Sa kusina na naabutan ni The8 ang dalaga. Nakaupo ito sa kitchen counter, nakatulala habang mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang kamay sa baso na may kaunting lamang tubig.
Tumayo siya sa harap nito sa kabilang panig ng counter. Marahan, nananantiya at naghihintay sa magiging reaksyon nito nang sakupin niya ang dalawa nitong kamay.
Hindi natinag ang dalaga. Nakatingin pa rin ito sa kawalan kahit nasa harap na siya nito.
"Why don't you ask me now? Alam kong marami kang gustong itanong."
Nakakunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay nito. Tinanggal niya ang hawak nitong baso at pinagsalikop ang mga daliri nila. Maliit ang mga kamay nito kung ihahambing sa kanya. Malambot at mainit ang palad nitong nakalapat sa palad niya.
"Marami nga akong gustong itanong, maraming gustong malaman. Pero nangako rin akong hihintayin kang kusang magsalita. Im keeping that promise, Mei."
Matamang niyang tinitigan sa mga mata ang dalaga. Wala itong suot na salamin kaya kulay asul na naman ang mata nito dahil sa contact lens. Pero kahit na magpaganoon pa man ay hindi nagawang itago ng lenses ang pagkadismaya nito.
"Si Cha Baro ang nakita mo kanina."
Iyon lang. Ilang salita lang pero naramdaman agad ni The8 ang halu-halong emosyon ng dalaga. Pagkadismaya, galit, lungkot.
Tumayo ang dalaga. Nagtungo sa ref, at pagbalik sa harapan niya ay may hawak na itong bote ng red wine.
"S-sandali, bakit ka may ganyan?"
"Ito?" Bahagyang itinaas ang hawak na bote, "nakita kong dala ni Joshua kagabi," sagot nito. Nagsalin ng kalahating baso at mabilis iyong tinungga.
"Sino nagsabi sa'yong puwede kang uminom?" maawtoridad ang boses niya. Inagaw rito ang bote ng alak. Hindi naman na pumalag pa ang dalaga.
"Alam mo kung anong nakakainis? Iyong taong inaasahan kong pumunta rito, magpakita sa akin at makipag-usap, siya pa ang walang pakialam. Na para bang ganon lang ako kadaling kalimutan."
Chinee laughed mockingly at herself.
Ilang sandali lang ay naroon na rin sina Jeonghan at Kalilah. Walang imik na naghila ng upuan ang huli at tumabi kay Chinee. Si Jeonghan naman ay tumabi sa gawi ni The8, paharap kay Kalih.
Tahimik silang lahat. Walang nais bumasag ng katahimikan sa paligid.
Mabilis na muling inagaw ni Chinee ang hawak na bote kay The8. Nagsalin sa baso at ipinasa iyon kay Kalih na walang alinlangan ring tinungga hanggang sa masaid ang laman niyon.
"This is really frustrating."
"I agree," sagot ni Kalilah sa sinabi ng kaibigang babae at malalim na bumuntong-hininga.
Nagkatinginan ang dalawang binata.
"Bakit ka nga pala bumili ng bagong phone?" tanong ni Kalih sa katabi niya.
"Nasira ang phone ko. Siguradong mag-aalala si Kuya Shinwoo kapag hindi niya ako natawagan agad kaya bumili na ako ng bago."
"Kaya pala siya tumawag sa akin kanina at hinahanap ka. Pati si Sandeul at si Channie, magkakasunod lang din na tumawag sa akin para hanapin ka. Ikaw talaga ang prinsesa ng grupo nila."
"Nag-aalala lang si kuya."
"Pati si Baro napasugod dito nang malamang naghiwalay na rin kayo ni Jinyoung."
Lumipad ang tingin ni Chinee kay Jeonghan. Madilim ang mukha na tinitigan ang binata.
"Wala ni isa sa kanila ang pinapunta ko rito. Kung anuman ang nangyayari sa pagitan nina Baro at Kalih, labas na ako roon. Kaibigan ko si Kalih pero hindi ako nagsasalita o nagkokomento dahil ayokong madamay sa anumang nangyayari sa kanila."
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...