SVT - FIFTY EIGHT

30 4 2
                                    


Tahimik lang akong nanonood habang ginagamot ng lalaking nurse ang mga sugat na natamo ni Jinyoung. Nagsisimula na ring magkulay-ube ang ilang parte ng mukha niya— kaliwang pisngi, ibabaw ng labi at kanang mata.

Habang ginagamot si Jinyoung, nakatanggap ako ng tawag mula kay Kalilah. Nagpaalam na lang ako sa dalawa na lalabas lang sandali dahil naghihintay sa labas ng kuwarto si Kalilah. Pagkakita ko pa lang sa kanya, si Minghao agad ang una kong tinanong. Maayos naman daw siya at walang sugat dahil hindi na nakapanlaban si Jinyoung sa kanya.

“Galit na galit si Minghao, Chin.”

“I know,” tipid na sagot ko. Naaalala ko pa ang masamang tingin niya sa akin.

“Ano bang nangyari?”

Napayuko ako. Masyado nang magulo ang nangyayari sa amin, masyado nang maraming taong nadadamay.

“Okay lang kung hindi mo kayang sabihin.” Kalih gave me a reassuring smile. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at ginantiihan siya ng ngiti.

“Pakibantayan si Minghao para sa akin, please. Kailangang kailangan niya ng kaibigan ngayon.”

“Alam nating pareho na ikaw ang kailangan niya, Chin. Totoo ba ang sinabi ni Minghao na nagpapanggap lang na may sakit si Jinyoung?”

Tumango ako. I am about to explain everything to Kalilah when the nurse exited Jinyoung’s room. Sabay kaming napabaling sa kanya at nakinig sa bilin niya. Nang umalis ang nurse ay nagpaalam na rin si Kalih sa akin.

Pumasok na ako sa kuwarto at naabutan si Jinyoung na nakahiga sa kama habang nakapikit. Hindi ko alam kung natutulog na siya dahil nang lumabas ako kanina ay gising siya habang tinitingnan ng doktor.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha niya. Masama ang loob ko dahil sa mga nangyayari pero hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya. Totoong nagsinungaling si Jinyoung sa akin tungkol sa kalagayan niya pero pareho lang naman kaming biktima ng pagkakataon.

Bumaling ulit ako sa pinto nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Hindi ako sigurado kung sino ang naroon. Hindi naman siguro babalik si Kalih dahil tapos na kaming mag-usap kanina.

Nang tumunog ulit ang doorbell ay doon na ako tumayo para tingnan kung sino ang naroon

Ilang beses akong napakurap at sinigurong hindi ako basta namamalik-mata lang. Standing in front of me with a proud smile while looking down at me is Ericka— Jinyoung’s ex-girlfriend.

“Where’s Jinyoung?”

Agad siyang nagtuloy sa loob na hindi na hinintay ang sagot ko. Ni hindi man lang hinintay kung patutuluyan ko ba siya na parang siya ang may-ari ng kuwarto.

Mabilis ang bawat hakbang ko habang sinusundan siya. Nang makarating kami sa kuwarto, siya na ang nakaupo sa puwesto ko kanina at marahang hinahaplos ang mukha niya.

“What are you doing here?” matigas na tanong ko.

Huminto naman si Ericka at masama ang tinging ipinukol sa akin. Nilabanan ko rin siya nang masamang tingin. Matagal na ang naging huli naming pagkikita. Hindi ako nakalaban sa kanya noong pagtulungan nila akong dalawa ni Yesha. Kung hindi pa dumating si Kalih noon ay baka hindi lang first degree burn ang dahil sa mainit na kapeng ibinuhos nila sa akin ang makuha ko mula sa kanila.

“Hindi mo ba alam na lagi na lang napapahamak si Jinyoung kapag ikaw ang kasama niya?”

Tumaas ang kilay ko. Wala ako sa mood na magpakumbaba ngayon sa kahit na sino, lalo sa kanya. “Does that make you a much better companion than me?” I smirked upon witnessing the sudden reaction of her face. Halatang hindi niya inaasahan na sasagutin ko siya.

Lumapit pa akong lalo sa kama. “Hindi ko maintindihan kung bakit panay pa rin ang habol mo sa kanya kahit matagal nang tapos ang relasyon ninyong dalawa. Hindi ka pa rin ba maka-move on? Ikaw ang sumira ng relasyon ninyo kaya wala kang karapatang maghabol ngayon.”

“Kung hindi ka pumagitna noon, magkakaayos pa sana kami ng dalawa!” akusa niya. Tumayo na siya at lumapit sa akin.

“That was almost four years ago, Ericka. At alam nating pareho kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ninyo.” Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa bako ako tumingin ng diretso sa mga mata niya. I gave her an intimidating grin. Mukhang na-intimidate naman siya dahil nabasa ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya kahit na saglit lang iyon.

“What’s happening?”

Sabay kaming napabaling kay Jinyoung.  Marahan siyang bumangon at tumingin sa gawi namin. Inunahan ko na si Ericka bago pa siya makalapit ulit sa kama.

“Okay ka lang? May iba pa bang masakit sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“What are you doing here, Ericka?”

“Nag-aalala lang ako sa ‘yo. Palagi ka na lang kasing napapahamak kapag kasama mo ang babaeng ‘yan.”

“You have no right to look down on Chinee, Ericka. Bumalik ka na lang sa hotel suite mo.”

Halata sa mukha ni Ericka ang pagkontra pero wala rin naman siyang nagawa. Pinukol niya ulit ako ng masamang tingin bago siya tuluyang tumalikod at lumabas ng kuwarto.

Nang kaming dalawa na lang ulit sa kuwarto, bigla akong nailang dahil hindi na siya ulit nagsalita. He tapped the empty side of his bed and motioned me to sit there which I followed.

“Alam mo na pala ang totoo...” walang tonong pahayag niya.

Huminga ako nang malalim. Alam kong pag-uusapan din naman naming talaga ‘to pero hindi pa rin ako handa na buksan ang usaping iyon.

“Nagkikita pa rin pala kayo ni Ericka?” tanong ko na lang.

This time, it was his moment to heave a heavy sigh. Kinuha niyang muli ang isang kamay ko at masuyong pinisil iyon. Iniiwasan ko siyang tingnan kaya itinuon ko ang mata ko sa dingding.

“We’re working at the same company. Ako ang composer ng mga kanta ng grupo nila.”

Alam ko na ang bagay na iyon. “Matagal na ba siyang nandito? Isa pa, bakit nandito rin siya?”

Naalala ko noong nagkasabay kami sa elevator nina Joshua at sinabi niya sa akin na nakita nilang bumaba sa fifth floor si Jinyoung. Inalala ko rin ang ilang beses na nagpaalam sa akin si Jinyoung na lalabas at ni hindi man lang ako inayang sumama. Siguradong iyon ang mga pagkakataong nagkikita sila ni Ericka.

“Why did you stay?”

“Dahil kailangan.” Kumilos ako para harapin siya. “Alam ko na ang totoong dahilan ng pag-alis mo sa agency namin. Alam kong ang pamilya ko ang nagtulak sa ‘yo para gawin iyon.”

“Ayokong magkaroon ka ng conflict sa family mo, Mei. They are your family after all. Kinailangan ko lang na umalis para patunayan sila na kaya kitang alagaan. Hindi ko gustong makipaghiwalay sa ‘yo pero ikaw na ang kusang lumayo. Naisip kong kailangan muna kitang bigyan ng oras para makapag-isip. Natuwa ako nang mabalitaan ko na binabalikan mo ang career mo. Alam ko kung gaano mo kagusto ang pagsusulat at paggawa ng pelikula.”

Tumango ako.

“Don’t cry, Mei.” Pinahid niya ang luha kong hindi ko namalayang tumutulo na pala. “I’m sorry kung napabayaan kita ng mga panahong iyon. I’m sorry kung kinailangan mong mag-adjust na naman para sa akin. Sorry kung nagsinungaling ako sa ‘yo ngayon. I’m just too desperate to make you stay that I even lied about my condition.”

“I’m sorry if you have to do those things to prove yourself.”

“Kailangan ko ring patunayan ang sarili ko sa ‘yo, Mei. I’m not blaming anyone. Natakot lang ako nang makita kong dahil sa pagbibigay ko ng oras na makapag-isip ka, unti-unti ka nang lumalayo sa akin at napupunta sa iba. Hindi ko matanggap.”

Umiling ako. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip.

“Thank you for choosing to stay with me.” Sinalo niya ng dalawang kamay ang mukha ko at kinintalan ako ng halik sa noo. Hindi niya gaanong inilayo ang mukha niya sa akin at mataman akong tinitigan sa mata. “But do you really want to stay?”

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon