Third Person POV
Marahang inilapag ni Remarie ang tasa niya ng umuusok pang kape sa ibabaw ng lamesa.
“Sigurado kang kaya mo nang mag-isa? Hindi ka humingi ng assistance sa production team natin.”
Sinimangutan ng dalaga ang monitor para ipakita sa taong ka-video call niya ang pagtutol.
“Sinabi ko naman sa’yo na kaya ko na. Isa pa, na-contact ko na ang kaibigan ko rito at sinigurong pupunta siya.”
“May kaibigan ka?”
Napairap si Remarie sa kaharap niya. Alam niyang mailap siya sa ibang tao pero totoong may kaibigan talaga siya. Sa murang edad na bente tres ay naging isa na siyang matagumpay na director ng ilang sikat na pelikula. Dahil bata pa, madalas na pinagdududahan ng mga taong hindi pa lubusang nakakakilala sa kanya ang kakayahan niya. Kaya pinag-aralan niyang maging istrikto at laging magpakita ng ma-awtoridad na mukha sa lahat.
“They’ll be here any minute now,” banggit niya nang makita ang isang staff na nagsisimula nang iayos ang setup para sa kukuhanan nila ng shots.
“Good luck. Mababait ang mga batang ‘yan, nakatrabaho ko na sila sa isa nilang music video noon.” Nagningning ang mga mata nito at pilyong ngumiti sa kanya. “And they’re all handsome too.”
“I know.”
Ilang paaalala pa ang iniwan nito sa kanya bago sila nagpaalam sa isa’t isa. Roberto “Bert” Eslais is her senior and trainer on their agency. Ito ang naka-kontrata na gagawa dapat ng cosmetic commercial ng isang idol boy group pero dahil sa family emergency ay siya ang inatasan nitong pumalit dito.
Remarie hesitated at first, but the thought that she can finally meet her friend again made her agreed otherwise. Masaya na siyang nagtatrabaho sa Thailand matapos makatanggap ng movie project doon kahit na malawak ang sinasakop ng Advertising and Production Agency nila.
“Director, andito na po ang mga talents.”
Tumayo na siya para salubungin ang mga bagong dating. Manghang napatingin si Remarie nang magkakasunod na nagsipasukan sa loob ang labinlimang lalaki na tahimik niyang binilang habang papasok sa loob.
“You are Director Rem Dasco?”
“Yes.” Nakangiting tinanggap niya ang kamay ng matangkad na lalaking unang bumati sa kanya.
Bumaling iyo sa mga kasama nito at naging alerto naman ang mga iyon. Nakalinya ang labingtatlong binata at tumingin sa kanya. Sa tingin ng dalaga ay ito ang manager ng grupo“Say the name, hello, we’re Seventeen,” sabay-sabay na pakilala ng magkakasunod na lalaki kasabay ang hand gesture, bago magkakasabay na yumuko.
“Hello, I’m Director Rem Dasco, assigned to film this commercial. Let’s all work harmoniously,” nakangiting pakilala niya sa lahat.
Nagpalakpakan ang grupo na mas lalong ikinaluwag ng ngiti ng dalaga. Bago pa ang araw na iyon ay nakipagkita na siya sa may-ari ng cosmetic brand para pag-usapan ang magiging takbo ng commercial. Inilahad na rin niya ang plano niya sa grupo na ganoon karami ang miyembro. Napag-aralan na rin niya ang kaunting impormasyon sa bawat miyembro. Ang problema lang ay hindi niya madaling matandaan kung sino si sino kaya humingi na siya ng tulong sa kaibigan niya.
Nagsimula nang kumilos ang mga staffs para ayusan at bihisan ang mga modelo nila. Abala naman siya sa monitoring ng camera at lightning nang lapitan siya ng isa pang staff para sabihing may naghahanap sa kanya.
“It’s her,” nakangiting sabi niya at mabilis nang lumabas.
Naabutan ni Remarie ang hinihintay niyang kaibigan na nakatayo sa labas ng gate. Nakakapit ang dalawang kamay sa sling ng suot nitong backpack, naka-ponytail ang mahabang buhok at nakasuot ng bull cap. Nakayuko rin ito sa lupa habang ipinapadyak ang dulo ng isa nitong paa roon. Remarie can’t help but smile at the familiar gesture of her friend when waiting and at the verge of losing her patience.
Mabilis na siyang naglakad palapit bago pa tuluyang mawalan ng pasensya ang bagong dating at mapagdiskitahan ang guard na humaharang dito ngayon.
“Chinee,” she shouted.
The newcomer’s head jolted up and a bright smile registered on her beautiful face upon recognizing her.
“Ang tagal mo, kanina pa ako rito,” agad na reklamo nito sa kanya.
“Kakarating mo lang naman.”
Pumalatak ito na mas lalong ikinangiti ni Remarie. Sandali niyang magiliw na tinitigan ang kaharap.
“How have you been?” tanong niya. Madalas naman sila nitong magka-chat at minsan ay may video call din. Pero iba pa rin ngayong kaharap na niya ito. Tinitigan niya itong mabuti at napataas ang kilay niya nang mabasa ang ibang emosyon sa mga mata nito na hindi nagawang itago ng tipid nitong ngiti.
Hindi nagsalita si Chinee. Muli siya nitong niyakap nang mahigpit, at doon alam na niyang may problema itong dinadala.
“Let’s go. Baka tapos na silang mag-ayos sa loob,” yakag niya nang sa wakas ay humiwalay na ito sa kanya.
Nang nagdaang gabi ay naipadala na niya rito presentation overview ng gagawin nilang commercial. Ngayon nila paplanuhin ang group shot at unit shots depende sa product na isasama.
“Ikaw ang pipili sa kung sino ang mas bagay sa bawat produkto,” paliwanag ni Remarie habang naglalakad sila papasok. Isang event hall ang napili nilang location at mayroon na silang mga scene sequences.
“Hindi mo pa ba sila nai-assign?”
“Mas magaling ka sa ganoon kaya iniwan ko na sa’yo ang trabaho.”
“Mahal ang talent fee ko ngayon,” sagot nito at nauna nang pumasok sa loob.
Nang maabutan ni Remarie ang kaibigan ay agad niya itong inakbayan. At ang sasabihin niya sana ay nabitin sa ere nang mapansin itong nakatulala habang nakatitig sa lalaking nasa harap nito.
Mabilis na umiwas si Chinee nang magsasalita sana ang matangkad na lalaki. Naiwan silang dalawa na nagtataka at nagkibitbalikat na lang siya.
“Let’s take the facial cleanser first with the first member, second is the lotion and hand sanitizers.”
“Kilala mo ba silang lahat?” tanong ni Remarie sa kaibigan. Nasa music industry rin ang kuya nito kaya naisip niyang baka sakaling kilala niya ang grupo.
“The cologne will be on outdoor shoot. Nakita ko na maganda ang garden part ng lugar. Let’s utilize that to emphasize the fragrance.”
“Sino ‘yung matangkad na lalaki kanina?” tanong niya ulit sa bagong dating.
Sinenyasan ni Chinee ang camera man na tumabi muna para ito mismo ang mag-check ng focus ng camera. Nakatayo na sa harap ng lababo ang unang talent nila para sa paghihilamos nito gamit ang facial wash na product ng kumpanyang gagawan nila ng commercial.
“Rem, can you prepare the talents for our next scene? This one won’t take long.”
Natitigilang napatitig lang si Remarie sa kaibigan pero sumunod rin naman siya katagalan. Ipinaayos na niya sa ibang staffs ang setting para sa susunod na eksena. Hindi nga nagtagal ay naroon na rin ito at pinapanuod siyang nagbibigay ng instructions sa anim na miyembro ng grupo.
Habang kinukunan ang pangalawang eksena, salitang tinatanaw ni Remarie ang monitor at ang kaibigan niyang nakaupo sa kanyang tabi. Nakatutok ang mga mata nito sa monitor pero napansin niyang sumusulyap ito sa isa pang miyembro na naka-standby para sa susunod na eksena.
Napakunot-noo si Remarie nang biglang mag-iwas ng tingin ang kaibigan nang mapadako rito ang tingin ng matangkad na binata.
Hindi na nakatiis, marahan niyang kinalabit ang kaibigan.
“Are you having a problem with Jung Jinyoung?”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...