SVT - THIRTY SEVEN

25 5 0
                                    

The overwhelming feeling of being in a room with your ex is the same with you standing on the edge of a cliff. Should you jump or stay away from it? Should you greet him or just ignore his presence?

“Are you okay, wife?”

Nilingon ko si Sandeul pero sa ibang mukha lumapag ang mga mata ko. Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa man niya magawang ngumiti sa akin.

“Since when did you start calling her your wife again?” Channie inquired from across the table.

Umakbay sa akin si Sandeul at ngumiti sa maknae nila. “I never stopped calling her wife. She’s still my Chinee after all.”

Hindi na ako pumalag nang hilahin niya ako palapit sa kanya. Naiintindihan ko naman si Sandeul na gusto lang niyang pagaanin ang loob ko dahil kanina pa ako hindi umiimik.

“Where’s Baro? Malapit nang dumating ang pagkain natin,” Shinwoo asked in an almost strict voice.

“Kausap pa rin niya si Kalih unnie.”

Lumipad ang tingin ko kay Yoonji na katabi ni Channie. Hindi ko alam na nagpunta rin pala si Kalih sa musical, hindi ko kasi siya nakita.

“I also invited her. Kasama namin siya kanina sa dressing room.” Wagas ang ngiti sa akin ni Sandeul matapos magpaliwanag. "Your questions are all over your face."

Inirapan ko siya.

Nagsabi nga pala sa akin si Kuya Shinwoo na pupuntahan sa dressing room si Sandeul bago magsimula ang show. Hindi lang ako sumama dahil nagkataong tumawag sa akin si Minghao kanina.

Dumating na ang mga order naming pagkain pero hindi pa rin nakakabalik si Baro. De numero ang bawat kilos ko dahil nararamdaman ko ang mga mata sa akin ni Jinyoung kahit hindi ko siya tinitingnan.

“Careful, Chin.”

“S-sorry,” hinging paumanhin ko. Natabig ko kasi ang baso ng tubig at tumapon iyon sa gawi ni kuya. Agad naman siyang kumuha ng tissue at inilapat iyon sa lamesa para hindi na kumalat pa ang tubig.

“Relax, Chin. Kami lang ‘to,” bulong sa akin ni Sandeul.

Bumuntong hininga ako at tiningnan si Jinyoung na nakikipagtawanan kay Channie.

We dated for almost three years and broke up just months ago. Pero bakit parang ako lang ang apektado? Paano niya nagagawang makipagtawanan kay Channie na parang wala lang? Paano niya nagagawang humarap sa akin ngayon na parang wala kaming pinagsamahan? Na parang hindi naging mahalaga sa kanya ang relasyon naming dalawa? Na parang ayos lang na naghiwalay na kami sa wakas.

“Baka naman matunaw na si Jinyoung hyung niyan dahil sa titig mo?”

Marahas kong nilingon si Sandeul pero dahil pabulong ang ginawa niya ay malapit lang ang mukha niya sa akin. Bahagya akong napaatras nang ma-realized kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa sa isa’t isa.

“What are you doing, Sandeul?”

Nahinto sa kalagitnaan ng pagsubo si Channie, nakatulala si Yoonji at halos hindi na gumagalaw. Nakataas ang isang kilay ni Kuya Shinwoo pagkatapos niyang magtanong. At si Jinyoung...

Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Tumikhim ako at bahagyang lumayo sa akin si Sandeul. Nang mapansin na hindi pa rin nagre-react ang mga kasama namin ay tumawa siya nang malakas habang nagkakamot ng ulo.

Napailing na lang si Kuya Shinwoo pagkatapos at bumalik na sa normal ang lahat. Gusto ko nang umalis kanina pa, pero nagkaroon lang ako ng magandang dahilan para lumabas nang mag-ring ang phone ko.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon