SVT - FIFTY FIVE

19 4 0
                                    

Matapos kumain ay bumalik na kami sa hotel suite. Nagpaalam sa akin si Jinyoung na may pupuntahan lang siya sandali. Hindi naman na ako interesadong malaman kung saan iyon kaya hindi na ako nagtanong pa.

Alone in my hotel suite, I just browsed uninterestedly through the TV channels. Walang nakakuha ng interes ko kaya naisipan kong lumabas na lang. Malaki ang premises ng hotel, ayon kay Kalih ay may activity rin naman sila kaya siguradong hindi ko sila makakasalubong sa labas.

Naglakad-lakad ako sa labas at napunta sa bandang kahuyan. Hindi naman iyon gaanong malayo pero sa tingin ko ay wala na iyon sa main road. May garden pond akong nakita kaya naisip kong tumambay muna roon. Nagpalipas ako ng oras habang kausap si Jiwoo. I took some pictures, watched the birds flew by and enjoyed the calming soft breeze of the garden.

Nang kumalma na ang pakiramdam ko, naisipan ko nang bumalik sa hotel. Naglalakad ako sa walang katao-taong kalsada nang bigla na lang may humintong kotse sa tapat ko. Bigla akong naging alerto at mas binilisan ko pa ang paglalakad.

I am nearly running when the car abruptly stopped in front of me. Napahinto ako. Bumaba ang driver at nakangising tumingin sa akin.

“Mag-isa ka lang, miss?”

Pinatapang ko ang sarili ko at nagsimula na akong maglakad sa ibang direksyon. Mas binilisan ko pa ang bawat hakbang ko nang maramdaman kong nakasunod sa akin ang lalaki. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring gumapang ang takot sa buong kong katawan.

Mukhang desidido talaga siyang habulin ako at kapag ginamitan niya ako ng lakas, siguradong wala na akong laban. Walang tao sa kalsada na dinadaanan namin. Wala ring ibang sasakyan na dumaraan. Nakakapagtaka na nakarating siya rito.

“Miss!”

Napahiyaw ako sa sobrang gulat nang bigla niyang hilahin ang mahabang buhok ko.

“Please... let me go,” pagmamakaawa ko.

Tumawa lang siya.

“Bakit ka ba tumatakbo? Gusto ko lang namang makipagkilala sa ‘yo.”

Pumiksi ako nang higpitan niyang lalo ang hawak sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matutuklap ang anit ko dahil sa pagsabunot niya.

Pinatapang ko ang mukha ko at pinatatag ang boses. Inutusan ko siyang bitiwan ako pero tawa lang ang naging sagot niya. Hinawakan na rin niya ang pulsuhan ko at kinaladkad ako pabalik sa kotse niya. Nadala na niya ako sa tapat ng passenger’s seat at bubuksan na lang ang pinto nang makakita ako ng pagkakataon na makatakas sa kanya.

Hinampas ko siya ng kamao ko kaya lumuwag ang hawak niya sa akin. Tinadyakan ko na rin siya kaya tuluyan niya akong nabitawan. Tumakbo ulit ako palayo pero agad niya akong nahabol. Ibinalandra niya ako sa gilid ng kotse at inipit ng sarili niyang katawan.

Napahiyaw ako sa takot at pilit na nagpumiglas. Inangat niya ang isang kamay ko at idiniin iyon sa kotse. Gamit ang isa ko pang kamay, sinimulan ko ulit siyang hampasin.

“Tumigil ka!” banta niya sa ‘kin at saka ako malakas na sinampal. Hinawakan niya ang baba ko pagkatapos gamit ang isang kamay at pilit na iniharap sa kanya. Nakakatakot ang nalilisik niyang mga mata. Napapikit na lang ako at pilit na iniiwas ang mukha ko nang akma niya sana akong hahalikan.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.

"Tulong…" kapos ang hiningang sigaw ko nang bigla na lang mawala sa harap ko ang lalaki at maaninagan ko ang bagong dating.

Nagkaroon ng komosyon. Naririnig ko pa ang sigawan at pagtatalo ng assailant ko at ng bagong dating na hindi ko pa nakikilala.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag-iyak, nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Hindi ako makagalaw at wala akong ibang magawa kung ‘di ang umiyak.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon