AN/ Mansae Music video on the media up top for you all
**Kung alam ko lang na pipilitin akong umalis nina Jiwoo at Remarie, sana pala sumama na ako kay Kuya Shinwoo sa out of town show niya pag-alis niya kagabi. I don’t know how or when their friendship formed behind my back, but seeing them laughing together, talking animatedly at each other, it is as if they’ve known each other long enough.
“Stop sulking, Mei. I can’t concentrate on driving because of your long face.”
Mas lalo akong sumimangot. Nasa steering wheel si Rem, katabi niya sa front seat si Jiwoo habang ako ay nasa backseat katabi ang mga bags nila. Nag-aagahan lang ako kanina at planong magkulong sa kuwarto ko buong araw nang biglang dumating ang dalawa para ayain ako sa lakad nila.
Natatandaan ko kahapong tumanggi akong sumama pero hindi sila nakikinig. Pilit nila akong tinatanong kung bakit ayoko, o kung may iniiwasan ba ako. Pero wala naman, at bakit ako iiwas? I just don’t want them teasing me or pairing me up to The8.
“Malapit na tayo,” Jiwoo announced after checking the car navigation device. “Excited na ‘kong makita ulit si Wonwoo.”
“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kong sumama,” nagmamaktol na pasaring ko sa kanila.
“Kailangan ko ng assistant director.”
“Eh si Jiwoo?”
“Kailangan ko ng additional talent. School setup ang gagawin namin sa MV kaya kailangan ko ng girls.”
Pumasok kami sa gate ng isang Junior High School Academy. At dahil Sabado, natural na walang pasok ang mga estudyante. Masayang bumaba ng sasakyan si Jiwoo matapos i-park ni Rem ang sasakyan sa tapat ng covered court ng school.
“Ngayon ka lang ba nakarating dito?” tanong ko kay Rem matapos kong ilibot ang tingin sa buong paligid. Napakatahimik ng lugar.
“Oo pero na-check na ito ng isang tao sa production team. Na-orient na rin namin ang grupo pati ang ibang talents.”
Dumiretso kami sa likod ng school building nang dumating ang isang staff ng production team ni Remarie. Huli ko na nalaman na may branch pala dito ang company na kinabibilangan ni Rem kaya naging madali lang sa kanya ang pagkilos dito at magmando sa mga tao. She’s one of the company’s assets kaya mabilis lang para sa kanya ang mag-demand ng mga kailangan niya.
“Napansin ko, ang hilig nila sa school setup.”
“Dahil iyon ang theme ng album nila... Teen, Age. It’s about teenager—“
“I know,” I interrupted and walk out on her. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Jiwoo at mas binilisan ko pa ang lakad. Naiinis pa rin talaga ako sa kanilang dalawa.
Kahapon, kahit anong gawin ko ay ayaw talaga nilang ipakita sa akin ang phone ni Remarie na ipinakita niya kay Jiwoo. Hindi ko malaman kung ano ang naroon pero simula noon ay hindi na niya ako tinantanan ng kakatanong tungkol kay The8.
Nagkakagulo na sa classroom pagbukas ko ng pinto. Parang gusto ko tuloy tumakbo palayo nang matuon sa akin ang tingin ng lahat. Naroon ang kumpletong miyembro ng Seventeen, kasama ang mga makeup artists nila at apat na babaeng estudyante na nakasuot na rin ng school uniform.
“Let’s start,” anunsyo ni Remarie nang makitang naroon na rin ako. Nauna siya sa amin ng kaunti at mukhang nakapagbigay na rin siya agad ng instruction.
“Siya ba ang sinasabi mong idadagdag natin sa girl students, Ms. Rem?” tanong ng isang lalaki na may hawak na camera.
“No.” Lumampas ang tingin niya sa akin. “The other one behind. Si Ms. Mei ang assistant director dahil marami na siyang experience sa music video making.”
BINABASA MO ANG
We Must Stop Meeting This Way
RomanceHindi madali ang mag-adjust. That's what she realized after all these tiresome events happening before her very eyes. From the poor girl that she was to a pampered princess that she became- life became a never ending sequence of pretensions. Life ha...