SVT - FIFTEEN

51 11 20
                                    

AN/Jeon Wonwoo on the media up top ^~,
**


“I missed you, Mei.”

“Ano ba, Jiwoo,” reklamo ko habang pinipilit na alisin ang pagkakayakap niya sa akin. Nang magtagumpay ako ay mabilis naman siyang sumimangot.

“Masama bang ma-missed kita? Isang linggo ka kayang nawala.”

“Technically, it was just four days. Not to include the two days where I don’t have classes and of course, Sunday.”

Mas lalo niya akong sinimangutan dahil sa sinabi ko. May out of town conference si daddy na pinuntahan at isinama ako. Pero sa loob ng mga araw na iyon na wala ako, walang palya naman ang padala sa akin ni Jiwoo ng messages.

Malungkot daw kasi siya dahil wala ako at wala siyang makausap. Na sa interpretasyon ko, malungkot lang siya dahil walang ibang may tiyaga na pakinggan ang kuwento niya tungkol sa wagas niyang pagmamahal kay Jeon Wonwoo.

“How are you anyway?”

Nagkibit-balikat lang ako at tipid na ngumiti sa kanya. Nasa labas na kami ng school building habang naglalakad sa school front yard. Natanaw ko ang malaking fountain na nakatayo sa gitna na may rebultong naging simbulo na ng university. Kasama sa school manual ang history ng mother and child statue sa gitna ng fountain pati ang paliwanag niyon. Ang paaralan bilang ina na gagabay sa pag-aaral ng mga bata, at ang sanggol bilang mga estudyanteng nag-aaral doon.

Maliban doon, ang sinisimbulo ng Mater Dei statue ay ang mismong babaeng nagbigay buhay sa akin, sa amin ni Kuya Shinwoo. Habang ang sanggol ay ako naman. Ikinuwento na iyon sa akin noon nina mommy at daddy kung bakit ganoon ang naging simbolo ng paaralan. Kaya rin pala sila kumukuha ng exchange students mula sa Pilipinas. Dahil nagbabakasakali sila na balang araw, bumalik sa kanila ang nawawala nilang anak.

Na nangyari naman, dahil nakilala ko sila sa isang exchange student program. Iyon ang naging daan para malaman ko kung ano talaga ang nangyari kaya nawalay ako sa totoo kong pamilya.

“Mei!”

Inangilan ko si Jiwoo nang hampasin na naman niya ako sa isang balikat.

“Ang kulit mo,” reklamo ko.

“Kanina pa kasi ako nagsasalita tapos hindi ka naman pala nakikinig.”

Pumalatak ako. “Kung tungkol kay Wonwoo na naman—“

Natigil ako sa pagsasalita nang matanaw ang isang babaeng nakatayo sa may gate at masayang kumakaway sa akin. Ano’ng ginagawa niyan dito?

“Sino ‘yon?”

“Remarie,” maiksing sagot ko kay Jiwoo at nagmamadali ko nang nilapitan ang kaibigan ko.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Bawal na ba kitang dalawin? Bored na kasi ako sa hotel kaya naisip kong puntahan ka.”

Tumikhim si Jiwoo mula sa likuran ko kaya napilitan na akong ipakilala silang dalawa sa isa’t isa. Pero napataas ang kilay ko nang magtinginan lang silang dalawa at ni hindi man lang ngumiti sa isa’t isa.

“May cafe ba rito o kahit saan na puwedeng kumain? My treat.” tanong ni Remarie katagalan.

Napunta kami sa isang music themed café sa pangunguna ni Jiwoo. Mukhang regular customer na siya roon dahil binati pa siya ng isang waitress. Siya na rin ang pumili ng puwesto namin at talagang doon  siya umupo sa mesa kung saan may nakapaskil na poster ng Seventeen ang dingding.

“I can see that the KPop industry is booming right now. Mukhang mas sikat pa sila kumpara sa mga local actors dito at soloists. Kahit sa Thailand kung saan ako nakabase ngayon, hindi malabong makasalubong ka ng KPop fan.”

“Kasama ba sa sinasabi mo si Kuya Shinwoo?” nakangiting tanong ko kay Rem. Inismiran lang niya ako at tumingin sa buong paligid. Matagal na akong nag-iisip na may kakaiba talaga sa kanila noong mag-OJT sa company namin si Remarie. Pero kung anuman iyon, siya at si Kuya Shinwoo ay parehong ayaw magsalita.

“My Jeon Wonwoo is really dashing no matter what the circumstance he’s going through.”

Napalingon ako sa katabi kong si Jiwoo na nakatingala sa built in flat screen TV sa sulok ng shop. Kaya pala siya biglang tumahimik dahil kasalukuyang pinapalabas ang commercial ng Seventeen.

“Ang galing ng production team na gumawa ng commercial nila,” she added dreamily.

“Of course, that’s my team and I directed the commercial,” Remarie butted in proudly.

Napailing na lang ako. Pero si Jiwoo ay marahas na lumingon sa gawi ng katapat ko.

“Y-you…”

“Yes. Hindi ba nabanggit sa’yo ni Mei na kasama ko siya?” Tumingala na rin si Remarie at pinanuod ang papatapos nang commercial. “Siya pala si Jeon Wonwoo. He has a striking personality,” naiiling na sabi pa nito.

“Not my Jeon Wonwoo please,” reklamo ni Jiwoo.

My gosh! Bakit ko ba naging kaibigan ang dalawang ito? Isang compliment hoarder at isang obsessed fan.

“Nire-review ko ang profiles nila kagabi para sa gagawin naming MV at nakita kong malakas ang dating niya para sa character—“

“Wait!” Itinapat ni Jiwoo ang dalawang kamay niya paharap kaya napahinto sa pagsasalita si Rem. Nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa aming dalawa bago tuluyang huminto kay Remarie. “A-anong sabi mo?”

“As I was saying, kasama ko si Mei nang gawin namin ang commercial at balak ko siyang isama ulit para sa MV.”

“Kailan ka pa gumawa ng MV?” tanong ko sa kanya. We did independent film before that actually won an award and helped us being recognized as young directors and film makers. Nag-settle na siya sa Thailand dahil doon naging in demand ang talent niya pero ang paggawa ng music video? Kailan pa?

“Wait, Mei.” Hinawakan ni Jiwoo ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. “You met them again, did a commercial with them and you didn’t even bother to tell me? Kailan pa?”

“Last week.”

“Last week lang?” bulalas na tanong niya.

“Yes. Tinanong mo ako kung busy ako. I answered yes.”

“Pero hindi mo sinabi na iyon ang pagkakaabalahan mo.”

“Hindi mo rin naman kasi tinanong kung ano ang pagkakaabalahan ko, so I believed you’re not interested.

Ang malakas na reklamo ko ang naging dahilan para mapalingon sa gawi namin ang ibang customers matapos akong hampasin ni Jiwoo sa likod.

“Nakakainis ka!” reklamo niya na parang maiiyak na.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa at inatake ng konsensya. Hindi ko rin naman talaga alam na Seventeen ang talents namin sa commercial. Nalaman ko lang iyon nang mismong nasa set na ako. Nang magawi ang tingin ko kay Remarie ay tahimik siyang nakangiti habang pinapanuod kami ni Jiwoo.

“Natutuwa kang nasasaktan ako?” nag-aakusang tanong ko sa kanya.

“No.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya. “Natutuwa ako na nakikitang ikaw naman ang nawawalan ng pasensya ngayon sa pagiging makulit ng kaibigan mo. Ganyan din ako dati noong kinukulit mo ko kapag gusto mong magkwento tungkol sa B1A4.”

Natigilan ako. Ngayon ko lang na-realized na ganoon nga rin pala ako kakulit noon.

“Anyway,” Rem leaned forward and showed her phone to Jiwoo. “Who’s this handsome guy?”

Parang sinadyang huwag ipakita sa akin ni Rem ang phone niya pero biglang kumunot ang noo ko nang nakangiting bumaling sa akin si Jiwoo. Maging si Rem ay ganoon na rin ang ginawa, pareho silang may nanunuksong ngiti.

“What?” I asked annoyingly.

“The8,” Jiwoo whispered with a grin.

We Must Stop Meeting This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon