naging kapalit ay ang pagkasira ng career ni Kalih. Naghanap ako ng ebidensya para mapatunayang wala siyang kasalanan hanggang sa naisipan ng buong management na alisin na lang si Yesha bilang parusa sa pagsisinungaling niya.

“Hindi mo kasalanan?” Tinudyo ni Ericka ang isang balikat ko kaya napaatras ako. “Kung hindi ka dumating, walang magbabago sa buhay namin. Ikaw ang may kasalanan ng lahat,” bintang niya.

Nanlilisik ang mga mata niya at anumang oras, sa tingin ko, isang maling galaw ko lang ay sasaktan na naman niya ako.

Binalak ni Ericka na sampalin ulit ako pero agad kong nasalo ang kamay niya. Binalak ko siyang itulak palayo sa akin pero hindi ko na iyon nagawa dahil sa mainit na likidong tumama sa kanang balikat ko.

“Anong nangyayari dito?”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon