SVT - FORTY ONE

21 0 1
                                    

I spent my entire week with Minghao. Isang linggo na lang ang natitira sa akin bago ako tuluyang bumalik sa trabaho, this time ay sa Japan naman na aabutin ng tatlong buwan.

Nakasalampak ako sa sahig at nakangiting pinanunuod ang apat na miyembro ng performance team na sina Hoshi, Dino, Jun at Minghao habang binubuo ang choreography ng sayaw na ayon sa kanila ay isasayaw nina Baro at Alexenne.

Si Woozi ang vocal unit leader na nag-produce ng kanta na magiging theme song ng drama nila. Siya rin ang nag-arranged at nag-remixed ng kanta para puwede nilang sayawin iyon sa introduction proper ng drama. Hindi pa ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ni Kalilah kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Siya ang kakanta ng OST ng drama ni Baro kasama ang vocal unit ng Seventeen.

"You taught me, you showed me. You're my flower..." Nagpatuloy ang tugtog ng kanta sa speaker. Halos nakakabisado ko na nga sa paulit-ulit na pagpapatugtog nila.

Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ni Minghao sa salamin. He just did an acrobatic routine and a little break dance. He made a 360 degree turn, raised both his hands upward as if he's praying, then for the final move, looked at me straight in the eye from our reflection in the mirror and winked that caught me off guard.

"Stop flaunting your love life in front of the innocent kid, Myung Ho hyung," Dino, their youngest member screamed teasingly.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang marinig ang malakas na tawanan nina Jun at Hoshi. Nawala sa isip ko na kasama namin sila sa loob ng dance studio. Hindi ko maintindihan pero minsan, nakakalimutan ko kung nasaan kami kapag naka-focus na ang buong atensyon ko kay Minghao.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto.

"Bibili lang ako ng snacks at drinks."

"Sasamahan kita."

Agad na tumutol ang mga kasama ni Minghao kaya itinaboy ko na siya pabalik sa loob ng studio. Tinanong ko na lang sila kung ano ang mga gusto nilang kainin. Malapit lang sa dorm ng Seventeen ang dance studio na nirentahan ng PR team ng agency nina Baro para sa practice. Nasa second floor iyon ng maliit na building at nagkalat sa paligid ang iba't ibang food stalls at convenient stores.

Dahil sandwich ang gusto nilang kainin, sa convenient store na ako nagpunta. Kasaluluyan akong naghihintay na maihanda ang order kong variety ng sandwich nang muling tumunog ang wind chime na nakasabit sa pinto ng store. Dumiretso sa store ang matangkad na lalaki na nakatalikod sa gawi kung saan ako nakaupo.

Hindi ko na sana iyon pagtutuunan ng pansin pero nang magsalita ang bagong dating ay mabilis akong muling napatingin sa kanya.

Naka-sleeveless shirt siya kaya exposed ang malaman niyang braso. Nakasuot ng sombrero, itim na pantalon at nakapulupot sa bewang nito ang checkerd na pulang jacket. Hinintay kong matapos ang transaction niya sa counter at nang tuluyang siyang humarap ay nakumpirma ko ang hinala ko.

"Chin... Mei?"

Tipid akong ngumiti. Hinintay ko siyang lumapit sa akin at maupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Mag-isa ka lang?" tanong ko imbes na sagutin siya.

Tumango siya at pinagmasdan akong mabuti. Hindi na ako naiilang kapag ginagawa niya iyon.

"About last time..."

"Hindi na tayo nakapag-usap pagkatapos no'n." Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin. Nagpunta siya sa Busan kung saan kami nagbakasyon nina Kalih, Jiwoo at Seventeen members. Gusto niya akong kausapin tungkol sa paghihiwalay namin ni Jinyoung pero iniwasan ko siya.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon